Kwentong Kengkay

Agosto 29, 2008

OFW Suicide Nga Ba?

Isinalansan sa: Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas — kengkay @ 7:14 hapon

Mahilig akong dumalaw sa inquirer.net bago ako matulog, pero kagabi medyo hindi ako nakatulog dahil dun sa nabasa kong istorya tapos napanood ko pa yung video..

Yung tungkol ba sa istorya ng isang OFW na sinabing nag suicide daw dahil tumalon daw sa isang building sa Abu Dhabi mantalang ang nakita sa katawan nya nung dinala na sa Pinas ay ‘

Milo’s remains arrived in Manila on August 19. Anita Milo-Macalintal, Milo’s aunt who raised her, said Milo’s body bore strangulation marks on her neck, and stab wounds on her chest and legs.

“Her mouth seemed punched in and her genitalia were swollen,” Macalintal said.

Alam nyo yun, yung tipong siguradong isa lang yan sa mga ganyang nakakalungkot na istorya ng mga OFWs natin. Mas marami pang mas malala. Pero kahit na.

Yun tipong, aalis ka ng Pinas para magbali ng katawan para di magutom yung mga naiwan sa Pinas. Yung tipong aalis ka ng Pinas at iiwan yung mga mahal mo sa buhay, yung pagkaing sarap na sarap ka, yung buhay na nakasanayan mo, yung makikipagbakbakan ka sa isang kulturang ibang iba sa kinagisnan mo, yung iiyak ka dahil homesick na homesick ka, yung tipong ang taas ng pangarap mo para sa mga naiwan sa Pinas mantalang alam mo namang isa ka lang aba sa hiram na bansang tinutungtungan mo… Tapos hindi mo alam, hindi alam ng buong pamilya mo, ng mga kaibiga mo… isang araw uuwi ka na lang ng wala ng buhay.

Alam mo yun, yung tipong uuwi ka na lang ng hindi ka man lang nakakapag-paalam. Yung uuwi ka na lang ng ganun pa rin ang kahihitnatnan ng mga gusto mong bigyan ng bagong buhay. Yung wala ka ng magawa kasi naiwan mo na sila ng tuluyan talaga. Alam mo yun?

Naiyak pa ako kasi napnood ko yung nanay nung OFW nagsalita pa, hindi ko alam kung para kanino yung mga pananalita nya kasi meron pang prompter sa background nya, na tipong pinapa-alala pa kung ano dapat nyang sabihin; pero kahit na, alam nyo yun? Yung tipong wala na ngang ngipin yung nanay nya, ibig sabihin, talagang walang pera para kahit man lang sa pustiso — tapos 300 pesos lang daw ang binigay nung recruitment agency para sunduin yung bangkay ng anak nya. Ano ba namang klase yon?

Hindi ko alam kung Pinoy ang may ari ng recruitment agency na yon, Bright International Manpower, pero naku naman, pwede ba, kung magbibigay kayo ng trabaho sa mga umaasang kapwa ninyo Pinoy.. sana namang buong tulong ang gawin ninyo. Hindi yung sa bandang huli e iwanan na sa ere. Imagine, bigyan nyo yung nanay nung patay ng tatlong daang piso para sunduin yung anak nya sa airport na isang bangkay na?

Magkaron naman kayo ng puso, mga recruitment agencies. Maawa naman kayo sa mga taong umasa sa inyo. Sigurado ko, nung nag apply pa lang si Evelyn e makikita sa kanya ang sigla dahil may pag asa ng magbago ang buhay nila. Ngayon, nawala na ang sigla. Wala na rin kayo bigla. Wag sana masilaw ang mga recruitment agencies sa pera, unahin sana nila ang magiging tao nila.

Ayoko ng ganyan, sumasakit ulo ko.

Para kay Evelyn Milo, may your soul rest in peace. Para sa pamilya ni Evelyn, tatagan nyo ang inyong kalooban at maniwala kayo sa May Kapal. Sigurado kong may kasagutan ang lahat ng yan.

Eto ang buong istorya

Mga Puna »

  1. aaaawwwww nakaka-awa naman :( sana maunlad na lang ang pilipinas para wala ng OFW ang pupunta pa sa abroad para lang mag work.Sana nga para hindi na rin ako iiyak sa sobrang homesick.

    kengkay: sana nga. iba talaga ang dating ng homesickness ano

    Comment ni MC — Agosto 29, 2008 @ 7:35 hapon | Tugon

  2. feeling nila nakauto sila ng unggoy sa tuwing pine-press release na suicide katapos kita naman ang mga bakas ng pagmamaltrato. nakakainis ang mga taong nagmamagaling pero halata namang bobits. haaaaaay dapat talaga pinaiiral pa rin ang lumang tipan, “an eye for an eye”.

    kengkay: hindi tama yon na kapwa mo e binibinggwit mo sa kapahamakan, haysss

    Comment ni utakmunggo — Agosto 29, 2008 @ 10:23 hapon | Tugon

  3. hay salamat kay MC muna kasi sya nagbigay ng link na ito.. nah yah i’d say we do have a choice but its hard to choose :(

    kengkay: minsan kasi parang wala ng ibang choice kasi gutom ang abot e, di ba

    Comment ni eisly — Agosto 29, 2008 @ 11:02 hapon | Tugon

  4. kakalongkot naman talaga yun mga kinahihinatnan ng ibang OFWs at talgang nakakainis yung mga agencies na nanamantala ng kapwa pinoy

    kengkay: dapat sa agencies may test kung may puso sila, hmpf

    Comment ni pusa — Agosto 30, 2008 @ 12:57 umaga | Tugon

  5. Nakakagalit! Bakit ba kasi merong mga taong ayus lang sa kanilang matapakan ang ibang tao para lng kumita ng pera?! It is sooo unfair! Di dapat ganun…. ngayon tuloy, naiisip ko na naman maging mangkukulam! waaaah! isasama ko sila sa mga kukulamin kong corrupt government officials at mga milf na pumatay dun sa mga sibilyan sa mindanao… grrrrr!

    kengkay: kulam ba talaga ang sagot? malay nga natin ano :)

    Comment ni binx — Agosto 30, 2008 @ 1:14 umaga | Tugon

  6. nakaka-frustrate talaga na makabasa o makabalita ng ganyan…pero tila casual na lang ang story ni evelyn. ilan na bang tulad niya ang umuwing bangkay at nailibing kasama ng hustisya. kung sana ay di na nila kailangang umalis ng bansa para magtrabaho at bigyan ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

    May you rest in peace, Evelyn!

    kengkay: kung hindi na kailangan makipagsapalaran sa ibang bayan, at sa pinas tayo maging maginhawa, ang saya siguro ano

    Comment ni hitokirihoshi — Agosto 30, 2008 @ 2:07 umaga | Tugon

  7. sigh…

    ano kayang puso ang meron sa mga taong mahilig manlamang ng kapwa?
    yan ang mga taong tinatawag na filthy rich…badtrip!!

    nakikiramay ako sa mga naulila ni aling evelyn…may she rest in peace..

    kengkay: yan din ang tanong ko, kung may puso talaga ang mga ganyang tao

    Comment ni rio — Agosto 30, 2008 @ 3:35 umaga | Tugon

  8. oo nga tae kengks. nakakaawa yung mga gnyang OFW..
    kasi, nagtatrabaho sila ng maayos..
    lalo na yung mga OFW sa Jordan..

    kengkay: hmm, di ko yata alam yung sa Jordan

    Comment ni winkii — Agosto 30, 2008 @ 3:49 umaga | Tugon

  9. nakakalungkot naman.. sana magising naman kahit kunti ang mga agency na ganyan, na pagkatapos pagkakwartahan e iiwanan na lang sa ere pag me problema..

    kengkay: sana nga magising sila na ang responsibilidad nila ay hindi limitado sa paghahatid lang sa airport

    Comment ni analyse — Agosto 30, 2008 @ 6:41 umaga | Tugon

  10. Advice ko lang, dapat di pwede ang babae sa middle east. pwede kung couple o mag-asawang aalis, pero kung single o kaya me asawa pero di nya kasama asawa nya, wag na lang, pero kung mag-iinsist sila, humanda na rin sa mga ganitong klase ng balita. Makatotohanan lang po ako.

    kengkay: kung alam ng mga agencies ang ganyang balita, dapat may mga tips sila sa mga gustong magibang bansa. hindi yung sugod lang ng sugod

    Comment ni partofyou — Agosto 30, 2008 @ 7:34 umaga | Tugon

  11. kawawa naman. all we can do is pray for her bereaved family and hope this will be the last of the pinoy being treated like this.

    kengkay: sana nga… sana wala ng ganito

    Comment ni gmacomics — Agosto 30, 2008 @ 9:02 umaga | Tugon

  12. natakot naman akong bigla. pero babae naman si evelyn at kaawa-awa ngang talaga. GRABE naman yang agency na yun. hmmmp. pero gusto ko pa ring mangibang-bansa… para maiahon sa kahirapan ang pamilya ko.

    kengkay: ayan na nga e, marami gustong umalis ng pinas, pero sana yung mga agencies na nagbibigay ng oportunidad, sana alam nila ang responsibilidad nila at sana yung mga umalis, alam nila kung saan sila pupunta. good luck sa yo

    Comment ni akosimakoy — Agosto 30, 2008 @ 9:05 umaga | Tugon

  13. rest her soul.

    kengkay: amen

    Comment ni prinsesamusang — Agosto 30, 2008 @ 9:11 umaga | Tugon

  14. dito sa uae, pag pangit na balita na tipong ikakasira ng reputasyon ng papaunlad nilang bansa….wala kang makikita sa dyaryo o kahit saang balita. nakakalungkot pero totoo. kahit nakakatakot, napakaraming pinay na sinusugal ang kanilang mga sarili para makipagrelasyon sa ibang lahi. indi sa hinuhusgahan ko sila pero sana naman ay magkaroon sila kahit konting takot. iba ang kultura nila at wala sila sa pinas.

    mahirap ang mangibang bansa lalo na para sa mga taong nais iangat ang mga buhay nila at nakakalungkot na may mga kababayan din tayu na sumisira ng reputasyon ng pinoy sa ibang bansa.

    nakikiramay po ako sa pamilya ni Evelyn Milo.

    *hi ate kengks! pasensya na po sa matagal na pag-absent. :)

    kengkay: imbes na magtulungan tayo ano? alam mo, hindi ko alam kung mas maganda bang itago ang katotohanan o ilabas lahat ng baho

    Comment ni Aling Baby — Agosto 30, 2008 @ 9:39 umaga | Tugon

  15. May malamin na dahilan kaya nagpapakamatay ang tao pero sa palagay ko hindi na niya nakayanan ang pang-aabuso sa kanya.

    siyanga pala,
    pwedi mo bang ibigay ang URL mo at connect tayo.

    Cocoy’s Delight
    http://cocoy826.wordpress.com

    kengkay: alam mo, ang nakakalungkot talaga e yung mga taong nagpadala sa kanya dun, parang kapag wala ng buhay yung pinadala nila dun, wala na, tapos na ang responsibilidad nila. hindi dapat ganun, di ba?
    ur linked na :)

    Comment ni Cocoy's Delight — Agosto 30, 2008 @ 7:50 hapon | Tugon

  16. haaaaaayyyzz… kakalungkot naman yun mga ganyang balita.. yun gumawa kay aling evelyn ng ganon si God na bahala dun.. may araw din sya..

    nakikiramay ako sa family nya… sad talaga.. :(

    kengkay: :(

    Comment ni naglalambingnacute — Agosto 31, 2008 @ 3:17 umaga | Tugon

  17. ..grabe, parang normal na lang ang ganyang kwento lalo na dito sa ME. dito mga nakasama ko bahay, mangingilabot ka pag nagkwekwento sila kung paano sila sampalin at bugbugin mga amo nila. nakakaawa, kaso hanggang dun na lang magagawa natin para sa kanila…ang maawa. dapat tubuan ng sangkaterbang kunsensya mga recruitment agency na alang pakundangang kumukuha ng ofw’s na pababayaan nila dito.grrr!!!

    kengkay: kakasakit sa puso na dapat tanggapin ang mga kanyang sakit para lang mabigyan ng konting ginhawa ang mga naiiwan sa pinas ano? kung alam lang nila kung ano saan galing ang perang pang gastos, sana maging responsable din ang mga naiwan sa pinas

    Comment ni sommer — Agosto 31, 2008 @ 8:52 umaga | Tugon

  18. nakakasakit nga ng ulo tsaka worried ako lalo pa’t parehong parents ko nasa abroad.. hayy nakakalungkot talaga makarinig ng mga ganyang istorya :(

    kengkay: hindi maiiwasan na mag worry talaga, pero sana okay ang mga magulang mo kung asan man sila

    Comment ni angel — Agosto 31, 2008 @ 2:28 hapon | Tugon

  19. Yan ang lungkot ng mga pangyayari dito sa Pinas, kulang kasi sa oportunidad kaya sobrang makipagsapalaran ang mga tao. :(
    If I’m not mistaken yung mga illegal recruiters yung topic ng XXX last Saturday. Grabe talaga yung ibang tao, kahit na mapahamak yung iba wala silang pakialam basta kumita sila. Mga BAD talaga!

    kengkay: i would have loved to watch that show.

    Comment ni callcentergal — Agosto 31, 2008 @ 10:07 hapon | Tugon

  20. Kaya I don’t blame our OFWs na magalit because Arroyo called them our heroes. Kasi totoo naman, kung heroes talaga ang tingin natin sa kanila how come we don’t give them the kind of protection they need? All that matters to this government is the money it generates from these poor OFWs.

    kengkay: kakalungkot pero totoo :(

    Comment ni sonnetshaven — Setyembre 1, 2008 @ 5:29 umaga | Tugon

  21. hay naku… maraming ganun na agencies. nung umiikot ako para maghanap ng magagandang agencies para sa mga kagaya kong nurses, horror talaga ang iba. as in magpapanggap pa ba na mataas ang standard pero kung titingnan mo yung buong process, nagtetake advantage lang talaga. ang masaklap pa dyan eh hindi sinasabi ang totoo. kaya minsan nagalit ang isang coordinator ng isang agency sakin kasi matanong ako. tapos parang forum yun. sa kakulitan ko lumabas ang katotohanan na mas mababa lang pala ang ibibigay nila kaysa dun sa pinapapress release nila.

    isa lang yan sa napakamaraming kwento ng panloloko ng kapwa natin. kaya agree ako kay utakmunggo. dapat dyan an eye for an eye

    Comment ni ifoundme — Setyembre 1, 2008 @ 11:48 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.