Kwentong Kengkay

Setyembre 19, 2008

Libreng Concert

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Magaling ang Pinoy,Oyropa Ko — kengkay @ 6:01 umaga

Libre na naman! Oy, sinong may sabing hindi naglilibre ang mga pinoy?

Libre yata yung concert na dinaluhan namin nung makailang araw na ang nakalipas, at ang concert na ito ay pinangungunahan ng The Fifth Gospel Choir na galing pa sa Pinas! Fresh from my homeland, weeee!

Kundi pa ako kinalabit ni cool mom sa email e hindi ko malalaman ang concert na ito. Maraming salamat, coolmom. Huli ako sa balita basta sa mga ganyang bagay e. Kasi nga hindi karamihan ang pinay dito sa baryo ko, kung meron man e asa kweba lang sila parati, hehe

At dahil mahal na mahal ako ni kengkoy, kapag sinabi kong sa Linggo e pupunta tayo sa isang concert sa kabilang bundok, tango na lang sya :D Ang mga little kengkays naman super excited kasi sabi ko pwede syang mag-suot ng kanilang church dresses, kasi nga sa simbahan naman talaga yung concert e.

Ayun na nga, dumating ang araw, ready na si kengkoy sa kanyang directions na printed out nya galing sa internet; naka gown na ang mga little kengkays pati ang big kengkay, hehe — harurot na ang sasakyan papuntang Eppelheim.

Actually, naligaw kami! Mabuti na lang maaga kaming umalis, kaya maganda pa rin yung pwesto namin nung nahanap namin ang simbahan. Kasi sempre, fashionably late pa rin ang mga pinoys kahit na andito sila sa Alemanya.
Ayan ang St. Joseph’s Church sa Eppelheim, mga 25 minutes drive galing sa aming baryo. Sa totoo lang, ngayon lang ako naka attend ng isang event dito na ang daming pinoys; kung titingnan mo e yung mga aleman ang bisita, kumbaga kasi ang konti nila.
Ayan na ang The Fifth Gospel Choir, siyam silang miyembro; karamihan sa kanila dating magkaklase nung college at may mga dating seminarista din sa grupo nila. Nagkaron ng misa bago magsimula ang concert at sila rin ang tumayong choir. Ang pari na nag misa ay Pinoy rin, dito sya ngayon sa Alemanya nakabase.
Aba, ayan at nagtayuan na po. Sayawan agad! Pwesto nga kami agad ng mga little kengkays sa gitna para mas may space sa sayawan, hehe. Ang galing po talagang mag engganyo ng choir, may audience participation. Tayuan lahat, sayawan lahat. Indak dito indak dun.
Sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw, sayaw giliw. Ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo :D
Puno ang simbahan, pati sa itaas e apaw ang tao. Sa totoo lang, kahit maliit ang mga simabahan sa mga maliit na baryo dito, hindi talaga yan napupuno kung hindi pasko o hindi new year’s o hindi easter. Pero dahil sa concert na to, puno sya talaga. Suportado ng mga pinoys!

Nagkwento rin sila ng mga experiences nila, nagkipagpalitan ng jokes. Masaya kahit na maikli lang ang concert. Tapos, kumanta sila ng isang german praise song, ang galing sempre!

Ang medyo may narinig lang ako. Isang puna na gusto kong banggitin as a guide sa mga susunod na gustong mag organize ng ganitong concert.

Isang oras bago magsimula ang concert e nagreklamo yung isang aleman dun sa isang pinay na organizer yata — sabi nya e naghahanap daw ng piano or organ yung banda. Kung meron ba daw sa simbahan. Hmm, sa mga simbahan kasi sa pinas e parating may mga naka-abang na organ o piano. Pero sa alemanya, walang ganun dahil karamihan ng simbahan e bukas 24 hours! Mabuti at nakahiram ng organ, pero papano kaya kung walang mahiraman sa paligid? Ituloy kaya ang concert ng walang organ accompaniment? Kaya dapat, laging handa. Magtanong agad ng maaga at hindi last minute para makapag prepare pa.

Anyway, libre ang concert. Pero sempre paglabas mo, na customary na dito, merong isang box kung saan pwede kang mag donate. At dahil magaling talaga yung choir, lahat naman ng tao nagbigay ng pera. At sempre, yung mga souvenirs tulad ng t-shirts at CD e naka balandra din sa labas ng simbahan, for sale :D For a good cause, ika nga.

Makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-20 ng setyembre at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 9 pm Pinas time sa Future Radio UK .

Mga Puna »

  1. awww…ang sarap talga pag libre :lol:

    kengkay: tama ka!

    Comment ni wei vines — Setyembre 19, 2008 @ 6:29 umaga | Tugon

  2. Libre tsibog din ba? :lol:

    kengkay: bring your own baon, haha

    Comment ni kirksydney — Setyembre 19, 2008 @ 8:08 umaga | Tugon

  3. Ay salamat naman sa Diyos at may mga kababayan tayo na nakapagbabahagi ng kanilang talento diyan sa Europe. At least nakikilala nila ang mga Filipino na magagaling umawit at talented na tao para naman tayo ay respitohin. Mabuhay ang the 5th Gospel Choir.

    kengkay: hay oo, yung mga aleman, todo sayaw din!

    Comment ni Colegiala girl — Setyembre 20, 2008 @ 12:58 umaga | Tugon

  4. oh that is so cool! lalo na kasi free. lol. glad you enjoyed!

    kengkay: free is cool hahaha

    Comment ni prinsesamusang — Setyembre 20, 2008 @ 2:06 umaga | Tugon

  5. ang saya…. di sinabi kung saang part sila ng pinas galing?-cheers;p glesy the great
    kengkay: maynila sila mismo

    Comment ni anakngpiso — Setyembre 20, 2008 @ 11:01 hapon | Tugon

  6. Hi mami kenks! long time no see!!! kung san san ka na kasi nageexplore. daig mo pa si Miho! hehehehe kamusta na? teka puro pinoy ba nagsisimba dito?

    Comment ni themiseducationofzapped — Setyembre 24, 2008 @ 7:59 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers