Ang Oktoberfest, ang pinakamalaking piesta ng beer sa buong mundo ay nangyayari sa Munich tuwing Septembye! Huh, taka siguro kayo kasi bakit oktoberfest edi dapat septemberfest? Ayon sa aking pananaw, dahil yan sa weather.
Dati kasi e ang Oktubre e hindi pa masyadong malamig, e kaso mo nagbabago ang ikot ng panahon, so adjusted na rin ang oktoberfest, hehe. E ano naman daw ang kinalaman ng weather sa fest? Kasi kapag malamig, sino pa magtyagang uminom ng beer at mag-enjoy sa street festival? Edi sa bahay ka na lang at manood ng telebisyon.
Kaya unti unti na nilang ginagawa ang oktoberfest sa september, tutal naman e 16 days ang piesta na ito — so basta pumasok sya sa oktubre e oktoberfest pa rin ang tawag sa kanya? capierto? basta
Nagsimula sya kahapon ng alas dose ng tanghali, pagkatapos pukpukin ng gripo mayor ng Munich ang unang beer keg. At dun lang pwedeng magsimulang magbenta ng beer! As in kahit na alas otso ng umaga e ang dami ng nakapila para makakapwesto sa loob ng mga party tents or beer tents, tubig lang at coke ang pwede nilang inumin! At dito, kapag puno na nag tent, ibig sabihin, wala ng upuan, hindi na pwedeng pumasok. Hindi tulad sa atin na isang daliri na lang ang pwedeng isiksik e pwede pa rin daw, hehehe
Mga dapat nyong alamin:
1. isang size lang ng beer glass ang available, ang tinatawag na mass – kita nyo yung hawak nung waiter dun sa pektyur sa taas? yun yon, at ang presyo ng isang mass ngayong 2008? grabe, 8,50 euro — as in more than 500 pesoses isa!
2. walang reservations sa mga beer tents, kung gusto nyong magkaron ng upuan, pumunta ng maaga at kapag weekend, dapat mas maaga
3. sa beer tents lang may food vouchers at beer vouchers. at dun lang din may live bands.
4. hindi kayo bibigyan ng order kung wala kayong upuan (ibang klase talaga ano?) tatakamin lang kayo kung nakatayo kayo, hehehe
5. may mga rides at mga booths din sa labas, hindi ko lang alam kung may beto beto
6. puno ang lahat ng hotels at super mahal ng booking kapag oktoberfest, yung iba nga nagcacamping na lang sa mga parks, pero sempre, bawal yun!
7. daming malilikot ang kamay sa oktoberfest, kahapon nga lang daw e 33 tao na ang nagreport na sila ay nanenokan ng kanilang wallets
8. ang mga waiters at waitresses dun ay kaya ang isang dosenang mass (o yung malalaking beer glasses) sa isang buhatan lamang! at ang alam ko, sa tip pa lang ng mga customers e malaki na agad ang kita mo. kaya ang daming naghahanap talaga ng trabaho dun sa mga beer tents sa Munich kapag oktoberfest!
at marami pang iba. nakarating na ako ng munich, ilang beses na rin, pero oktoberfest e hindi pa ako nakakadalaw dun. ang balita ko nga, yung mga taga munich e boykott daw nila yang fest na yan, hehe. pero sa totoo lang, kahit na si kengkoy e hindi pa rin nakakarating sa oktoberfest na yan, kelan kaya? hayyyy
official website kung saan ko ninenok ang pektyur ay dito: click



tingin ko isang mug pa lang solve na ako dun eh. sa lakas ba naman ng tama ng beer na yun eh.
kengkay: hahaha, sa tingin ko hindi ko maubos yan e
Comment ni gmac — Setyembre 22, 2008 @ 11:16 umaga |
napaka informative naman nito kengkay! cheers……
kengkay: actually ngayon ko lang din nalaman ang karamihan dito e
Comment ni mangbadoy — Setyembre 22, 2008 @ 11:59 umaga |
[...] kengkay wrote a fantastic post today on “oktoberfest na!”Here’s ONLY a quick extractAng Oktoberfest, ang pinakamalaking piesta ng beer sa buong mundo ay nangyayari sa Munich tuwing Septembye! Huh, taka siguro kayo kasi bakit oktoberfest edi dapat septemberfest? Ayon sa aking pananaw, dahil yan sa weather. … [...]
Pasa ni Alcohol Posts » oktoberfest na! — Setyembre 23, 2008 @ 12:29 umaga |
wow!! madami din pala mandurukot dyan!!
masarap ba ang beer dyan?? haiiizz di ko kasi talaga ma take ang lasa ng beer eh!
inuman na!
kengkay: try mo ang wheat beer, mas masarap!
Comment ni naglalambingnacute — Setyembre 23, 2008 @ 1:19 umaga |
..wow!!!! ang tsalap tsalap naman jan!! gusto ko jan!!! pero yung non alcoholic beer lang ako, quitting na ko uminom e.hehehe! happy octoberfest!!!
kengkay: naks, quitting ka na? di ko sure kung may non alcoholic kapag oktoberfest, hahaha
Comment ni sommer — Setyembre 23, 2008 @ 4:22 umaga |
interesting. hindi pa ako nakakapunta ng oktoberfest, ever. makapunta nga minsan, baka ako lang ang andun na hindi nakainom. hahaha.
kengkay: masarap din ang pagkain kapag oktoberfest
Comment ni Pao-Pao — Setyembre 23, 2008 @ 4:22 umaga |
ngayon ko lang napansin… “pooksasapot”?!
kengkay: tagalog baga
Comment ni pao — Setyembre 23, 2008 @ 4:24 umaga |
dito rin octoberfest na!!
kengkay: gaya gaya ang buong mundo, hahaha
Comment ni winkii — Setyembre 23, 2008 @ 5:08 umaga |
ang mahal nman ng beer!..hehehe…
…ala!andami nmang ndukutan..parang Pilipinas din pla dyan anoh?…
…kulitin mo c kengkoy para pumunta kau ah!hehheeh…
kengkay: hay walang pag asang makapunta sa munich pero dito naman dami ring oktoberfest kahit nga yung simbahan may pa oktoberfest din
Comment ni mayyang — Setyembre 23, 2008 @ 5:21 umaga |
hello, napadaan lang.. blog hopping..
kengkay: salamat sa pagdaan
Comment ni madz — Setyembre 23, 2008 @ 5:39 umaga |
dito nag simula na ang countdown ng “Octoberfest” Tagay lang ng Tagay..hehehe
kengkay: dahan dahan lang
Comment ni barquera — Setyembre 23, 2008 @ 8:30 umaga |
inuman na!!!! yehey!!
kengkay: yehey!
Comment ni aga — Setyembre 23, 2008 @ 11:27 umaga |
masarap ba beer? di pa ako nakakatikim nun eh.. *inosente kuno **pero inosente talaga.
kengkay: depende sa taste mo rin yun at kung inosente ka, mas inosente ako, haha
Comment ni Neex — Setyembre 23, 2008 @ 2:25 hapon |
naks.. oktoberfest sa september….
sarap naman!! pero parang isang mass lang ako… ang lasa ng german beer e kakaiba…. hehehehe
kengkay: kapag nagpunta ka rin, mas madaming kakaibang lasa pa. hehe
Comment ni charlbert — Setyembre 24, 2008 @ 12:45 umaga |
ano kayang lasa ng german na beer?
kengkay: actually, iba ibang lasa sya e tapos iba ibang klase rin, depende
Comment ni Pao-Pao — Setyembre 24, 2008 @ 5:16 umaga |
korek, kaloka talaga ang october fest dito…ang aking mga inlaws since yesterday nasa munich para maki gulo hehehhe
kengkay: sa sunod tayo naman makigulo
Comment ni lilaybulilay — Setyembre 24, 2008 @ 5:40 umaga |
kumusta naman ang beer dun. 500 pesos? buti na alng di ako umiinom ng beer. hahaha. nakakalaki kc ng tummy..
tequila lang. wahahaha.
kengkay: tequila din ako pero sarap din ang wheat beer
Comment ni vanny — Setyembre 24, 2008 @ 7:12 umaga |
tsk… kung asa pinas lang sana ako at nakikioktoberfest sa mga kabayan. hahahayyyyy…
kengkay: ako din, ahayyyy
Comment ni utakmunggo — Setyembre 24, 2008 @ 7:42 umaga |
naku aapaw na naman ang beer… solid! mga mammartek~! hehhee
kengkay: apaw na apaw!
Comment ni yhen — Setyembre 24, 2008 @ 7:44 umaga |
INUMAN NANAMAN!!!
Taposh ishang lashing lang bote nanaman ako!!!
hehehehe..
OCTOBER FEST naman dito sa pinas araw araw e! hahaha
kengkay: oktoberfest sa kanto, hahaha
Comment ni ronturon — Setyembre 24, 2008 @ 9:27 umaga |
iba pa rin talaga ang october fest sa pinas. hehe. ang mahal ng beer dyan!
kengkay: super mahal, kahit na hindi beer mahal, hays
Comment ni Hachi — Setyembre 24, 2008 @ 10:26 umaga |
i’m back!!!
panalo yun poklicy na no seat, no order, ah
hehe
paki sabi ke kengkoy isama nya naman ako minsan dyan
=P
kengkay: pakisabi mo rin kay kengkoy punta tayo, hahaha
Comment ni raft3r — Setyembre 24, 2008 @ 10:53 hapon |
super lasingan pala jan!
kengkay: super talaga
Comment ni prinsesa000 — Setyembre 25, 2008 @ 1:08 umaga |
May videoke ba dyan kengks.
kengkay: hindi sya ganun ka uso pero sa bahay namin meron, hahaha
Comment ni Richmond — Setyembre 25, 2008 @ 4:35 umaga |
Parang dito sa Pinas, September din yung official launch ng Octoberfest but it will last ng 120 days so justifiable pa rin sya na tawaging Octoberfest.
Thanks pala sa idea about sa pedeng iregalo sa ermat ko. =)
kengkay: 120 days? wow, ang haba namang inuman yan, hahaha. you’re welcome!
Comment ni kirksydney — Setyembre 25, 2008 @ 6:34 umaga |
Yeah, bangagan talaga.
As far as I know, may record na tinatry ibreak eh.
Comment ni kirksydney — Setyembre 25, 2008 @ 7:40 umaga |
Nakakita na naman ako ng beer (lunok!).
Tita, hindi ba nagagawi si taroogs dyan sa may inyo?
Comment ni homebodyhubby — Setyembre 25, 2008 @ 7:50 umaga |
sayang talaga at hindi kasama sa programa namin yung pagpunta sa Munich para umeksena sa Oktoberfest. ibang “study tour” na daw pag ganun, sabi ng sponsor namin. hehehe. so nagkasya na lang kami sa mini-oktoberfest na ini-sponsor ng City Hall ng Berlin sa tapat ng building nila. isang tent lang (pero in fairness, bongga pa din yung decorations)
Comment ni taroogs — Setyembre 25, 2008 @ 11:10 umaga |
tequila girl ako eh!!! hehe… pero i heard iba ang tama ng beer jan… saka ayoko ng beer pag di malamig, pero kahit malamig pa siya di ko pa rin ganun kagusto…
may binanggit kang wheat beer sa comments.. hmmm… nacurious ako? is it sweet or mild? paano naging masarap… cheers!!! glesy the great
Comment ni anakngpiso — Setyembre 27, 2008 @ 7:42 umaga |