Kwentong Kengkay

Oktubre 31, 2008

helowin

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 4:04 hapon

alam nyo bang hindi uso dito sa alemanya ang halloween na yan? bagong tradisyon lang yan dito.

nung unang taon ko dito, may konting dekorasyon kami sa halloween pero dahil eng eng si kengkoy kung ano ang halloween e hindi ko na rin inatupag na i explain sa kanya. basta naghanda ako ng aking espesyal na homemade cookies para sa mga mag trick or treat.

may mga dumating rin naman pero mga limang batang naka costume lang ang dumaan dito sa bahay namin at mga limang mukhang nakisaling pusa lang kasi hindi naka costume. hindi na ako nagtaka kasi nga walang kamuwang muwang si kengkoy kung ano ang halloween.

so nung mga sumunod na taon, pinilit kong gawing tradisyon ang trick or treat. talagang pinagsabi ko sa mga bata na pwede silang dumaan sa bahay namin. at sempre, kuntodo ang aming dekorasyon, pero karamihan dyan e libreng dekorasyon — eto pechur.

at kapag gabi na, sempre dagdag ko pa dyan ang mga ilaw ng kandila para talagang makita nilang welcome sila sa aming bahay. o ayun, ang saya ng halloween ng mga little kengkays kasi kung ano anong monsters ang nakita nila, heheh. at nung marunong na silang maglakad, sempre nag costume na rin sila at nag trick or treat. ang sinasabi nila dito e hindi trick or treat kundi suesses oder saures (sweet or sour).

at sa totoo lang, ilang kalabit pa lang dito sa doorbell sa mga kapitbahay e ang bigat na agad ang dala nila. yung iba kasi e supot supot na candies talaga. at yung iba, mga pinagsabihan ko na kasi, so ayun, may mga espesyal na supot sila para sa mga kyut na little kengkays, hahaha. sipsep kasi mga anak ko e.

ang trick dito, kapag walang ilaw, lagpasan na agad kasi yun ang mga taong hindi nagbibigay talaga. at ang trick isa pa, si kengkay ang naiiwan sa bahay at si kengkoy ang kasama ng mga bata na mag trick or treat kasi naman ang lamig ano..

nung isang taon ang dami nilang nakuhang candies… eto pechurss…

ang talagang tradisyon dito sa alemanya e ang pumunta sa burg frankenstein (ang kastilyo ni frankentein) kapag halloween. malapit lang sya dito sa amin pero hindi kami nakapunta ngayong taon dahil alam nyo na kung anong mga dagok na dumating sa aming tadhana nitong mga nakaraang linggo. baka next year dun kami mag halloween :)

nung bata pa kami, nagpupunta kami sa magallanes village para dun maki trick or treat. ang aga naming maki social climbing ano, hehehe

naranasan nyo na bang mag trick or treat?

Oktubre 29, 2008

huling pangako

Filed under: Birit Ko,Seryus — kengkay @ 5:50 hapon

hirit ko sa wpp :)

marami tayong naging pangako. marami ring pangakong napako.

minsan kasi akala natin porket pabiro, hindi na pangako yun kundi biro na lang.

minsan naman, ang tadhana ang nagpapako sa atin.

katulad nung aking in laws na si oma at si opa.

unang nagkita sila sa isang carnival party nung 1940′s — ang sabi ni oma sa sarili nya nung makita nya si opa ‘para sa akin na ang mamang ito.’ at ang lakas ng loob nyang niyaya ang mamang ito na naging si opa nga. yun ang unang pangako na natupad naman.

nung natagpuang may cancer si opa nitong nakaraang buwan, sya naman ang nangako kay oma na babalik syang masigla pagkatapos ng kayang operasyon. ayun na nga, kahit na ang laki ng binuksan sa kanya at ang laki ng tahi nya dahil ang isa sa kanyang lung ang tinamaan ng cancer — masigla syang bumalik sa piling ni oma. pangakong natupad na naman.

nakapagcelebrate pa sila ng kanilang 60th wedding anniversary nitong agosto bago biglang nawala si oma dahil sa atake sa puso. sabi ni opa teka lang, babalik ako at kakanawan lang kita ng tsaa. pag akyat nya sa kwarto nila? wala na si oma. hinalikan ni opa ang malamig ng bangkay ni oma. sabi ni opa, sabi ko pagkakanaw kita ng tsaa e, pagbalik ako yun pala wala ka na.

patuloy na kwento ni opa habang hindi mapigil ang luha — ‘di ba nangako tayo sa isat isa na aabot tayo ng isang daang taon sa mundong ito? sabi mo pareho tayong tatanda? bakit isang saglit e nalimutan mo ang iyong pangako? di ba sabi ko sa yo uuwi akong walang sakit? pero bakit hindi mo sinabi na aalis ka rin pala agad?’

pangako…. minsan ang hirap balikan ang mga pangako.

kelan kayo huling nangako?

Oktubre 28, 2008

naniniwala ba kayo sa multo?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 1:44 hapon

nyeee, pati ang kinakilabutan sa tanong ko lalo pa’t gabi na ng sinimulan ko itong post ko na to.

wala lang, tanong lang. nagkataong malapit na ang undas tapos sempre may mga nakaraang pangyayari sa buhay namin na parang dapat isabay ang mga tanong na ito.

nung namatay ang lola ko, ang nanay ng tatay ko, alas tres ng madaling araw sya namatay. gising kaming lahat. yung younger brother ko bata pa sya nun. tinawag pa sya ng lola ko nung nag-hihingalo na sya. nung lumapit si younger bro ko, dun na nahugutan ng huling hininga si lola ko. hindi ko matandaan kung ako ba ang nakakita o kaming lahat, pero na-alala ko lang na parang may puting usok na lumabas sa bibig nya sa huling hinga nya. yun na ba yung kanyang kaluluwa?

tapos nung umaga, hindi pa alam nung mga kapitbahay namin na patay na sya; may lumapit na kapitbahay sa amin at tinanong kung san ba daw nagpunta yung lola ko at madaling araw e nakita daw nyang palabas ng kalye. nyeeee… kilabot naman. ituloy ko pa ba tong kwento ko?

anyway, nitong namatay si oma, si bunsoy ko ang daming kwento. halos araw araw ay nakikita at nakikipag usap daw sya kay oma. basahin dito. at eto pa. sa akin naman, feeling ko e fantasy lang nya lahat yun. ito kasing mga anak ko e ang lakas ng imahinasyon ng dalawang yan.

pero papano kaya kung totoong nakakakita sya ng multo? nyeeeee.

may kaibigan ako, dati kong classmate nung highschool. nakakakita sya dati ng mga kaluluwa at ngayon ay asa singapore sya at meron syang angel workshops dahil nakikipag-usap sya sa mga anghel. minsan ay pupuntahan ko sya dahil gusto kong mag undergo ng kanyang workshop.. sa totoo lang, minsan ultra sensitive din ako sa mga ganyang isyu dahil ilang beses ko na ring naranasan ang astral projection.

at ako naman open minded sa mga ganitong bagay. kayo?

Oktubre 27, 2008

Mahal Mamatay sa Alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 12:48 hapon

si kengkay e praktikal na tao. sinabi ko na nga yung bilin ko kapag namatay ako, na kung mahal e sunugin na lang ako pero gusto ko ng salad bar, videoke etc sa aking lamay… ewan ko, medyo morbid itong aking post ngayon so kung gusto nyong lampasan, oks lang

na shock po talaga ako nung nakita ko ang nagastos ng pamilya dun sa libing ni oma. (sorry oma pero kailangan ko syang ikwento) — alam nyo ba kung magkano? tumataginting na 2,300 oyrossssss — as in, kapag i-convert nyo yan sa pesoses e malula kayo, kasi ako lulang lula pa rin hanggang ngayon.

yan lang yung babayaran na galing sa punerarya ha. hindi pa kasali dyan yung mga bulaklak, yung pagkain nung mga dumating na bisita, etc. na sa tingin ko e aabot ng more than 3,000 oyros. imagine, yung mga tagabuhat nung kabaong nga e 140 oyro agad ang bayad sa kanilang tatlo! ano ba yun… nakakashock talaga minsan ang kamahalan ng buhay dito sa alemanya, e papano pa kaya kung namatay ka na?

tama nga si opa, nagusap daw sila ni oma na kapag namatay ang isa sa kanila e huwag na daw masyadong gastusan. gamitin na lang daw ang pera para sa mga buhay. pero sempre, maiitindihan ba yon ng mga naiwan ni oma? medyo mahirap tanggapin yon esp since nung buhay si oma e bigay ang luho sa kanya ni opa. walang mamahaling bagay para sa kanyang darling na asawa para kay opa — lahat ng gamit ni oma branded, lahat ng sapatos ni oma made in italy, lahat ng bags ni oma leather, lahat ng damit ni oma de kalidad, at kung ano pang luho.

kaya naman, nung nagrereklamo si opa sa gastos ng libing e tumatalak din ang mga kamag-anak kasi nga hindi nila maintindihan. e kasi nga hindi rin nila alam.

ngayon lang din namin nalaman na nag usap na pala silang mag-asawa. na kapag nawala ang isa, walang masyadong gastos dahil mas gusto nilang ibigay ang pera sa mga maiiwang buhay. parang gusto ko tuloy natungin si opa kung ano ang gusto nya kapag oras na nya. pero atsaka na lang, at kapag ginawa ko yan, kailangan kong may witness kasi dapat sundin ang gusto ng may katawan. at hindi ang gusto ng mga taong nakapaligid sa kanya, kahit na nagmamahal pa sa kanya. kaya dapat, klaro talaga buhay man o patay.

——–

salamat nga pala kay callcentergal at kay vhonne dahil may naiuwi na naman akong awards :)

Oktubre 26, 2008

kelan ka huling nadapa?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 2:52 hapon

psst, singit lang tong post ko kasi nga andito pa rin si opa. takas lang ako.

pero hindi ko matiis na ikwento si kengkoy, hehehe

nag-jogging si mokong kaninang umaga. pag-uwi nya, ang dungis. punit at madungis yung jogging pants nya sa parteng ibaba at duguan ang mga kamay. mabuti na lang yung tinapay na pang almusal namin e hindi tumilapon.

e ano daw nangyari? aba ano pa nga edi nadapa ang kengkoy ko, waaaaa.

sabi ko papano nangyari? wala daw, basta na lang daw natisod at pagkita nya e nakahilata na sya sa daan. mabuti na lang daw ang bilis nyang nakabangon kasi may dumating na kotse. kundi daw e nakakahiya sya, hehe.

kawawa naman. ang sakit daw ng pagkatilapon nya. pero sempre, natawa ako. hindi ko mapigilan e. kasi naman ano, ang tanda na e nadadapa pa, ano ba yun. naku, natawa rin si kengkoy pero sempre bigla nya akong binalikan at tinanong, e ikaw nga dyan, kelan ka huling nadapa?

errrrmmm, next question plis :) actually, nadapa ako kahapon lang, hahahaha. sa kusina namin at nasugatan din. op kors hindi ko pina-alam dahil nga may bisita kami kahapon, may i go ako sa bathroom ng pasimple para magpahid ng dugo, waaa. mas nakakahiya kung nalaman nila, di ba, heheh.

kayo, kelan kayo huling nadapa?

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers