Eto, para lang matikman nyo kung ano ang car racing day dito sa Alemanya. Actually, hindi ko kayo mabigyan ng step by step chika kasi hindi ako nakasama, waaaaa. Ang kulit kasi nung panganay ko, sa bahay lang daw sya kaya ang umalis itong si kengkoy at si bunsoy ko. Sayang, gustong gusto ko pa naman makapanood ng live na car racing.
Atsaka ang tagal ng pinagmamalaki ito ni kengkoy. Kasi dito sa lugar mismo na ito, dito sya dati nagkakarera. Dito nga sya nagkaron ng aksidente. Wala lang, bumalikwas lang naman yung kotse nya at muntik ng sumabog. Nung araw ng aksidente pa naman nagkaron ng lakas ng loob ang nanay ni kengkoy na manood ng karera. Sempre alam nyo na nangyari? Hindi na bumalik ulit sa karerahan si nanay ni kengkoy. Pero si kengkoy? Sempre sakay sya agad sa auto pagkatapos nung aksidente. Mas mabilis daw mawala ang trauma kapag ganun. At oo, ilang trophies din ang naka-kolekta ni kengkoy nung dati syang car racer.
Ayan, maraming tao talaga ang nanonood. Kahit na maingay. At kahit na ang tagal ng antay para matapos ang karera. Pero oks lang, kasi naman may mga dala silang mga pagkain, inumin at mga silya at higaan – tunay na picnic party ang mga damuhan ng mga karerahan.
Ang parada ng mga big time na kotse. Karamihan mga old timers.
Ayan pa. Karamihan sa mga kotseng yan din ang mga kasali sa car race.
Sempre naman, pink na kotse ang napili ni bunsoy ko, hehe. Bakit natigil si kengkoy sa pag-car race? Kasi nag-asawa. Mas magastos daw ang mag-asawa kesa mag maintain ng kotseng pang karera, hehehe.



Cool! Nakakatuwa naman jan! Dito sa EDSA kahit alang karera parang palaging mayroon.
At si bunsoy ha! Parang endorser na ng race car! Good choice ng color! Girl na girl!
Nakaka-long hair naman talaga si Kengkoy, ciempre dapat talagang mas unahin si Kengkay kesa sa kotse
kengkay: tru lab daw kasi kahit labs na labs ni kengkoy ang car racing scene e tinigil dahil kay kengkay, hehe
Comment ni callcentergal — Oktubre 6, 2008 @ 10:50 hapon |
ang galing naman. ang cute ng mga kotse.
kengkay: sarap maki angkas ano
Comment ni mayui — Oktubre 7, 2008 @ 12:09 umaga |
ang cute ng anak mo!!! anak mo ba yung nasa kotse?
kengkay: yung katabi ng pink na kotse, si bunsoy yan
Comment ni mangbadoy — Oktubre 7, 2008 @ 1:29 umaga |
Hahaha!!! Natawa ako sa last line ng post mo:) Anong pangalan ng yellow car sa photo? Nakakaiyak naman kasi it reminded me of my favorite Mazda MX-5.
kengkay: naku hindi ko alam, basta tatak ng kotse eng eng ako pero ganda nga nung dilaw ano
Comment ni sonnetshaven — Oktubre 7, 2008 @ 4:01 umaga |
nako, mag-eenjoy ang asawa ko diyan!
kengkay: ay, pareho din pala sila ng hilig ni kengkoy
Comment ni Pao-Pao — Oktubre 7, 2008 @ 5:03 umaga |
ang kukulay naman ng mga chekot
=)
kengkay: at ang popogi di ba
Comment ni hisnameisdencios.wordpress.com — Oktubre 7, 2008 @ 9:33 umaga |
Hawt rides…
kengkay: hehehe
Comment ni timi — Oktubre 7, 2008 @ 10:28 umaga |
huwaw.. astig da cars!!! at tlagang terno ng damit ni little kengkay yung car.. di obvious na favorite nya pink… aba mejo may pagkakaskasero pala ang kuya kengkoy.. astig… kaw? mabilis ka din bang magdrive… cheers
kengkay: takot akong mag drive, waaaa. pilit na pilit kapag uupo ako sa manibela, hehe
Comment ni anakngpiso — Oktubre 7, 2008 @ 12:39 hapon |
nice nman nung yellow car! =)
kengkay: ayaw mo nung pink?
Comment ni vanny — Oktubre 7, 2008 @ 2:27 hapon |
nice cars. galing naman ni kengkoy, nakarami na ng trophy
actual na public roads po ba yan na closed off during races or actual na racing circuit?
kengkay: public roads yan sa itaas ng bundok na hindi masyado daanan ng sasakyan kaya pwedeng isara para sa karera
Comment ni frostbite — Oktubre 7, 2008 @ 11:18 hapon |
Uy eto ang gusto ko! Am into car racing too. At tama si Mister Kengkoy, mas mawawala ang trauma kapag inulit ng inulit, hehe. Dito sa Pinas may mga lugar na illegal ang car racing at dun kame madalas, haha. Mas may thrill kasi tsaka kapag nagdatingan ang mga pulis, bigla na din sila napapasali sa karera namin kakahabol sa amin.
Comment ni kirksydney — Oktubre 8, 2008 @ 8:06 umaga |
bias ako sa kulay berde
bakit walang kulay berdeng sasakyan dito?
nalungkot naman ako
Comment ni raft3r — Oktubre 8, 2008 @ 10:52 umaga |
ako din gusto ko makapanood nyan. ang ganda naman ng mga cars!!
Comment ni gmacomics — Oktubre 8, 2008 @ 1:26 hapon |
Ganda ng cars! San ang sa inyo dyan? Kumusta?
Comment ni Call center guy — Oktubre 8, 2008 @ 5:18 hapon |
ay, dito araw-raw may karera – buti nga may mga speed camera na eh kaya medyo nabawasan…
Comment ni nina — Nobyembre 3, 2008 @ 5:33 hapon |