naiwan ni kengkoy ang kanyang pitaka sa bahay nung isang araw.
nakasakay na sya sa tren nung napansin nya. walang pag asang bumalik. mabuti na lang, dala nya parati sa bulsa ng kanyang jacket na suot ang kanyang one year ticket sa tren.
kasi kung wala syang ticket at may mag check (hindi kasi regular ang pag check ng tickets sa mga tren, bus at kung ano pa mang biyaheng public dito e kaya madaming nakakapaglakbay ng libre kahit saan, hehe.) naku, madelay pa ang kanyang biyahe at sempre hassle agad yun. sira agad ang umaga nya. kasi late sya sa opis kapag pinalabas sya ng tren.
pero kung pitaka lang ang maiwan, hindi talaga problema. kasi may baon naman syang pagkain parati (salamat sa kanyang butihing asawa na si ako, ehem). at kung wala man syang baon? mabubusog na sya sa mga libreng patikim kapag pumunta sya sa shopping areas.
ang dami yatang free tastes dito sa alemanya. hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa inumin. malalasing ka ng kakatikim ng wine at beer at kung ano pang juice. mabubusog ka sa mga keso, tinapay, cold meats at kung ano pang chi-chirias. pwede pa ngang mag take home, kung medyo hindi ka mahiyain
minsan masusuka ka dahil sa empacho. aba, libre nga di ba, edi take advantage, hehehe.
kaya walang problema nung naiwan nya ang kanyang pitaka.
ako naman, halos parating walang dalang pitaka kapag umiikot ako para sunduin ang mga little kengkays. walang masyadong sari sari stores dito e. walang temptation na gumastos. magdadala lang ako ng pera kapag meron talaga akong bibilhin.
at minsan, kahit na wala akong pera, pwedeng lista muna. minsan nga kahit na kulang pera ko pwede na rin, babalikan na lang. kasi magkakakilala naman kami dito sa baryo namin e. may tiwala sa isat isa. ang galing di ba?
hindi ko maalala kung nakaiwan na ba ako ng pitaka nung asa pinas ako. and hindi ko rin maalala kung ano ang ginawa ko. pero siguro kapag asa bus na ako at kailangang magbayad, magsasabi ako sa konduktor. e ano pang magagawa ko e wala nga akong pera, di ba? sempre pipilitin ko ring magpa kyut para hindi ako itaboy sa lansangan, waaaa
kayo, may kwento ba kayo tungkol sa mga pagkakataong naiwan ninyo ang inyong pitaka?