November 1, undas sa pinas, allerheiligen sa alemanya. eto itsura ng undas sa alemanya.
may mga tao dyan, pero mabibilang mo lang talaga. kasi karamihan sa kanila e dinala na yung mga bulaklak o nagsindi na ng kandila bago pa lang mag-undas. hindi naman kasi uso dito ang magnakawan sa mga nitso ng may nitso e, hehehe.
kaya yung kandila, mawawala na yun dahil wala ng sindi. at yung mga bulaklak naman, na karamihan e mga tuyong natural decors, sempre, inaalis na lang nila yon kapag bumalik ulit sila. eto eksampol ng mga bulaklak o basta yung mga inaalay nila sa mga nitso.
dito kasi e kanya kanyang alaga ng nitso. kumbaga, kung may panahong kang alagaan, parang sarili mo na ring hardin yon. didiligan mo. aalisin yung mga patay na halaman, magtatanim ng bagong halaman, didiligan at sempre, kakausapin din.
nung unang panahon ko dito sa alemanya, ready akong dumalaw sa sementeryo nung araw ng mga patay, kaso mo naman walang nagsalita tungkol dito. edi tahimik lang ako. pero nitong si oma na ang nag-aantay, sinabihan ko ang mga little kengkays ng tradisyong pinoy. kinuwento ko sa kanila na dumalaw tayo sa sementeryo at minsan may piknik at games pa. tapos sinabi ko rin sa kanila na minsan ay nag-aalay din ng pagkain at ang kumakain e mga tao rin
so anong ginawa ng mga little kengkays? eto.
eto nga pala ang pechurs ng doll house.



hehehe..sisiw yan sa selebrasyon natin ng undas..piknik sa sementeryo!
kengkay..pwede ba kitang add sa YM ko at ng may matanong naman ako about Alemanya! salamat!
Comment ni p0kw4ng — Nobyembre 2, 2008 @ 6:01 hapon |
Arawen ng mga patayen.
Tem-i of Alasais
Comment ni alasais — Nobyembre 2, 2008 @ 7:18 hapon |
the pictures/nitso ay napaka ganda naman. para ngang mini garden ang dating.
it’s so weird na walang tao, kase sanay ako na pag asa pilipinas ka, parang isang malaking festivity ang araw ng patay. reunion ng mga mag anak ang dating. but personally, di kme sumasabay ng dalaw sa araw ng hundas. di naman aalis ang mga nakalibing xD
i remember sa la loma cemetery dati, wala pang 2 minutes, wala na ang mga kandila at bulaklak na inialay mo sa mga patay dahil may nagnakaw na. hehe. sa himlayan naman, may security guard pang naka buntot syo. may pa i-cry pa ako when i visit my mum’s grave, tapos may nakatingin na seku. dyahe, diba? xD
Comment ni sheilamarie — Nobyembre 2, 2008 @ 9:33 hapon |
walang taO?
sadyang kay lungkot..
nakita ko na yung doll house
gogorgeous ng mga little kengkays!
Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 3, 2008 @ 6:32 umaga |
honga… parang park. ang ganda ng landscaping
Comment ni taroogs — Nobyembre 3, 2008 @ 7:57 umaga |
For Christian anywhere in the world, it is our obligation to bring flowers and candles to celebrate All Souls Day talaga. Ang ganda naman dyan. And it is not surprising kung sa atin ginawang picnic ang sementeryo, parang it’s a Thanksgiving na rin that the dead are still part of those who are still on earth and that we still care and pray for them diba?
Comment ni K — Nobyembre 3, 2008 @ 8:08 umaga |
sayang pumasyal.
Comment ni pepe21 — Nobyembre 3, 2008 @ 12:35 hapon |
akala ko color pink yung doll house,hehe
Comment ni MC — Nobyembre 3, 2008 @ 2:13 hapon |
Ang sarap namang pumasyal dyan pero sa gabi ayoko kasi naiimagine ko sa movies me mga bampira at zombies jan hahaha.
Comment ni Ambo — Nobyembre 4, 2008 @ 6:24 umaga |
grabe ang linis at ang sarap tumambay. hehe. sa atin gingawa pang lamesa ng tong its ang nitso. hehehehe
Comment ni gmacomics — Nobyembre 4, 2008 @ 8:24 umaga |
Hello Kengkay!
Noong linggo na rin kami nakadalaw sa sementeryo. Karamihan naman dito e dumadalaw sila sa sementeryo kahit nga di Nov. 1 kasi nga nasa tabi lang ng simbahan ang sementeryo gaya dyan.
Yan naman ang kagandahan ng mga sementeryo dito kasi dahil maayos ang pagkakagawa, di ka matatakot. So anytime na galing ka sa simbahan puwedeng dumaan ng sementeryo.
Naalala ko tuloy ang nanay ko, papicture pa talaga siya, kasi type niya yong sementeryo dito dahil sa mga puno at mga bulaklak.
Comment ni Sofie — Nobyembre 4, 2008 @ 10:25 umaga |
[...] kung bakit daw hindi sya sumama sa party sa sementeryo! kasi naman, ang undas sa alemanya? ganito: click Mag-iwan ng [...]
Pasa ni piknikan sa sementeryo « Kwentong Kengkay — Nobyembre 3, 2009 @ 4:21 umaga |
ay ang ganda naman ng sementeryo..sarap magpicnic..haha
Comment ni ELIment — Nobyembre 6, 2009 @ 7:28 umaga |