
Minsan bigla mo na lang maiisip ang isang pagkain na tatakam sa yo. Katulad ng biglang paglalaway ko sa tocino.
Kung asa Pinas ako, lalabas lang ako ng bahay namin ay meron na akong mabibiling tocino. Sa may carinderia sa kanto kung nagmamadali ako, o kaya naman yung bagong babad na tinocinong karne at ako ang magluluto kapag may oras pa. Pwede rin namang kapag naamoy ko sa kapitbahay namin na tocino ang ulam nya, kunyari e magpapakyut ako para maimbita sa hapag kainan, hehe. At huwag kakalimutan ang sawsawan — gusto ko yung suka na may sili tapos may konting sibuyas at dinikdik na bawang at konting toyo — ang sarap!
Pero sempre, wala ako sa Pinas. Andito ako sa Alemanya kaya naman parati akong may supply na tocino mix ni Mama Sita. Merong nagbigay sa akin ng tip kung papano gumawa ng sariling tocino mix, pero nalimutan ko na e. Kaya kesa sumakit ulo ko ng paghahanap, gamit ko na lang si Mama Sita.
Mas paborito ng pamilya ko ang tocino kesa sa adobo, ewan ko ba. At mas type na type nila ang tocinong manok, yummm. Actually, kaya hindi nila gusto ang adobo e dahil hindi ako magaling magluto ng adobo, ayan umamin na si kengkay tuloy.
Nga pala, ayaw din nila ng sinigang kasi maasim daw, hehehe. Pero gusto nila ang nilaga.
Kung sino may recipe ng homemade tocino mix, penge naman!



wala akong recipe ng tocino mommy kengks pero meron akong recipe ng adobo na masarap ipares sa kamatis na may onting patis. you like?
Comment ni utakmunggo — Nobyembre 17, 2008 @ 10:19 umaga |
Ay naku kung tocinong Pampanga iyan ate Kengkay napakasarap. Sa totoo lang kung tocino at adobo ang pagpipilian, mas maraming nagkakagusto sa tocino. Kaya lang mahirap gawin talaga iyong tunay na tocino. Ang mga ibang gumagawa nito ay may secret formula sila at hindi sinasabi sa iba. Ewan ko nga ba kung ano talaga ang tunay na lasa ng pinakamasarap na tocino dahil iyong tocino Pampanga na kinakain ko ay napakasarap na para sa akin.
Comment ni Colegiala girl — Nobyembre 17, 2008 @ 10:55 umaga |
salbahe ka, naglaway ako. hehehe. =D
Comment ni R.J. — Nobyembre 17, 2008 @ 10:56 umaga |
tocino tocino tocino! i super love it! =)
Comment ni vanny — Nobyembre 17, 2008 @ 1:44 hapon |
makikikain na lang ako.. hehehehe! ginutom tuloy ako
Comment ni ifoundme — Nobyembre 17, 2008 @ 1:57 hapon |
wow
tocino
i had that for bfast kanina
pero mas trip ko pa din ang longganisa
teka, tanong ko ke ermats kung meron sya nyang hanap mo
kapampangan yon, eh
Comment ni raft3r — Nobyembre 17, 2008 @ 2:05 hapon |
Dati sa Novaliches eh nagtitinda kami ng Pampanga’s Best ng Nanay ko. Kaso ako lang din ang nakakaubos kasi niluluto ko kapag wala akong mai-ulam. *LOLz*
Masarap ba ‘yang Mama Sita’s na ‘yan?
Comment ni The Gasoline Dude — Nobyembre 17, 2008 @ 2:18 hapon |
aba ang galing ni mama cita.. abot hanggang alemanya.. may branch b sya dyan??? ate kengks.. puro ata pagkain ang mga post mo.. bka tumba na ang mata ko nyan.. ehhehe
Comment ni repah — Nobyembre 17, 2008 @ 3:23 hapon |
tocilog champion lalo na kung may kamatis at itlog na pula harhar…
Comment ni taps — Nobyembre 17, 2008 @ 8:23 hapon |
pag me nakita ako ibibigay ko sayo. hehe. natakam din ako bigla. maraming tocino sa amin.
Comment ni joshmarie — Nobyembre 18, 2008 @ 6:52 umaga |
mami kengks,
igoogle mo maraming recipe ng tocino…
pero bakit ka pa nga naman maghihirap eh anjan na ang mama sitas na masarap…
aba at parang tugma ata yun
Comment ni Lyzius — Nobyembre 18, 2008 @ 8:28 umaga |
o etong recipe mo ng tocino nasa link na ito :
http://www.marketmanila.com/archives/tocino-cured-pork
ang tocino pala e cured pork in english
shusyal diba?! at susme, ang ingredients lang pala e pork, water, salt and sugar… easy! pero dear, try to use curing ham na powder for flavoring, kasi i remember mama ko use that. pink na powder yun nabibili nya sa palengke, so not sure kung meron dyan.
balitaan mo ko kung nakaluto ka ha at kung nagustuhan ng mga lil kengkays!
Comment ni annevdns — Nobyembre 18, 2008 @ 2:40 hapon |
Naku ang sarap ng tocino lalo na kung nanginginig yung taba tapos medyo sunog ang sarap ginutom ako bigla!
Comment ni Ambo — Nobyembre 19, 2008 @ 3:55 umaga |
ako rin isa sa fav. ko ang tocino. ewan kahit alam kung di siya healthy di pa rin ako paawat. hehhee
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 19, 2008 @ 6:22 umaga |
mamasita din gamit namin pag gagawa ng tocino.
Comment ni MC — Nobyembre 19, 2008 @ 8:29 umaga |
Yung pampanga’s best lang ang kinakain kong tocino. Mas gusto ko kasi ang tapa.
Sa adobo naman mas gusto ko ang matamis hindi yung maalat.
Comment ni Helena — Nobyembre 19, 2008 @ 2:57 hapon |
nung nabasa ko itong post na ito, for some reason di ako makapag comment. tapos pag-uwi ko sa bahay tocino ang ulam…siyempre mama sita’s din ang ginamit. Naku saviour ko yang si mama sita’s. Lagi kong ginagamit yong barbeque at kare-kare.
Yong adobo naman – practice lang. Kailangan tama ang suka at toyo kasi di pwede habulin ang lasa ng adobo pag marami or konti ang nailagay. I use Del Monte cane vinegar. Yong pork/chicken, lagyan mo lang ng suka, toyo bawang at paminta (no water) and let it simmer until done. Yong iba naglalagay ng laurel. Ako pinapatuyo ko ang adobo ko tapos piniprito ko and then igigisa ko sya. Hay….kaya lang walang baboy dito
Comment ni nina — Nobyembre 20, 2008 @ 3:23 umaga |
[...] kahapon ang pinaka-aantay ng buong pamilya ni kengkay — ang pandesal. at may dagdag pang mama sita’s tocino mix at gummi bears talaga. parang nabasa yata nung kaibigan kong pinay kung ano talaga ang takam na [...]
Pasa ni pandesal home delivery « Kwentong Kengkay — Nobyembre 20, 2008 @ 5:20 hapon |