absent ako sa blogging world sa sabado at linggo dahil may tambling appointment ako.
bakit kanyo tambling? kasi may training session ang nagkukunwariang gymnastiks trainer na si kengkay. aakyat kami ng bundok para dun mag tambling tambling. para walang makakita dahil nakakahiyang magtambling lalo na kapag hindi marunong mag tambling, hehehe
hindi ako marunong mag tambling, kayo ba marunong? kasi dito halos lahat ng mga nanay marunong mag tambling. kahit anong balikwas e kaya nila. mantalang ako, gym trainer kuno, marunong lang akong mang-uto ng mga batang ayaw mag tambling, hahaha. oo yan ang expertise ko sa pagiging trainer actually, mang-uto ng mga bata
sana lang maayos ang biyahe namin. kasi mag isnow daw bukas at sa linggo e. nakow, kapag na stranded kami, papano na lang? mabuti na lang hindi ako ang mag drive. at kapag na stranded kami dahil sa isnow na yan? am sure dun kami matutulog sa gym, magdala na rin ako ng pandesal at kape
hay, huwag lang sana sa kalye kami ma istranded. pero parang adventure din yon ha. oh well, malalaman ninyo sa sunod na kabanata!


ingat sa pag-tambling hah. siguraduhing di una ang ulo, hehehe! enjoy your trip
Comment ni sardonicnell — Nobyembre 22, 2008 @ 9:22 umaga |
enjoy your trip! ao huling ganyan ka active.. elementary days pa. lol!
Comment ni sheilamarie — Nobyembre 22, 2008 @ 10:48 umaga |
ingat sa pagtambling mami kengks.
ako laging tambling mode. kaya eto lagi akong may baong turnilyo. nangangalas buto ko eh. hehe.
Comment ni joshmarie — Nobyembre 22, 2008 @ 12:13 hapon |
curious tuloy ako bakit may ganun pang activity..Teka, Uy pahumble pa si ms.kengkay magaling naman talaga. im sure mataas ang tambling mo
Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 22, 2008 @ 2:24 hapon |
Hello Kengkay!
Hehehe, noong unang panahon, naku hilig-hilig ko yang tambling na yan. Ang tagal na rin, di ko na natry kung kaya ko pa. Kaya lang pag marunong ka noon, hanggang ngayon, dala-dala mo pa rin naman yan e.
Naku, nagsnow na rito sa amin, nasabi ko na nga sa isang comment ko sa yo. Ang kapal pa mandin. Pag nagsnow during yong training session niyo, seguro masarap magtambling sa snow ano. Parang ang saya noon, nakikinita-nita ko na.
Comment ni Sofie — Nobyembre 22, 2008 @ 2:36 hapon |
ateng,
ang say ko lang, ingat sa pag-tambling. look at me. bata pa ako, mahilig akong magtambling. eh di tumabling na nga. eto, di na nakabalik ang kasarian ko. nalipat ako sa maling column. hehehe
Comment ni reyna elena — Nobyembre 22, 2008 @ 2:39 hapon |
ay hindi ako marunong ng ganyang tambling-tambling…
Comment ni nina — Nobyembre 22, 2008 @ 2:45 hapon |
wow marunong ka palang mag-tambling kengkay, teka sisterette, athletic sa siguro noon pa.
Comment ni Snow — Nobyembre 22, 2008 @ 5:05 hapon |
wow
ala bea lucero ka na din pala, ha
maikwento ko lang
noong kabataan ko patay na patay ako ke bea lucero
may poster pa ako nyan na naka-tangga noong milo days nila
kulay green pa ang tangga nya non
hehe
dahil mahal na mahal ko sya
tinuruan ko sarili kong mag-tambling
ayun sa kama ako nag-[raktis
pucha
after a few attempts
tumunog ang likod ko at nabali
hehe
Comment ni raft3r — Nobyembre 23, 2008 @ 2:33 umaga |
madaan lang a nagbasa hehe
link kita
Comment ni khzr4u — Nobyembre 23, 2008 @ 4:33 umaga |
hahaha, kaya ko tumambling una ulo dugo-ilong kaya nyo yun? add poh kita pag may sobra-sobrang oras, latak lang kasi to eh hehe, yosibreik.
Comment ni yin — Nobyembre 23, 2008 @ 7:48 umaga |
Di ako marunong mag tambling. Pero lumaki na ang tyan ko, mas magaling ako kung pagugulungin nyo na lang ako.
Comment ni taps — Nobyembre 23, 2008 @ 11:41 umaga |
pagkauwi mo.
magkuwento ka kung pano ka nagtumbling.
Comment ni pepe21 — Nobyembre 23, 2008 @ 2:11 hapon |
dahan dahan lang at baka magkabali-bali ang buto… cheers
Comment ni anakngpiso — Nobyembre 24, 2008 @ 10:28 umaga |
gawa ka ng mga snowman ha yung meron karumaldumal na kwento tulad ng makikita mo sa link na ito :
http://images.google.com.ph/images?hl=tl&q=calvin+and+hobbes+snowman&gbv=2
hehehe… kasi talagang paborito ko sina calvin and hobbes pero hindi ko magaya ang work of art nila kasi walang snow dito sa pasig
Comment ni annevdns — Nobyembre 24, 2008 @ 1:51 hapon |
yan din ang di ko kaya, ang magtambling!
Comment ni Iska — Nobyembre 24, 2008 @ 8:14 hapon |