…ng aming paligid ngayong gabi:)
eto ang ebindensya…
ayan ang front view ng harap ng bahay namin.
sideview ng harap ng bahay namin
mabuti na lang at hindi nag snow nung dalawang araw na nagtatambling si kengkay sa malayong bundok. ngayong gabi lang talaga bumigay ang kaputian. at sempre, disappointed ang mga little kengkays kasi naman handang handa na sila sa snow nitong weekend e.
so anong balak namin ngayong gabi? kundi lang naka-ligo na sila e talagang yayain ko silang lumabas para magbatuhan ng snow balls sa kalye. kaso mo dahil nakaligo na sila, hindi na pwede. baka trangkaso ang abutin namin.
sana bukas puti pa rin ang paligid
babatuhan ko rin kayo ng snow balls!



Me sings: “Oh the weather outside is frightful, But the fire is so delightful, And since we’ve no place to go, Let it snow! Let it snow! Let it snow!”
let it snow, let it snow, let it snow (dont let it melt)
kengkay: duet tayo
Comment ni K — Nobyembre 23, 2008 @ 6:38 hapon |
Kaya lolo K, ala ng tuyong dahon mapupulot,natabunan na silang lahat ng snow hehe,sa sunod na autumn na lang padalhan kita ng isang balde
Kengs,dito din kaso medyo disappointed ako kunti lang hindi kami makagawa ng snow ball hehehe
kengkay: gusto pala ni K ang dahon? ang daming nakolekta ng mga little kengkays, ayun at nakatago sa kanilang treasure chest. sa bandang hongkong ko na lang sya itatapon, hehe.
cheh- wala, natunaw din agad
Comment ni cheh — Nobyembre 23, 2008 @ 7:51 hapon |
Hello Kengkay!
Ang aga-aga ngang nag-snow e. Nasabi ko nga kay Hub, pag ganyang ang aga na namang nag-snow, malamang di na naman white ang Christmas Day mismo. Always looking forward pa naman ako na may snow pag Christmas Day talaga, kaya lang napapaaga talagang mag-snow. Pero sana, magkamali ako, sana naman white ang Christmas Day natin. Ilang taon na kasing hindi ganyan e.
kengkay: tama ka, last time na nagkaron kami ng white christmas e nung 2001 pa, waaaa
Comment ni Sofie — Nobyembre 23, 2008 @ 8:03 hapon |
On Cheh, hahaha are you serious? eh di snow na lang padala mo sa akin, lagay mo sa vial na parang specimen.
kengkay: pwede kaya syang mag survive kapag nilagyan ng .. hmm… ano nga tawag dun sa yelo na hindi natutunaw ng mabilis? alam ko na, dry ice, hehe
Comment ni K — Nobyembre 23, 2008 @ 8:04 hapon |
On Sofie, if it’s snowing here sa HK, naku I’d be like going out with a complete gear tapos kakanta talaga ako ng malakas.
kengkay: ako nung unang snow ko, hindi ako naka full gear – naka sneakers ako at naka jeans plus jeans jacket. hindi ko ininta ang lamig kasi unang snow ko, feeling ko shock ako, hahaha
Comment ni K — Nobyembre 23, 2008 @ 8:06 hapon |
abnormal nga ang season ngayon. sobrang ikli ng autumn. ang mga puno sa paligid namin, nabali ang mga sanga sa bigat ng yelo kasi madahon pa, di pa pumapatak as expected.
ski season na dito sa amin, kenks!
kengkay: ski season na dyan sa inyo? kakainggit naman kahit na hindi ako marunong mag ski, hehe
Comment ni brotherutoy — Nobyembre 23, 2008 @ 11:02 hapon |
pakibato dito ng snow balls..siguraduhin nyo po yung tatama sa ulo ng boss ko este sa akin….*grin*
kengkay: saluhin mo tapos ikaw umasinta, haha
Comment ni kamotenista — Nobyembre 23, 2008 @ 11:54 hapon |
mami kengks buti pa jan me snowballs…
dito fish ball at squid ball lang meron
kengkay: mas masarap yang sa inyo,
Comment ni lyzius — Nobyembre 24, 2008 @ 2:54 umaga |
wow. ang ganda naman niyan! white christmas! dito sa dubai ang panget. light brown ang pumapatak dahil sa desyerto haha
kengkay: kaya ayaw ng mga little kengkays magbakasyon dyan kasi daw madudumihan lang daw sila, hahaha
Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 24, 2008 @ 6:04 umaga |
babatuhin ko kayo ng desyerto balls hahaha. sana nestime may pic na naglalaro sa snow =)
kengkay: natunaw agad yung snow e
Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 24, 2008 @ 6:05 umaga |
siyet. kakainggit. walang snow dito sa mindanao. ang init pa rin dito, as usual. hindi na tumatalab kahit naka number 3 na yung electric fan ko.
pwede bang magpadala ng snow dito sa amin =)
kengkay: pwede pero matutunaw sya at magiging ilog, hehehe
Comment ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 24, 2008 @ 7:05 umaga |
sana pumuti din ang paligid namin dito sa pinas. hehe. wishful thinkin!
kengkay: di ba nangyari na yan dati nung may ashfall
Comment ni joshmarie — Nobyembre 24, 2008 @ 7:45 umaga |
brrr, isa lang ang gusto ko sa tag-lamig, yung isuot yung mga nakatagong winter clothes. White winter?,I think I’m gonna like it. We have a crazy weather dito, the other night, naka-heater ako, kagabi naman, naka-aircon, no wonder, me bi-polar lahat ng tao dito, including me!
kengkay: bipolar, nyayyyy
Comment ni roni — Nobyembre 24, 2008 @ 9:08 umaga |
white christmas!!! nung bata ako isa sa mga pangarap ko na mag snow sa pilipinas… ayun painit lang naman ng painit ang pilipinas so hopeless case na siguro ang isa sa mga childhood dreams ko….;p
Comment ni anakngpiso — Nobyembre 24, 2008 @ 10:26 umaga |
kelan kaya magkakaSNOW sa Pilipinas.
para naman makabili ako ng scarf.
Comment ni Pepe McKunat — Nobyembre 24, 2008 @ 12:50 hapon |
sana mag snow dito sa december
Comment ni MC — Nobyembre 24, 2008 @ 2:15 hapon |
hala at nadudumihan pala ang mga little kengkays sa dubai hahaha. napakalamig siguro ano ms.kengkay at nakaligo pa kayo sa lagay na yun? hehe
Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 24, 2008 @ 6:00 hapon |
Naku, nag snow na pala dyan senyo, Kengkay!
Dito din nga, nag flurries na ng konti. Pero ambilis lang!
Comment ni Iska — Nobyembre 24, 2008 @ 8:12 hapon |
wow
i’m dreaming of a white christmas
hehe
Comment ni raft3r — Nobyembre 25, 2008 @ 12:48 hapon |
gusto ko rin makaranas ng nyebe! kaya lang baka never-ending haching ang ending ko. hehe
Comment ni Carol — Nobyembre 28, 2008 @ 2:33 umaga |
Kelan naman kaya ako makakaranas ng snow hehehe…teka, try ko yung fake snow sa star city.
Pede…
Ano nangyari kinabukasan? Andun pa rin ba ang snow?
Comment ni Simple Married Life — Nobyembre 28, 2008 @ 12:11 hapon |