pasensya na, masyadong deep itong tanong ko, hehe
may bisita kaming dumating nung isang linggo di ba nga?
pinay na may asawang aleman. si pinay kilala ko dahil nagkita kami sa bangkok bago ako napadpad dito sa alemanya. si aleman kilala ko din kasi suki namin sya dun sa resort hotel sa isang probinsya sa thailand kung saan ako dating nagtrabaho.
teka, mabalik tayo sa paggamit ng tabo. si aleman, nag aaral mag tagalog. as in bumili pa sya ng libro para talagang matuto. ngayon, sempre nagtatagalog kami kapag naguusap. si aleman, nakakaintindi at nakakasalita talaga. pero taob sya nung tinanong ko kung alam nya kung ano ang tabo. hindi daw nya alam kung ano ang tabo!
tuwang tuwa si kengkoy kasi at least mataas daw ang score kapag alam kung ano ang tabo, hehe.
pinakita ko sa kanya kung ano ang tabo. tapos kinuwento ko sa kanya na ang mga pwet ng mga little kengkays e pang tabo lang talaga. kasi nga mas malinis talaga. aba, nainggit ang mokong.
magpapabili daw sya ng tabo. pero dapat daw ituro ko sa kanya kung papano gumamit ng tabo. sabi ko si kengkoy ang mag-explain. na tinanggihan naman ng aking esposo kasi daw nung unang gumamit sya ng tabo e mabuti na lang daw at hubot hubad sya. kasi daw e mas maraming tubig ang napunta sa binti at mga paa nya kesa sa pwet nya, hahahaha
kaya naman ang sabi ko sa kanya ganito yon. dapat kapag tapos na sya sa kanyang bisnes sa palikuran, kunin nya yung tabo at itapat yung tabo sa kanyang pwet. dapat sa likuran agad ang target. tapos kasabay non e pahid ng mga kamay habang binubuhos ang tubig. shock na shock yung aleman, hahahaha…
sabi nya edi babaho naman daw yung mga kamay especially yung mga daliri. so sabi ko sa kanya, pwede rin namang pahiran muna ng toilet paper bago gamitin yung tabo. parang ayaw nyang maniwala sa magic ng tabo. hehe.
tapos biglang may nag-click sa kanyang utak. bumalik ang isip nya sa nakaraan, sa mga huling bisita nya sa pinas. na-alala nya na tinatanong nya yung mga pinoys kung ano ang ginagamit nila pagkatapos nilang umebs. kasi daw wala talaga syang nakitang tisyu sa mga banyo. aha, sabi nya, tabo pala yun!
pero kailangan daw nya ng demonstration kung papano gumamit ng tabo. kasi daw parang ang hirap daw. kaya naman ang tanong ko sa inyo — papano ba kayo gumamit ng tabo? baka may paraan kayo na mas madaling i eksplain
Inihanay sa:Oyropa Ko

mahirap i-explain. Saka nasanay na ako sa shower ng pwet mas madali gamitin
the best magkwento si ms.kengkay! nakakatawa. naimagine ko kung paanu mo idenedemontrate ang pag gamit ng tabo. haha. nakakatuwa naman talaga! hahahaha. ms. kengkay mahal na kita, penge tabo. haha.
ako tissue muna bago tabo w/ tubig at sabon bago tissue ulit!hihihi..common sa mga toilet sa bahay dito sa italia ang bidet kaya hindi na nagtataka ang amo ko nong nagputol ako ng plastic bottle ng water..pang singol lang ang cr ko kaya walang bidet…
ayos yan spread the magic of tabo,hahaha
Hehehehe! Okey na okey itong post na ito. Kakaaliw!
Pero maganda naman yung explanation mo ah. At ang lagay kelangan pang i-demo? hehehehe
Hahaha alangan namang ikaw pa ang mag-explain nun sa kanya baka ma-jombags ka ni Kengkoy. *LOLz*
I am maybe out of topic.But,let me allow to post this.
The Freedom of Speech, although a beautiful law that protects citizen to express concern against government corruption and allows us to state our opinion without fear,We as the citizen of our beloved country Philippines have the right to oppose the on going signature drive in Congress to amend the constitution.We the Filipino people is the fourth branches of government and our voices must be heard.
Start up your computer and start writing your opposition on this Charter Change. Web logging and blogging has long been praised and employed by members of the Arroyo opposition. Most would be surprised and should be concerned that many web log contributors are silent army armed only with computers and laptops dispatched to people in our country. We does not carry badges identifying us as such. Its main mission is to voice our concern for our people and to our government.
Unfortunately for Filipinos living outside the Philippines, although highly educated, they rely heavily on Google and other search engines for information.The internet is wonderful tools exchanging information.
I am inviting you to visit my site and sign-in.
Interesting. Edi asawa nya ang magturo. Pinay naman eh. hehehe.
ay! may demo pba? sabihin mo ate ampunin nila ako at ako na magdedemo…heheheh
maganda naman explanation mo ate.. and tabo..bow!heheh
ate…visit ka sa homey ko..may ibibigay ako sau..
pag pumupooo ang little kengkays pwede idemonstrate mo sa kanya kung papayag ang mga little kengkays mo… lol! sabihin mo sa kanya babaho ang kamay nya kung di sya maghuhugas with sabon after nya magtabo..
foo: mr, just think of it like you’re scooping an ice cream.
mr: oh!? and?
foo: and that’s it.
mr: how do i scoop an ice cream.
foo: *stares at everyone* ask kengkay.
^_^
ahahaha…kwentong tabo ulit…mami kengks, pwede ka ng maging ambasador of tabo sa alemanya… ahihihi…
talaga namang si kengkoy eh me nalalaman pang scoring kapag me knowledge sa tabo…
ahahaha
magtatayo ako ng kumpanya na mag-dedemo sa aszwa nya hahahaha!
HAHAHAHAHAHHA, nakakatuwa nman itong post na ito…. ang mahiwagang tabo.. hheheh:)
Hi! We are currently doing a study on blogging and would like to invite you to fill out a survey that we have prepared regarding this topic. This will only take 5-10 minutes of your time.
sa lahat halos ng bathroom namin sa bahay may tabo. i use it for taking a bath and of course, you know what. ^_^
Usapang tabo na naman. Tuwing nakakakita tuloy ako ng tabo, naaalala kita Mami Kengs at ang iyong mga Little Kengkays, haha.
sabihin mo sa kaibigan mong alemanya
kung gusto nya ng actual demonstration
bigyan nya ako ng pamasahe at ipapakita ko sa kanya
hehe
hahaha…nakakatawa toh!~
you write very well
hope to read more from you!
link this up:
http://aagizerrific.wordpress.com
http://aagizer.blogspot.com
http://asiatic101.wordpress.com
more powers!
ayos! iba ka talaga ate kengks. madali lang kamo gamitin ang tabo, paghawak nya automatic na magrerespond ang kamay kung panu. reflex kumbaga, nyahaha.
Easy lang yan Kenks. Eto.
1. After pooping out, get your ass off the bowl, close the lid off, flush it muna para ndi maamoy yung warak na baho ng ebs mo at mag squat position ka.
2. Scoop water with your tabo (uy before ka e-ebs dapat naka bukas gripo to fill water sa balde) using your right hand (kung left handed ka not sure kung effective)
3. Use your left hand to slowly “caress” your butthole while you slowly pour water from the tabo as it flows in thru your anus (ROTFLMAO). I mean it!
4. Scoop another until your butthole becomes super clean. Do not use your middle finger to clean the hole or it will bleed (OMG I can’t believe I said that)!
5. Then, wash your hands with soap and water, use alcogel when dry or lotion.
6. Make sure you also rinse the floor tiles with water, kasi may mga little raisins na ebs na naiiwan dyan. BUHUSAN ng detergent.
7. Also make sure you wash your feet, and legs or MALIGO KA NA LANG kasi baka yung little raisin ebs nadikit sa skin mo, tapos yaikkkss!
8. KAYA AYOKO NG TABO pag umeebs if you’re not doing all the toilet routines like EBS – SHOWER – TOOTHBRUSH – COLOGNES – bango!
pansin ko nga lang..parang ako lang ang iba gumamait ng tabo. Lahat ng tanungin ko sa likod nagbubuhos – ako sa harap. Tinry ko sa likod ang hirap. Nakasanayan na eh. Kaya di ako makakagamit ng tabo sa labas kung meron man. Kasi kelangan hubarin ko lahat pati pantalon ko. Ang tagal nun! Lalo na sa public toilet ng mga girls laging mahabaaaaa ang pila.
teka lang. may gross motor problem ba siya? parang hindi naman rocket science kung pano gamitin yun ah.
“use it like you would a ladle.” yun lang ang tangi kong naiisip na instruction. hehe
alam mo mommy kengks walang tabo dito kaya ang ginagamit namin ay isang napakalaking measuring jug. weeheehee
parang ang hirap namang idemonstrate ang paggamit ng tabo…
utang na loob, pati ba naman tabo? hahahahaha……….sobra naman talaga ang aleman na yan….ang nkakatuwa ayaw din pala ni kengkoy na turuan sya…ang saya ano…pkibisita mo na rin ang blog ko…salamat…
grabe, sakit sa pisngi, pinipigilan ko kasi tawa, nasa opis ako ngayon.. LOL! heniway, show and tell na lang, pinakamadali yun na pagtuturo–pero siyempre ‘di naman ikaw ang magpapakita, siguro sina little kengkays (kaya lang baka feeling dalaga na, mapahiya). Pag-hindi papuntahin mo ng China, dun talaga harapan kapag na-ebs so titigan kayo sa mata eh di tignan na lang niya kung may pinoy na na-ebs at sigurado gagamit yun ng tabo…
Pareho pala kami ni kengkoy, kailangan nude kapag nagamit ng tabo–wehehehe!
henubeyen? nyehehhe. hayaan mo kenks, magpa publish ako ng how-to use tabo for your wetpaks for dummies. hehheh. parang hirap i explain, kaya gagawin kong step by step. wahahahah!
ayoko ng shower sa pwet katulad nung ibang toilet seats.. nakikiliti ako. hihihihihi! ayan nakikiliti tuloy ako. ahihihihih.
haha, katuwa naman to, di ko na inexpleyn kay frenchguy ng tabo, binilhan ko na lang tone-toneladang toilet paper pag nasa pînas sya, lol.
[...] ang kulit ng mga posts ko ngayon ano? paulit ulit. kundi tabo e parol. kainis, [...]
Naku parang okay na sana sa paliwanagan pero mahirap ata pag humingi na ng live demo hahaha.
Pero sa totoo lang, mas malinis talaga pag tisyu at tabo (ciempre may sabon at tamang dami ng tubig) ang gagamitin after umupo sa trono hehehe.
Ms. Kengkay, ang arinola alam ba nila dyan? Hanggang ngayon mother ko gumagamit ng arinola
[...] etong si Kengkay, kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Nung ni kwento kasi ni Kengkay yung kanyang tabo experience sa Alemanya, naalala ko din yung wentuhan namin dito noon tungkol dun sa paggamit ng [...]
[...] saludo ako sa mga taong proud na gumagamit ng tabo! kadugo namin sila. at bisita namin dati na gustong matutong mag tabo? pwes, nag aantay pa rin sya ng demo, hahaha galing sya dito. Townsville [...]
[...] ang tawag ni bunso sa kanyang nakatatandang kapatid ay ‘ate’, marunong silang gumamit ng tabo, marunong silang mag sungka at magjackstone at kung ano ano [...]