Kwentong Kengkay

Nobyembre 29, 2008

naiwan ang pitaka

Filed under: Kwentong Kengkoy — kengkay @ 7:46 hapon

naiwan ni kengkoy ang kanyang pitaka sa bahay nung isang araw.

nakasakay na sya sa tren nung napansin nya. walang pag asang bumalik. mabuti na lang, dala nya parati sa bulsa ng kanyang jacket na suot ang kanyang one year ticket sa tren.

kasi kung wala syang ticket at may mag check (hindi kasi regular ang pag check ng tickets sa mga tren, bus at kung ano pa mang biyaheng public dito e kaya madaming nakakapaglakbay ng libre kahit saan, hehe.) naku, madelay pa ang kanyang biyahe at sempre hassle agad yun. sira agad ang umaga nya. kasi late sya sa opis kapag pinalabas sya ng tren.

pero kung pitaka lang ang maiwan, hindi talaga problema. kasi may baon naman syang pagkain parati (salamat sa kanyang butihing asawa na si ako, ehem). at kung wala man syang baon? mabubusog na sya sa mga libreng patikim kapag pumunta sya sa shopping areas.

ang dami yatang free tastes dito sa alemanya. hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa inumin. malalasing ka ng kakatikim ng wine at beer at kung ano pang juice. mabubusog ka sa mga keso, tinapay, cold meats at kung ano pang chi-chirias. pwede pa ngang mag take home, kung medyo hindi ka mahiyain :D minsan masusuka ka dahil sa empacho. aba, libre nga di ba, edi take advantage, hehehe.

kaya walang problema nung naiwan nya ang kanyang pitaka.

ako naman, halos parating walang dalang pitaka kapag umiikot ako para sunduin ang mga little kengkays. walang masyadong sari sari stores dito e. walang temptation na gumastos. magdadala lang ako ng pera kapag meron talaga akong bibilhin.

at minsan, kahit na wala akong pera, pwedeng lista muna. minsan nga kahit na kulang pera ko pwede na rin, babalikan na lang. kasi magkakakilala naman kami dito sa baryo namin e. may tiwala sa isat isa. ang galing di ba?

hindi ko maalala kung nakaiwan na ba ako ng pitaka nung asa pinas ako. and hindi ko rin maalala kung ano ang ginawa ko. pero siguro kapag asa bus na ako at kailangang magbayad, magsasabi ako sa konduktor. e ano pang magagawa ko e wala nga akong pera, di ba? sempre pipilitin ko ring magpa kyut para hindi ako itaboy sa lansangan, waaaa

kayo, may kwento ba kayo tungkol sa mga pagkakataong naiwan ninyo ang inyong pitaka?

Mga Puna »

  1. bakas sa susunod maiwan na nya damit nya. hehe

    kengkay: nope, hindi pwede yon kasi super lamig dito, hehe

    Comment ni don_Ser — Nobyembre 29, 2008 @ 8:05 hapon | Tugon

  2. Ay totoong tao pala si don_ser akala ko spam. Hehe peace!

    ako ang madalas mangyari sa kin eh magkulang yung pamasahe ko. Sa sobrang pagkamahiyain ko at ayokong masipa sa dyip pag sinabi kong kulang ang bayad ko.

    Nilalakad ko na lang yun ibang part na kayang lakarin.

    kengkay: hahaha, pareho din tayo, ganyan din ako dati dahil dyahi naman di ba

    Comment ni Helena — Nobyembre 29, 2008 @ 9:18 hapon | Tugon

  3. ay galing parang nasa probinsya lang sa pinas,hihihi

    sa wallet wala akong matandaan..pero yang huli huli ng ticket sa train meron na..nong nasa denmark pa ako..nakalimutan kong ipunch yung ticket ko..saktong may umakyat na inspektor..gawds! lagas ang 75 yulo ko para sa multa!

    kengkay: waaa, ang laki ng multa ano? ibig sabihin hindi pwede talagang maki usap? e dala mo naman yung ticket di ba?

    Comment ni p0kw4ng — Nobyembre 29, 2008 @ 9:24 hapon | Tugon

  4. Kenks, sa akin maiwan na lang ang wallet sa bahay ok elang basta wag lang yung susi ng bahay, or else todo-giba at martilyo gagawin ko – o baka maging spiderman ako na may hocus pokus at bigla akong gumapang pataas sa 13th floor ng apartment ko makapasok lang.

    di pa ako nakaiwan ng wallet, everytime I leave out my door, una kukunin ko wallet, susi, ipod, cp, saka chinelas. buti naman may baon kayo. Eh paano kaya kung nasa jeep ka or taxi at biglang wala kang pamasahe? baka any moment eh bigla mo na lang bigay-bayad yung bago mong Esprit watch, sayang naman!

    Ay, wag kalimutan mag salamin bago lumabas ng bahay kasi baka naiwanan mong may muta ka pa pala, yuk diba?

    kengkay: wala bang extrang susi ang inyong house master sa building? ibig sabihin isa lang ay susi mo s apartment? kakapraning naman yon. pero ganyan din naman ako nung asa bangkok e, isa lang din susi ko. kaya nung nadala nung isang bisita ko yung lock ko pauwi ng pinas e ayun, may nakabreak in agad sa apartment ko, waaa. alam mo bang halos lahat ng bahay dito sa alemanya e may salamin bago lumabas ng bahay? para siguro yon sa pagtanggal ng muta, hahaha

    Comment ni K — Nobyembre 29, 2008 @ 9:52 hapon | Tugon

  5. Hindi pa ata ako nakaiwan ng pitaka, dahil parang hindi pantay ang pisngi ng wetpaks ko kapag wala ang pitaka ko sa bulsa. *LOLz*

    kengkay: meron akong ex-bf na dalawa ang pitaka sa bulsa nya sa pwet. kasi daw mahahalata daw na wala syang pwet kapag walang pitaka, hahahaha

    Comment ni The Gasoline Dude — Nobyembre 29, 2008 @ 11:35 hapon | Tugon

  6. Nangyari na sa akin iyan na naiwanan ang pitaka sa pagmamadali,ang malas pa ng inabot ko,nahuli ako ng pulis ng araw na iyun,illegal left-turn sa double solid yellow line dahil babalik sana ako sa bahay.Mabuti na lang at memoryado ko ang driver license number ko,magaling kasi ang memory ko at pati nga iyung kumpare ko ay tumatawag sa akin at tinatanong ang numero ng cell ng misis niya,saulado ko at walang problema.Balik tayo sa pulis,naabala tuloy ako dahil mabagal ang daliri niya sa pag gamit ng computer sa mobile car niya.Mahirap ng makipag argumento sa pulis kaya pinirmahan ko na lang ang ticket at binigyan ako ng duplicate copy para humarap sa korte.$159 ang penalty.

    kengkay: aray ko naman. ang mahal ng penalty ano? minsan kapag namalas ka talaga, e sunod sunod pa. natawa naman ako dun sa kumpare mo, parang si ako, hahaha. hindi ko rin memorize pati nga celfon no ko e

    Comment ni Cocoy's Delight — Nobyembre 30, 2008 @ 12:16 umaga | Tugon

  7. nasubukan ko na makaiwan ng wallet. sa tricycle. ang masaklap nun walang landline yung tricycle hindi ko natawagan.
    at may isa pa, sa tricycle ulet. inaaya ko na ng suntukan yung driver pero hindi ko pinaparinig sa kaniya baka pumalag hindi na siya makabiyahe at ako ang pabiyahiin niya pauwi. na nasa bulsa ang mga ngipin. papa-picture ako nun para sa inaaply-an ko (trabaho ko ngayon, nang magbabayad na ko nalaman kong puwet ko ang nakakapa ko at hindi wallet. binalikan ko si drayber, wala daw sa kaniya, umuwi ako, wala, bumalik ako ng bayan, inabot sa kin ng potograper ang wallet ko, sinabihang wag nagpapanuod ng xxx-rated dvd’s, nilapag ko pala ang wallet ko sa mesa.=)
    kengkay di ko mahanap yung widget para sa links, tagalog kasi eh, gusto ko tagalog kaso hindi ko alam ang tagalog ng “link” tsaka “widget”

    kengkay: kaya ako yan naman ako talagang maingat. basta alam kong paalis na ako sa isang lugar, dalawang beses minsan tatlong beses pa ako tumitingin sa paligid at baka may naiwan ako :D naku, hindi ko rin alam ang tagalog ng link at widget!

    Comment ni akosiyin — Nobyembre 30, 2008 @ 6:59 umaga | Tugon

  8. ate kengks, didn’t know you’ve been replying to the comments hehe wala pa akong insidente na naiwanan ko yung pitaka ko pero kadalasan importanteng dokumento tulad ng passport sa sobrang pagmamadali ahahhaha
    oo nga pala i tagged you sa blog ko http://cheesyskepticism.wordpress.com/2008/11/30/10-random-things-meme/ ngayon dapat magsulat ka na rin ng 10 random things about yourself :)

    kengkay: kapag kaya ko pang sagutin ang mga comments, sinasagot ko. pero minsan naliligaw na ako sa pagblog hop kaya wala ng oras, hehe

    Comment ni cheesyskepticism — Nobyembre 30, 2008 @ 11:57 umaga | Tugon

  9. di ako nag wa wallet
    lagi lang kalat ang pera ko sa bulsa o bag
    no hassel
    hehehe

    kengkay: san mo nilalagay mga IDs mo? ako ganyan din e, daming kalat nung bag ko pati bulsa ko, mga candy wrappers ng mga anak ko, hehe

    Comment ni hisnameisdencios — Nobyembre 30, 2008 @ 7:10 hapon | Tugon

  10. Ako walang epek kahit maiwan ang pitaka. Alang laman naman eh.

    Comment ni Fatherlyours — Nobyembre 30, 2008 @ 7:34 hapon | Tugon

  11. Hello Kengkay!

    Yan ang kagandahan ng prepaid pamasahe dito di ba. Kahit wala kang perang dala, ok na. Mas makakatipid ka pa, kasi minsan mabibili mo siyang discounted kaysa sa araw-araw ka bumibili ng ticket.

    Have a great week!

    Comment ni sofie — Disyembre 1, 2008 @ 1:05 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers