nung sabado nanood kami ng belly dancing. kasama ang buong pamilya, as usual.
medyo late na kami dumating (ibig sabihin e 10 minutes before they opened the doors, pero ang show e isang oras pa bago magsimula, hanep ang late dito ano, hehe). so medyo puno na. wala ng upuan, hindi na pwedeng mag-inarte.
kaya naman nagpadpad kami sa mga kumpol ng mga lolo at lola. swerte kami kasi nakahanap pa ng upuan na magkakasama kami. swerte ko dahil sa kabila ako napunta. kasi malas ni kengkoy dahil yung katabi nyang lolo e ‘mabaho’ daw.
halos hindi mo na maipinta yung mukha ni kengkoy. kaya naman pala hindi nya dun pinaupo ang mga little kengkays sa mismong tabi ni lolo e dahil natatakot syang biglang magreklamo ang mga bata. alam niyo naman kung gaano ka-tabil ang bibig ng mga bata. walang preno.
aray ko, baka biglang patalsikin kami sa upuan ano.
kaya tinuruan ko sya ng isang matinong tagalog na salita – mabaho. sa aleman e ‘stink’. parang inglis din di ba?
kaya buong gabing yon, ang maririnig mo lang sa bibig ni kengkoy e ‘mabaho’
ayan, mabilis talaga matuto ng isang bagong salita kapag desperado ano, hehehe.
ayan sa baba ang pechur nung belly dancing. wala dyan si lolo pero maaamoy nyo sya, hehe

