mabilisang post kasi mamya wala kami sa bahay.
unang x-mas party ngayong disyembre.
myembro kasi kami ni kengkoy ng isang auto club dito sa kabilang baryo. dala namin ang mga little kengkays. excited na nga sila kasi sabi namin ang party e pwedeng umabot ng hating gabi. tingnan natin kung anong oras sila tatagal. first time nilang a-attend ng pang ‘adult’ na krismas party kasi e.
at sempre, darating si santa claus dun sa party. kahit na mga matatanda ang miyembro nun e game sila sa mga ganong pakulo. at dahil andun ang mga little kengkays, espesyal na regalo ang matatanggap nila.
at ano ang kasunod na krismas party kong pupuntahan? emm, hmmm, rrrmmmm, wala actually, hahaha.
boring ano? makiki -krismas party lang ako sa mga extra curricular activities ng mga little kengkays tulad sa iskul nila, sa kindergarten, at sa kanilang sports club. pwede ba, imbitahin nyo namin ako, waaaa
at bukas, absent ako sa blogging world. sa umaga kasi e maghahakot kami ng wine at ubos na daw ang pinigang ubas sa aming cellar, naks, feeling may wine cellar daw o. wine kasi ang pinaka-okay na pang regalo e. halos lahat e tumutungga ng wine, di ba? atsaka bote bote lang yon, kapag beer e case case, hehe. punta kami sa may winohan dito ba.
tapos sa hapon e darating na si santa. December 6 ang araw ni San Nicolas. at yun din ang araw na bigayan ng unang maliit na regalo.
ano kaya regalo ko? natawa ako kasi sabi ni panganay ko bawal daw akong pumunta sa may kanto ng kwarto nya kasi daw e andun nakatago yung mga regalo ko, hehehe



wow ang sweet naman ni panganay. naluha ka siguro ate kengks nung sinabi nya yun.
Christmas party namen bukas dito sa office at wala pa kong damit1 gudlak!
Comment ni joycee — Disyembre 5, 2008 @ 1:20 hapon |
xmas gift ko ha!!!
Comment ni don_Ser — Disyembre 5, 2008 @ 1:42 hapon |
last year i have always been going to christmas party, but now??? ugh!!! im not sure, not in the place anyway.. !! T_T
Comment ni Cindyrella — Disyembre 5, 2008 @ 2:57 hapon |
itinago pa ni panganay mo ang regalo nya sayo, yun pala’y ssabihin din kung saan andun…hahahahahaha, kunwari sekreto…..
Comment ni ronimiranda — Disyembre 5, 2008 @ 3:15 hapon |
Asan na ba si santa??? May gusto lang akong hilingin oh. Talo talo na pag di nya to natupad. Sad xmas…so sad.
Langya wine cellar..ibang klase talaga si mommy kengks (waah naki-mommy).
Comment ni Helena — Disyembre 5, 2008 @ 9:34 hapon |
ang cute naman ni panganay kengkay ang sweet sa mommy! o baka nagpapacute talaga para maganda ang gift mo sa kaniya!
Comment ni prinsesamusang — Disyembre 5, 2008 @ 11:44 hapon |
Drink moderately!
Comment ni Mike Avenue — Disyembre 6, 2008 @ 1:00 umaga |
hello! babati lang ng maligalig na pasko at makulit na bagong taon in advance… baka mawala ulit ang internet link ko … sa hirap ng buhay nakikinakaw na lang ako ng internet sa kapitbahay …. ang mga walang hiya pinapatay ang router pag umaalis ng bahay bwahahahahahah
Comment ni Ms PinkBiik — Disyembre 6, 2008 @ 1:17 umaga |
Sounds like a fun full of activity ang christmans nyo
patikim naman ng mga wine nyo dyan sa cellar 
(parang umiinim.. hehe)
Comment ni vhincent — Disyembre 6, 2008 @ 5:45 umaga |
ang kyut ni panganay ha? may pasecret-secret pA.
Comment ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 6, 2008 @ 6:44 umaga |
sweet naman
Comment ni khzr4u — Disyembre 6, 2008 @ 7:24 umaga |
wow! ang sweet naman ano?
Comment ni hisnameisdencios — Disyembre 6, 2008 @ 9:49 umaga |
Wow ang aga! Agahan ko na din bati ko. Merry Christmas Mami Kengkay!
Comment ni kirksydney — Disyembre 6, 2008 @ 9:54 umaga |
ang sweet ni panganay!
-xiexie
Shobe
Comment ni Shobe (from vanny's blog) — Disyembre 6, 2008 @ 10:25 umaga |
ang tamiiiiisssss ng pasko…
meri krismas mami kengks.
Comment ni joshmarie — Disyembre 6, 2008 @ 10:28 umaga |
wow
have a great time
kumain ka at magpakabusog
hehe
Comment ni raft3r — Disyembre 6, 2008 @ 11:31 umaga |
hhehe..may surprise si panganay? ano kaya yon? ma-abangan nga sa pasko. Ms. Kengkay salamat sa pag-dalaw sa aking blog, Nahuli mo rin ako! Yes, maganda ang palawan! eto pa isang blog link ko sa multiply.. http://sandisanjit.multiply.com/
Comment ni sanjit — Disyembre 6, 2008 @ 11:42 umaga |
kapag xmas party, may reason para lumamon ng marami.
shet. hehehe
Comment ni taps — Disyembre 6, 2008 @ 5:31 hapon |
naku am sure uber enjoy ang party na yan!
sana uso din ang wine dito sa pinas!
pinoy version lang kasi ang madalas nasa kanto.. either beer or tuba! hehhheheh
Comment ni Geisha — Disyembre 6, 2008 @ 7:34 hapon |