kaya naman ayaw na ayaw ko talaga magdala ng payong e.
parati ko na lang kasi syang naiiwan. kakainis.
nung asa pinas ako, kahit na anong bagyo pa yan. wiz. tiisin kong maging basang sisiw kesa mag inday payong.
tiis ako sa jacket, hindi raincot ha. jacket lang talaga. at sempre, talon talon ako sa mga may bubong. at kapag malakas ang ulan, may i silong ako sa pwedeng silungan. at kadalasan, nakiki payong ako sa mga taong sa tingin ko e hindi mag rereklamo. kahit na hindi ko sila kilala, hehe
sobrang tamad magdala ng payong. pano kapag dala ko minsan, hindi naman uulan.
o kaya naman, kapag umulan, biglang titigil naman. e asa kanto pa lang ako ng bahay namin, arrrgh.
at kadalasan, nalilimutan ko ang payong ko. kahit na saan ako maupo, dun na sya naiiwan sa sulok.
sempre kapag binalikan mo? wala na sya. kahit na wala nang ulan, haysss
atsaka, kakasira ng porma ang payong, hehe. para namang may porma daw kapag basang sisiw!
pero dito naman sa alemanya? ilang beses na akong nakaiwan ng payong. pero ang himala dito, walang kumukuha ng payong. kung saan ang pwesto nung dati mo syang iniwan, dun pa rin sya nakatiwang wang. ang galing ano? siguro kasi ang panget lang daw ng payong ko. kulay grey sya na united colors of benetton, hoy, sinong may sabing wa class ang payong ko?
mahal yon, 39 oyro isa. pero naka sale sya nung binili ko – 4 oyro na lang. at matagal na kaming magkasama. kahit na ilang beses ko na syang kung saan saan naiwan. kasi naman butas butas na sya, hehe. pero isa pang himala. kahit butas butas na sya, hindi ako nababasa kapag umuulan at sya ang bitbit ko.
bang klase ano? at bakit naman daw biglang nagpayong ako nung andito na ako sa alemanya?
kasi po ang lamig dito kapag umuulan. brrrrr.
atsaka nanay na si kengkay e. dapat daw practice what you preach. sabi ng nanay ko, magpayong daw kapag umuulan para iwas sa sakit. yun lang po.
naiwan ko yung payong nung mom in law ko sa kindergarten nung isang linggo. nung na alala ko e dalawang araw na ang nakalipas. pero nung binalikan ko sya makatapos ang isang linggo, (ewan ko ba kung bakit hindi ko sya mabitbit), andun pa rin sya. ang saya!
naiwan ko yung payong nung isang araw sa post opis. nung na alala ko sya, asa bahay na ako. binalikan ko sya kinabukasan na. andun pa rin sya
hay, kung lahat ng bagay na maiwan natin e makita natin kung saan natin sya iniwan, edi world peace, di ba?
kayo ba, ilang beses ng nakaiwan ng payong?



ate kengks, gusto mo ba talaga malaman? may isang Disyembre na mahigit sampu sa loob ng buwan na iyon ang naiwan kong payong. makakalimutin din ako gaya mo. 9 out of 10 times talaga maiiwan ko somewhere yung dala kong payong.
kengkay: ay, ano ka ba pao! kapag ganyan karami ang nawawala mo, may karapatan ka na ring magbitbit ng payong ng ibang nakaiwan. palitan! hehehe
Comment ni pao — Disyembre 11, 2008 @ 5:55 hapon |
haha apir tayo pagdating sa payong..palagi ding naglalayas sa akin yang mga yan..kaya ngayon ang binibili kong mga jacket eh may hood na
kengkay: naku, kung pwedeng tatlo ang hood nung jacket, mas okay. para kasama na rin yung mga little kengkays, hahaha
Comment ni p0kw4ng — Disyembre 11, 2008 @ 8:39 hapon |
grabe, ang init dito sa qatar pero hindi uso ang payong. dati gumagamit ako ng payong – lahat ng tao nakatingin so ngayon di na rin ako gumagamit. kapag nakakita ka ng may payong Pinay yon!
kengkay: hahaha, yan mismo ang napansin ni kengkoy sa pinas. kasi daw ang daming may payong e wala naman daw ulan, sabi ko kasi takot sa init at takot umitim. tawang tawa talaga sya. kaya kapag super init dito niloloko ako nun at binibigyan ng payong!
Comment ni nina — Disyembre 11, 2008 @ 8:56 hapon |
PAYONG kaibigan lng ah, lagi kang mgadala ng PAYONG para hindi ka mgkasakit.. hehe
ate ano nga pla currency sa germany? euro ba? tama?
kengkay: yup, euro (oyro, hehe). alam mo bang dahil dyan sa hindi ko pagdala ng payong nung bata pa ako ang naging dahilan kung bakit hindi ako sakitin? natakot ang virus sa katigasan ng ulo ko, hehehe
Comment ni Jof — Disyembre 11, 2008 @ 10:03 hapon |
Tamad rin ako magbaon ng payong. Eh pa’no maraming malikot ang kamay sa office.
kengkay: no ba yun, sa laki ng payong, napupuslit pa rin?
Comment ni Den Relojo — Disyembre 11, 2008 @ 10:44 hapon |
hahahha… ako nga din ms kengkay di nagdadala ng payong… dko na maalala kung ilang payong na ang nawala ko. kaya nga hnd na ako bumubili ng mahal ng payong ngayon eh kc sa ayaw at gusto ko eh mawawala. sigurado yun!
kengkay: kainis di ba
Comment ni yhen — Disyembre 12, 2008 @ 1:28 umaga |
sa opis ko, parating ninanakaw ang lecheng payong ko! hmpt! mula nun, indi na ako bumibili, kesehodang wet look ang lola hahaha
kengkay: hanu ba yun, pati sa merika pala daming nang haharbat ng payong, hahaha
Comment ni reyna elena — Disyembre 12, 2008 @ 2:50 umaga |
madalas din ako makaiwan ng payong. buti natutong magbaon ng plastic bag kung saan pwede isiksik ang basang(folded)payong at pasok pa rin sa bag after use.Patuyuin na lang pagdating sa bahay. Thanks to sis, hehe.
kengkay: dito kasi daming lalagyan ng payong. yung tipong bawat pasukan mo e mayron kang paglalagyan, ayun, kaya dun parati nakikitulog yung payong ko, hahaha
Comment ni Ging — Disyembre 12, 2008 @ 4:11 umaga |
Mabuti payong po ang inyong topic. Kailangan po talaga ang gamit na iyan, ke umulan o umaraw man, hehehe. Noong bata pa po ako kapute lang ang baon ko dahil laging nawawala ko ang aking payong. Kaya sa galit ng nanay ko ibinili niya ako ang isang maliit na kapote.
kengkay: maliit na kapote? kasing liit ba kita? hehe
Comment ni Colegiala girl — Disyembre 12, 2008 @ 4:13 umaga |
sa awa ng diyos di pa ako nakakaiwan ng payong promise!! lol!! ewan ko ba pero ugali ko na iyong check ko muna kung dala ko ba ang lahat bago ako umalis.. kaya ayun!
kengkay: ay mabuti ka pa. ako ganyan din, parating tinitingnan bago umalis. kaso mo yung payong kasi kadalasan andun nakalagay sa mismong labasan dahil andun yung lagayan nila e. waaa – kaya kahit anong tingin e malilimutan talaga sya sa pagmamadaling maka uwi
Comment ni cindyrella — Disyembre 12, 2008 @ 4:28 umaga |
ako rin tamad magdala ng payong kasi pag malakas ang hangin para akong si Mary Poppins na lumilipad lipad…wahaha
at pagdating kay payong parati akong may memory gap…hehehe
kengkay: hahaha, tuwang tuwa ang mga little kengkays kapag nililipad yung payong nila. inaantay nilang makarating daw sila sa langit sa pamamagitan ng kanilang magic payong!
Comment ni kamotenista — Disyembre 12, 2008 @ 5:34 umaga |
Hello Kengkay,
Eto na naman, pareho na naman tayo. Lagi rin akong nakajacket na may hood, para di na kailangang magdala ng payong. Lagi ko rin kasing naiiwan e. Kaya ginagawa ko kung di maiwasang magdala ng payong, ilalagay ko siya kung saan kita siya ng mga mata ko lagi para di ko makalimutan.
Anyway, have a nice week!
Comment ni Sofie — Disyembre 12, 2008 @ 1:09 hapon |
Have a nice weekend pala!
Comment ni Sofie — Disyembre 12, 2008 @ 1:21 hapon |
Ako e ok lang magdala ng payong walang problema sa akin kasi sa totoo lang e sipunin ako hehehe. Pero mas ok sa akin magbitbit kahit malaking bag tapos dun ko lalagay ang payong haha. Ilang beses na din akong nakawala at nakaiwan ng payong. Ganun ba talaga pag tumatanda na? O sadyang ang payong ang madaling kalimutan? hahaha
Comment ni Ambo — Disyembre 13, 2008 @ 1:48 umaga |