Kwentong Kengkay

tagalog chenes

kengkoy’s bakery

kapag pasko, talsik ang pandesalan ni kengkay sa aming kusina.

dahil nagbubukas ng maaga ang kengkoy’s bakery. pagpasok pa lang ng disyembre e nagbe-bake na si kengkoy kasama ng mga little kengkays. si nanay kengkay? sa mga pagkakataong yan e pasulpot sulpot lang ang beauty ko para kunan sila ng piktyur at asarin sila ng konti. bonding time nilang mag-aama yan kaya hindi ako kasali.

ayan, si kengkoy. busy. kapag yan ang asa kusina? halos lahat yata ng gamit e nakalabas. pati mga drawers at aparador, bukas lahat. ewan ko ba, hindi daw nya makita yung mga dapat nyang gamitin.

si bunsoy. yan ang paborito nyang gawin. ang mag lagay ng dekorasyon. kasi yang dekorasyon na yan ang mas kinakain nya kesa dun sa cookies talaga, hehe. actually, mas kinakain pa nila yung hindi pa bake na dough, yikes.

ayan ang kinalabasan ng kanyang baking time. isang malaking box ng tinatawag na coole auge (literal translation – cool eye). marmalade ang tuldok na pula sa gitna.

at isang malaking kahon ng buttergebackenes ‘butter cookies’. yang ang binake ni kengkoy kasi yan ang paborito nya. mabuti na lang paborito ko rin sila, hehehe

sempre kapag cleaning time na? nagtatago na si kengkay! ilang tulog na lang pasko na!

maligayang pasko po.

Inihanay sa:Kwentong Kengkay, Kwentong Kengkoy

44 Responses

  1. p0kw4ng ay nagsabing:

    hapi pasko sayo!

    hmmm paskong pasko na nga sa inyo!

  2. Sofie ay nagsabing:

    Hello Kengkay,

    Bat kaya karamihan sa mga lalaki, pag nagluluto e, ang kalat-kalat rin. Ako kasi pag nagluluto, sinusundan ko rin ng linis. Ewan ko lang ha, kung karamihan nga sa mga lalaki ganyan. Buti na lang kamo masarap ang luto nila. Doon na lang binabawi yon e. :) Hehehe…

    Christmas na talaga, kasi andyan na yong mga cookies niyo e. Merry Christmas! Maligayang Pasko sa inyong lahat dyan!

  3. alasais ay nagsabing:

    Maligayang paskyo sayo Kengkay at sa pamilya mo!

    Tem-i of Alasais

  4. The Gasoline Dude ay nagsabing:

    Siguro isa ito sa mga rason ng patuloy kong pagtaba: ang mga pagkain na nakikita ko sa mga blog niyo kaya lagi akong ginugutom. Hmpf.

  5. YoungCan ay nagsabing:

    mukang masarap yong cool eye ah hmmm

  6. batopik ay nagsabing:

    Maligayang Pasko!!! ^-^

  7. ruthie ay nagsabing:

    Gee! nakakagutom naman tong post na to!

    Ang daming talent ni Manong Kengkoy…pati baking! Bilib na ko ah!

    Advance Merry Christmas!

  8. hitokirihoshi ay nagsabing:

    saya-saya naman ng mag-aama… magandang bonding moment yan, masarap pa.

  9. utakmunggo ay nagsabing:

    mommy kengks! bumili na ako kanina ng bread machine! woohooooooooo!!! pero gustohin ko mang mag-almusal ng pan de sal bukas eh mukhang sa 24 ng umaga ko pa magagawa dahil HINDI AKO NAKABILI NG YEAST! hmp.

    natawa ako sa hirit mo tungkol kay daddy kengkoy. pati kasi si sarge ganyan, lahat ng drawer nakabukas at lahat ng gamit kahit hindi kailangan, nakalabas. ay naku kapag nasa kusina si sarge, escape artist rin ang show ko. hehe

  10. reyna elena ay nagsabing:

    pasensya na, busy ang lola, daming assignments na pinagawa yong isang lola sa kabilang bayan! pero maligayang pasko at sana happy si aling natividad and wish you the best of all the best at sana matupad lahat nang pangarap mo at sama mo na rin ako hahaha!

  11. iya ay nagsabing:

    nainggit ako sa cookies

    ang dame! parang pwede ko iluglog ulo ko dun!

    hehe

    merry christmas!

    *bearhugs*

  12. eloiski ay nagsabing:

    penge ako! penge!
    hindi ko pa natry gumawa ng cookies!
    ay teka!
    nakagawa na pala!
    pero yung instant lang!

  13. sheilamarie ay nagsabing:

    Merry Christmas and A Prosperous New Year to you and your family, Kengkay!!!

  14. sheilamarie ay nagsabing:

    p.s. the food looks yummylicious!!! kainggit!

  15. Jake ay nagsabing:

    Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon mula sa bayan ng mga recessionista!!! :)

  16. walongbote ay nagsabing:

    wow bonding momment with their tatay.. mukang masarap ang mga cookies ah.. ;)

  17. Ging ay nagsabing:

    sarap ng cookies at sweet naman bonding ng tatay at daughters. Merry Christmas!

  18. kulot ay nagsabing:

    buti pa sa inyo paskung pasko na… hay!

  19. nina ay nagsabing:

    how do you call the one with jam? may recipe ako parang ganyan. it’s called jam thumbprint kaya lang mabusisi kailangan pa kasi ipagulong sa nuts, etc. kaya di ko ginagawa. pero nag bake din ako kagabi – peanut butter, crinkles, choco chip and oatmeal. Kaya lang maliit ang oven ako. I can only bake 9-12 pcs at a time aaya ang tagal bago ako makatapos :)

  20. sandi ay nagsabing:

    Malligayang Pasko sa iyo at sa buo mong pamilya! :)

  21. hisnameisdencios ay nagsabing:

    ang saya naman.. parang ang sarap.. kaasar kasi ako di marunong magluto o mag bake! ewan ko ba.. masarap naman kasi yung dough kahit di pa luto diba? hehe

  22. khzr4u ay nagsabing:

    wow!!!ang sarap naman nyan..

    tulugan na lang pagkatapos ng baking time..hahahha

  23. Maldito ay nagsabing:

    ang talented naman ng pamilyang to..kulang nalang ay gumawa kayu ng gadgets..ahahhaa..

    merri xmas mami kengks! have a blessed xmas!

  24. jessie ay nagsabing:

    Kengks,

    Nakakatuwa naman ang mga roles nyo pag ganitong pasko fren. You gave me an idea. Magbe-bake nga rin ako para may konting libangan this season. Sana lang maging successful ang aking “attempts to baking” gaya ng sa hubby mo.

  25. partofyou ay nagsabing:

    merry christmas to you too! stay nice and wish you more exciting blog entry, asset ka daw ng pinoy blogosphere!

  26. partofyou ay nagsabing:

    ay, eto pa: sana swertihin tayong lahat!

  27. joanjoyce ay nagsabing:

    mukhang masarap ang mga kukiz na yan sis ah.. maligayang pasko sis at maligo sa bagong taon ahehe..

  28. Jex ~ Saah Paahk ay nagsabing:

    AHahaha ! pag katapos mag bake nag tago kagad?!? ayos ! pero ang cute ng anak nyo po ahihihih ! cute din b si kengkay ?!? ahihihi !

  29. ron ay nagsabing:

    di kaya malabo na ang mata ni kengkoy nyan kaya lahat ng gamit mo e nakalabas na? o kaya naman e bumabawi lang sya sayo dahil ikaw ang taga linis nya ng kalat? hehehehehe

  30. kirksydney ay nagsabing:

    Merry Christmas din Mami Kengks!

  31. rommel ay nagsabing:

    Fröhliche Weihnachten! to you :-)

  32. kalye11onse ay nagsabing:

    maligayang pasko rin po

    sa iyo at sa iyong pamilya.

    : )

  33. Fia ay nagsabing:

    Huwaw. Mukhang ang sarap ah. matagal ko ng gustong matutong magbake. x_x

  34. K ay nagsabing:

    Looks very delicioso! Merry Christmas and cheers to the New Year!

  35. angel ay nagsabing:

    huwaww at talented din pala ang buong family eh no? ang cute talaga ni bunso.

    Merry Christmas sa yo mami kengkay at sa family mo ^_^

  36. brotherutoy ay nagsabing:

    wow, mukhang ansasarap ng mga cookies!!!

    alam mo, kenks, noong nasa pinas pa ako eh ilag ako sa oven. di ko kasi alam kung anong gagawin dun. dito sa kabundukan eh halos lahat ng niluluto ko sa hapunan eh ino-oven ko.ü nakapagluto na ako ng mga cakes, at recently, leche flan at macaroons sa oven. hehehe…
    excited na akong umuwi para maipagyabang ang aking newfound talent.ü

    merry christmas sayo!

  37. glesy the great ay nagsabing:

    sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

  38. sensoryreplays ay nagsabing:

    saya naman ng bonding ng mag-ama mo! meri krismas, keng! ^_^

  39. Jon Cabron ay nagsabing:

    ‘ligayang pasko
    kilala mo pa naman ako di ba? bwahahahah!

  40. raft3r ay nagsabing:

    pwede ba akong mag-part time dito?
    never ako nale-late
    hehe

  41. Gabriel ay nagsabing:

    belated merry xmas ate :D hehehe…, hehehe

  42. Simple Married Life ay nagsabing:

    Ibibigay nyo ba yan for the Holidays or kayo rin ang kakain…mukhang masasarap! At ung butter cookies ang parang masarap lalo sa mainit na kape…:)

Leave a Reply

Lumang Kwento