Kwentong Kengkay

Disyembre 25, 2008

Maligayang Pasko Po!

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:19 umaga

ang aking dalawang santa santita, kasama si kengkoy at kengkay ay buong pusong bumabati sa inyo ng

maligayang pasko!
gusto ko sana kami din ni kengkoy may ganyanng posing kaso mo tinakbo na ng little kengkay ang mga sumbrero kaya ayan, sila na nga lang! neks yir bibilisan ko ang pagtakbo para mahuli ko yang dalawang yan!

pero mas kyut naman sila talaga tingnan e. kaya oks lang. wag na aangal, pasko di ba, heheh!

sana maging maganda ang pasko para sa ating lahat lalo na sa ating bansang Pilipinas at sa ating mga kababayan. naniniwala akong makakamtan rin natin ang ating karapatan na mamuhay ng maginhawa sa ating bayan. malapit na yon, pramis :)

Disyembre 23, 2008

nakakita ako ng anghel

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 7:43 hapon

kapag magpapasko talaga, kung ano ano ang nangyayari. ayan na nga at nagkalat na ang mga anghel.

kita nyo ang mga anghel. ang bilis maglakad! teka muna, wag muna kayo lumipad!

teka muna, parang kilala ko yata itong isang anghel na ito ah? aba, ang aking panganay! mala anghel sa kakulitan. kanino kaya nagmana. hehe

(may karugtong…)

Disyembre 22, 2008

kengkoy’s bakery

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:27 hapon

kapag pasko, talsik ang pandesalan ni kengkay sa aming kusina.

dahil nagbubukas ng maaga ang kengkoy’s bakery. pagpasok pa lang ng disyembre e nagbe-bake na si kengkoy kasama ng mga little kengkays. si nanay kengkay? sa mga pagkakataong yan e pasulpot sulpot lang ang beauty ko para kunan sila ng piktyur at asarin sila ng konti. bonding time nilang mag-aama yan kaya hindi ako kasali.

ayan, si kengkoy. busy. kapag yan ang asa kusina? halos lahat yata ng gamit e nakalabas. pati mga drawers at aparador, bukas lahat. ewan ko ba, hindi daw nya makita yung mga dapat nyang gamitin.

si bunsoy. yan ang paborito nyang gawin. ang mag lagay ng dekorasyon. kasi yang dekorasyon na yan ang mas kinakain nya kesa dun sa cookies talaga, hehe. actually, mas kinakain pa nila yung hindi pa bake na dough, yikes.

ayan ang kinalabasan ng kanyang baking time. isang malaking box ng tinatawag na coole auge (literal translation – cool eye). marmalade ang tuldok na pula sa gitna.

at isang malaking kahon ng buttergebackenes ‘butter cookies’. yang ang binake ni kengkoy kasi yan ang paborito nya. mabuti na lang paborito ko rin sila, hehehe

sempre kapag cleaning time na? nagtatago na si kengkay! ilang tulog na lang pasko na!

maligayang pasko po.

Disyembre 21, 2008

sinoli ang regalo

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:10 hapon

naalala nyo yung pinagmamalaki kong regalo namin kay panganay nung pitong taong berdey nya nitong nakaraan? yung digicam na asa itaas?

pwes, sinoli namin sya.

kasi naman ilang minuto pa lang sya ginagamit e biglang kailangan kaagad ng bagong baterya. as in, sa buong araw na gamit sya ni little kengkay e naka apat na palit kami ng bateryo sa camera. parang may mali yata dun di ba?

e hindi naman sya masyadong ginagamit nung panganay ko. lalo namang hindi namin sya magamit kasi bawal kaming gumamit at exclusive lang daw yon kay panganay ko.

tapos nung pangalawang araw, aba, kapapalit lang nung baterya ayaw ng gumana. as in, hindi na bumubukas yung camera. e parang nakakaloko yata ano? bagong baterya. bagong kamera. tapos hindi gumagana?

ginawa ni kengkoy, hinalunggat yung mga baterya sa basura na tinapon nya. ginamit nya sa ibang bagay. ayun, matinong gumana naman. ibig sabihin matino yung baterya. yung camera ang may sira.

so binalik ni kengkoy sa tindahan. dito kasi yes return, yes exchange. hindi katulad sa pinas na no credit, no utang tapos no return no exchange pa. sabi nung mama kaya daw hindi gumana yung baterya e kasi daw chipipay daw yung baterya na ginamit namin! wahahahaha, nagulantang ang kengkoy. sabi nya e galing sa inyo yung baterya ano!

sa inis ni kengkoy, sinoli nya ang camera. nagreklamo yung tindero. sira na daw yung kahon. sabi ni kengkoy, pwes, gawan mo ng paraan na maayos ulit yung kahon. kinausap yung manager ng tindahan at binalikĀ  sa kanya ang pera. tapos. soli ang regalo.

iyak sempre ang panganay namin. kasi wala na daw syang regalo. pero binilhan namin sya ng bagong camera agad. yung hindi na yung naka-sale. dagdag lang ng sampung oyro, mas maganda at mas matino pa.

sa totoo lang, dito sa alemanya, kapag ayaw mo nung regalo mo, pwede mong ibalik. kaya karamihan sa mga nagreregalo, dala rin yung resibo nung regalo. kasi nga, just in case na may diprensya o kaya hindi type nung niregaluhan yung kanyang regalo, pwedeng palitan at pwedeng ibalik. ganun ka simple.

may mga tuso na ginagamit muna bago ipalit yung regalo. tulad ng relos, coats at kung ano pa. hay, makonsyensa naman kayo mga tuso! natawa ako kasi may isang ale na nagreklamo sa tindahan. ayaw daw nya nung regalo sa kanyang coat. edi okay naman yung tindera, kasi costumers are always right. binalik yung regalo. chineck muna nung tindera lahat ng bulsa ng coats. ayun, daming wrappers ng candies at mga gamit na bus tickets. obvious ba na nagamit na yung coats?

kaya dito, mas maraming tao kapag tapos ng pasko at bagong taon sa shopping areas. mga taong na re-return and nag e-exchange. ang kulit talaga ano? hindi makuntento! pero naman, kung ayaw mo talaga nung regalo, advantage din yon, hehehe

Disyembre 19, 2008

paikot-ikot

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 2:58 hapon

ang pinakamasarap na rides nung bata pa tayo? yung paikot-ikot, tulad ng ferris wheel, carousel, caterpillar, choo choo train, magic cup, at kung ano pang umiikot.

sempre, kapag may paskuhan at may peryahan, ganyan din ang pinagkaka-abalahan ng mga little kengkays.

takbo muna sila sa carousel. ikot. ikot sila sa isang makinang na silya. kaway kaway sa mga nanay at tatay na sumasakit leeg at ulo kakatingin. at kakatingala.

tapos pangalawang round. sakay naman sila ng kabayo. tigidig tigidig. ikot ikot na naman, kaway kaway. hayyyy

nakakakita ng choo choo train. sempre papalampasin ba naman nila? ang matindi pa nito, hindi lang kaway, give me five pa ngayon. huwag tularan, dahil delikado yan. actually, pinigilan na namin sila sa give me five na yan. kasi may nangyari sa isang carnival sa france na dahil sa kakagive me five e nahulog yung isang bata sa carousel at nabagok ang ulo. sad to let you know, namatay yung bata :( freak accident pero pwede nating maiwasan.
(may karugtong…)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers