Kwentong Kengkay

Enero 31, 2009

pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo (updated)

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:43 umaga

isa itong tabo alert na binulong sa akin ni nina, tenks beri mats talaga. naiyak ako sa kabaliwan nung nabasa ko tong kwento na to. tinamaan ako kasi ang pamilya kengkay ay fan ng tabo.

alam naman ninyong labs na labs namin ang tabo dito sa alemanya. ang mga little kengkays hindi yan gagawa ng milagro sa toilet kapag alam nilang walang tabo. at ang pinakaimportanteng dala namin kapag magbabakasyon kami? edi sempre ang tabo pa rin! kundi daw e magpipigil daw sila hanggang sa umuwi kami sa bahay na may tabo, hehe

nung unang pasok nga ni bunsoy ko sa kindergarten e bago sya umalis ng bahay ang tanong nya ganito. ‘mama, papano yan kapag pupunta ako ng toilet? meron bang tabo dun?’ hahahaha. ang kyut talaga ng mga little kengkays di ba? sila ang aking tabo girls!

bago mapakwento na naman ako ng tungkol sa tabo e basahin nyo ang istorya ng isang pinoy na natanggal sa trabaho nya sa australia dahil sa paggamit nya ng tabo. bilib ako sa kanya ha, pinanindigan nya ang pag-gamit nya ng tabo! saludo ako sa mga taong proud na gumagamit ng tabo! kadugo namin sila. at bisita namin dati na gustong matutong mag tabo? pwes, nag aantay pa rin sya ng demo, hahaha
(may karugtong…)

Enero 30, 2009

may akyat bahay sa alemanya

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 7:40 umaga

ano be, meron din palang akyat bahay dito sa alemanya! lintek.

kahapon ng hapon. si kengkay at si bunsoy e mag-grocery. inabot ako ng ilang pawis minuto sa paglabas ng kotse sa garahe. kasi ba naman si kengkoy basta na lang hinambalang yung kotse, kainis.

tapos na stress pa ako kasi nakita ko ang isang grupo ng mga teen-agers na naglalaro ng football sa kalsada. gusto kong sabihin sa kanila na bilisan nila lakad at baka pati sila e mahagip ng kotse. aba ang ginawa ba naman e tumambay mismo sa harap ng garahe nung kapitbahay namin. at dun sa kalye mismo naglaro ng bola!

finally, nalabas ko rin ang kotse. nag grocery kami ni bunsoy. yung mga teen agers asa kalsada pa rin. makalipas ang tatlumpung minuto bumalik kami ni bunsoy. labas agad ang kengkoy, oo, asa bahay sya. mainit ulo at sabay sabing ‘naku, kaalis lang ng mga pulis.’

huh, sabi ko, baket! kasi daw habang asa loob sya ng bahay nung umalis kami e may narinig syang kumakaluskos sa bubungan namin, at sa may garahe. pagkita daw nya e mga teen agers sa bubungan ng bahay namin! tinawagan agad nya ang mga pulis. nung narinig nung mga teen agers na may tao sa bahay, nagtakbuhan! pero may nahuli si kengkoy na isa. alam nyo kung bakit nahuli? kasi andun sa bubungan at nagtatago! siguro nalamigan na. hindi na makatiis sa pagkakadapa nya sa bubong.

tapos nakita ni kengkoy na may mga mga dalawa pang tumalon sa mga gates ng kabilang bahay. ano ba naman yon. nung dumating ang mga pulis, wala na ang mga mokong. pati yung nahuli ni kengkoy e nakawala kasi nga nabulabog si kengkoy nung narinig nyang may mga naiwan pa. sabi ng mga pulis naglalaro lang daw yung mga yun. kasi yung bola e andun pa rin sa garahe namin.

pero sabi naman ni kengkoy e kunyari lang yon na may bola sila. hindi naman daw naka-akyat yung bola sa bubong namin e. dinala mismo yun at kunyari naglalaro sila. kasi nga alam nung mga mokong na umalis ako kasama si bunsoy. akala siguro nila e may mahihita sila dun habang wala kami. atsaka usually kapag may mga gustong kumuha ng bola sa hardin, nagdodoorbell at nagpapasintabi talaga e. pero sila, wiz…

alas tres ng hapon yon ha. maliwanag pa. pero sa totoo lang, walang ibang witness! ganyan ka tahimik dito sa baryo namin. kaya dito mas maraming nakawan kapag maliwanag kasi nga walang tao halos mga bahay, hay buhay! mabuti na lang nung araw na yon e sarado yung mga bintana sa bubong namin. e madalas kasi iniiwan naming bukas yon e.

hanggang kagabi e nag aabang si kengkoy ng kaluskos. kasi yung bola e andito pa rin sa hardin namin, gusto nyang mahuli ang mga mokong. medyo ingat din ako kasi baka may gawing malaswa ang mga lintek in revenge. hay buhay nga naman oo!

Enero 29, 2009

eng-eng kayo sa blogging?

Filed under: Kaibigan,Magaling ang Pinoy — kengkay @ 3:47 hapon

pwes, katulad kayo ni kengkay, hahahaha.

aaminin ko, kahit na mahigit isang taon na akong nagboblog e eng eng pa rin ako sa mga bagay bagay na sinasakop ng blogging.

ang alam ko lang talaga e madaldal ako.

chismosa ako.

mausisa ako.

marami akong kwento.

mahirap ang walang kausap.

gusto kong bumalik ang aking tagalog.

at sa blog ako nakakahanap ng kausap ng tagalog.

ibig sabihin, tapik tapik lang ng daliri ko sa keyboards ang alam ko.

pero tanungin mo ako kung ano ang hosting? kung ano ang plug ins? pwes, hindi ko po alam ;D

ngayon kung nagiisip ka namang gawing mas maganda ang iyong blog. gusto mo syang lagyan ng kurtina? gusto mong maging atraksyon sya sa puting tabing? gusto mong maging hindi lang sya pang pamilya kundi pang isports pa? gusto mong magkaron ng maraming fans? o kahit na gusto mo lang na maging iba ang iyong blog?

Bigyan ko kayo ng preview kung papano magiiba ang anyo ng inyong blog dahil sa mga ganitong serbisyo (sori inglis kasi kinopya ko lang, hehehe:

    (may karugtong…)

Enero 28, 2009

Balik Uling?

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 4:37 hapon

meron akong kaibigan, am sure mag-react yan kapag nabasa nya itong blog ko :D , isang businesswoman.

meron silang tindahan. ang pinakamalaking kita nila ay galing sa pagbenta ng LPG tanks. pero bumaliktad daw ang trend ngayong nagkaron ng financial crisis. halos ilang buwan na daw na wala — as in WALA — walang nabiling LPG tank sa kanila. imagine that!

e ang kanilang baryo e daming tao ha. tapos may kalapit baryo din na maraming tao, ah basta, sa pinas naman daming tao talaga e. sa dami ng taong yon, nag-uuling daw lahat! as in!

ibig bang sabihin e balik uling na para makatipid? aba, praktikal ang mga pinoys. kung ako man, mas hilig ko pa ang mag ihaw kesa sa magprito e. mas malinamnam.

kapag summer dito sa alemanya, halos araw araw e nagiihaw kami. uling din gamit namin. kahit na ubuhin kami sa usok, di bale na, ang sarap yata ng ihaw!

actually kahit nga nagsnow basta walang malakas na hangin e nag-iihaw din kami. yun nga lang, electric grill ang gamit namin. ibang usapan na, hehe

siguro ngayon dapat na ring pagisipan ang magtanim ng sariling gulay at prutas. kahit na sa paso lamang. pa-isa isa. mas matipid talaga kapag may sariling tanim, di ba nga kami may hardin din ng prutas at gulay? o ayan, kahit na winter na at tuyo na ang lupa ay may ipon pa rin kami. kasi yung sobrang gulay e naka-freezer. praktikal din di ba? lalo pa sa pinas na halos buong taon e pwedeng mag tanim.

may patutunguhan naman itong pinagsasabi ko di ba :D

Enero 27, 2009

kawawa ang bayan

Filed under: Pinas — kengkay @ 1:10 hapon

Kawawa naman ang bayan. Yan ang mgahuling katagang binanggit ni Philip Andrew A. Pestano bago siya namatay. Namatay sya dahil sa bayan. Namatay sya dahil sa kanyang prinsipyo. Namatay sya dahil may mga taong gustong kawawain ang ating bayan.

Ayaw naman nating parati na lang maging kawawa ang bayan di ba? Mga kababayan, ito ay isang email prayer brigade na pinaninimulan ni Fr. Reuter para kay Phillip.

Phillip Andrew A. PestaƱo graduated from the Ateneo de Manila High School in 1989, entered the Philippine Military Academy, and became an Ensign in the Philippine Navy in 1993. He was assigned as cargo master, on a Navy ship.

He discovered that the cargo being loaded onto his vessel included logs that were cut down illegally, were carried to the ship illegally, and were destined to be sold, illegally. Then there were 50 sacks of flour, which were not flour, but shabu – worth billions. Literally, billions. And there were military weapons which were destined for sale to the Abu Sayyaf.

He felt that he could not approve this cargo. Superior officers came to him and said: “Please! Be reasonable! This is big business. It involves many important people. Approve this cargo.” But Phillip could not, in conscience, sign approval.

Then his parents received two phone calls, saying: “Get your son off that ship! He is going to be killed!” When Phillip was given leave at home, his family begged him not to go back. Their efforts at persuasion continued until his last night at home, when Phillip was already in bed.

His father came to him and said: “Please, son, resign your commission. Give up your military career. Don’t go back. We want you alive. If you go back to that ship, it will be the end of you!” But Phillip said to his father: “Kawawa ang bayan!” And he went back to the ship.
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers