Kwentong Kengkay

Enero 25, 2009

taga-gawa ng assignment

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:25 hapon

busy si kengkay.

nagpapatulong si utol sa assignment nya.

kahit pala ang layo ko e hindi ako nakatakas ano? heheh

binigay nya sa kin yung assignment nung biyernes. at nung biyernes na yon e wala kami sa bahay ng buong araw. at nung sabado e naglinis kami ng bahay. at ngayong linggo e mayron akong buong araw na gymnastics training.

binuksan ko email ko ngayong alas otso ng gabi. bago daw matapos ang lunes sa pinas, yun ang deadline.

medyo, hindi naman demanding ano? kaya naman eto si kengkay. maglalamay para matapos ang assigment ni utol. baka ako pa dahilan kung bakit sya bumagsak di ba?

pero etot nagpumilit rin magblog para lang i share sa inyo ang buhay ng isang ateng mabait, hehehe

Mga Puna »

  1. Hahaha. Ako din ganyan ang sitwasyon. kahit ang layo. kahit sobrang busy, nakakatanggap pa rin ng text at email about assignements. akala ko tapos nako dun. hehehe

    kengkay: ibig sabihin hindi ka bumigay? hehehe

    Comment ni iceyelo — Enero 25, 2009 @ 9:09 hapon | Tugon

  2. hehe. buti assignment lang di tulad ko buong research paper, minsan undergraduate thesis. etong mga kapatid ko ang tatamad! ako ang ginagawang tanga. hirap kasi kapag gumaraduate ka ng SUMMA CUM LAUDE e. lol!

    kengkay: cum laude lang ako e, kasi loud na loud daw ako nung college, hahahaha

    Comment ni cardinalbitch69 — Enero 25, 2009 @ 11:29 hapon | Tugon

  3. hanggang dyan sa aleman ano? pero kukumustahin ko lang yung aleman na bisita nyo noon kung marunong na syang gumamit ng tabo..ehehehehe..napadaan lang kengks..sige na sagutan mo na ang assign ni utol..

    kengkay: naku, hindi pa rin at nag aantay ng demo, hahaha

    Comment ni payatot — Enero 26, 2009 @ 1:42 umaga | Tugon

  4. sana ang makasama ko sa buhay yung qualities na meron ka..

    kengkay: anong quality? uto uto? hahaha

    Comment ni hisnameisdencios — Enero 26, 2009 @ 4:23 umaga | Tugon

  5. Ganyan talaga ineng… ang mga bata ngayon ganyan na gumawa ng assignment… yung ibang tao ang gagawa pero dapat hindi kasi di naman ikaw ang bibigyan ng grade di ba? iguide lang sila ng paggawa ng assignment pero sila pa rin ang gagawa. sermon ba ito! hindi… opinion ko lang ineng…

    kengkay: oks lang na magbigay ng opinyon. kasi ibang assignment naman ito e, hahaha. ako ganyan din, aba sila dapat gumawa ng assignment nila ano. ano ako nek nek para gawin, magsikap silang magisa nila, hehe

    Comment ni vk03 — Enero 26, 2009 @ 4:53 umaga | Tugon

  6. Alam mo ba tamad ako sa ganyan. Ako kasi di nagpapagawa ng assignment sa iba :) Minsan pinapaiyak ko muna ang kapatid ko bago ko gawin hehehehhehe…. Sadista no?

    kengkay: hahaha. ako tumutulong pero sila dapat gumawa. iba naman itong assignment na ito e, sikret :D

    Comment ni nina — Enero 26, 2009 @ 4:57 umaga | Tugon

  7. pag ako naman nagpapatulong sa akin si sis nakakatamad pero alam ko naman kung hindi ako ang tutulong sa kanya sino pa?

    kengkay: wow, sana paglaki ko magkaron din ako ng sister na katulad mo :D

    Comment ni Cindyrella — Enero 26, 2009 @ 6:28 umaga | Tugon

  8. ganyan din ako dati nung nagaaral pa si utol hek3…
    minsan pati project ako gagawa pati nga love letter nagawa ko na rin
    hays..hek3..pero masaya kapag yung gawa mo o yung sagot mo sa assign perpek LOL
    lalo na kapag kinilig labidabi ng utol ko sa love letter na ginawa ko hek3 LOL

    Comment ni anakngpating — Enero 26, 2009 @ 9:39 umaga | Tugon

  9. hello ate kengkay^^
    nagpunta ka pala sa thailand?
    harhar. andun din tatay ko ngaun..
    sabi nga daw, ang aanghang ng pagkain..
    nakakamiss daw ang jollibee,corn beef at hotdog?

    hai. sarap parin pala talga sa pinas:D

    hehe. nga pala po, link po kita. sayang ngalang
    di ka makapagkoment:D

    Comment ni nadine — Enero 26, 2009 @ 11:24 umaga | Tugon

  10. ganyan din ako sa utol ko nung nasa pinas pa ko.yung tipong gusto ko nang kaltukan kasi ngayon ipapagawa bukas ang deadline.pero kakamiss. :p

    Comment ni flamindevil — Enero 26, 2009 @ 4:15 hapon | Tugon

  11. wahahaha..walang takas pag matalino ang ate..at may tiwala sya na kayang kaya mo ung assignment nya..yown!

    namis ko tuloy ang assignment na lagi kong kinokopya sa katabi ko..:)

    Comment ni khzr4u — Enero 28, 2009 @ 8:35 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers