ano be, meron din palang akyat bahay dito sa alemanya! lintek.
kahapon ng hapon. si kengkay at si bunsoy e mag-grocery. inabot ako ng ilang pawis minuto sa paglabas ng kotse sa garahe. kasi ba naman si kengkoy basta na lang hinambalang yung kotse, kainis.
tapos na stress pa ako kasi nakita ko ang isang grupo ng mga teen-agers na naglalaro ng football sa kalsada. gusto kong sabihin sa kanila na bilisan nila lakad at baka pati sila e mahagip ng kotse. aba ang ginawa ba naman e tumambay mismo sa harap ng garahe nung kapitbahay namin. at dun sa kalye mismo naglaro ng bola!
finally, nalabas ko rin ang kotse. nag grocery kami ni bunsoy. yung mga teen agers asa kalsada pa rin. makalipas ang tatlumpung minuto bumalik kami ni bunsoy. labas agad ang kengkoy, oo, asa bahay sya. mainit ulo at sabay sabing ‘naku, kaalis lang ng mga pulis.’
huh, sabi ko, baket! kasi daw habang asa loob sya ng bahay nung umalis kami e may narinig syang kumakaluskos sa bubungan namin, at sa may garahe. pagkita daw nya e mga teen agers sa bubungan ng bahay namin! tinawagan agad nya ang mga pulis. nung narinig nung mga teen agers na may tao sa bahay, nagtakbuhan! pero may nahuli si kengkoy na isa. alam nyo kung bakit nahuli? kasi andun sa bubungan at nagtatago! siguro nalamigan na. hindi na makatiis sa pagkakadapa nya sa bubong.
tapos nakita ni kengkoy na may mga mga dalawa pang tumalon sa mga gates ng kabilang bahay. ano ba naman yon. nung dumating ang mga pulis, wala na ang mga mokong. pati yung nahuli ni kengkoy e nakawala kasi nga nabulabog si kengkoy nung narinig nyang may mga naiwan pa. sabi ng mga pulis naglalaro lang daw yung mga yun. kasi yung bola e andun pa rin sa garahe namin.
pero sabi naman ni kengkoy e kunyari lang yon na may bola sila. hindi naman daw naka-akyat yung bola sa bubong namin e. dinala mismo yun at kunyari naglalaro sila. kasi nga alam nung mga mokong na umalis ako kasama si bunsoy. akala siguro nila e may mahihita sila dun habang wala kami. atsaka usually kapag may mga gustong kumuha ng bola sa hardin, nagdodoorbell at nagpapasintabi talaga e. pero sila, wiz…
alas tres ng hapon yon ha. maliwanag pa. pero sa totoo lang, walang ibang witness! ganyan ka tahimik dito sa baryo namin. kaya dito mas maraming nakawan kapag maliwanag kasi nga walang tao halos mga bahay, hay buhay! mabuti na lang nung araw na yon e sarado yung mga bintana sa bubong namin. e madalas kasi iniiwan naming bukas yon e.
hanggang kagabi e nag aabang si kengkoy ng kaluskos. kasi yung bola e andito pa rin sa hardin namin, gusto nyang mahuli ang mga mokong. medyo ingat din ako kasi baka may gawing malaswa ang mga lintek in revenge. hay buhay nga naman oo!



grabe na rin pala dyan kengks, ano? akalain mong pati sa alemanya e may akyat bahay din pala? buti na lang at andun si kengkoy, kung wala, naku sigurado ako na may nawala na dyan sa inyo…
kengkay: mabuti kung nawala, ang mahirap dyan minsan nangsisira talaga ng bahay ng may bahay. ang mahal pa naman ng trabahador dito, waaaa
Comment ni payatot — Enero 30, 2009 @ 7:50 umaga |
hehehe, tao pa rin mga yan ms kengkay, kapag nagagahol kelangan pa ring dumiskarte… nwei, sabi nga nila, di bale nang manakawan wag lang masunugan. be thankful dat safe kayong lahat!
kengkay: mabuti kamo kung kailangan nila e. sa tingin namin eto yung mga gumagawa ng kalokohan dahil lang sa merong nagsulsol sa kanila, yung tipong kaya nating gawin yan. ganun lang ba.
Comment ni yhen — Enero 30, 2009 @ 9:31 umaga |
akala ko dito lang meron nyan pati pala sa alemanya! grabe na talaga to! hanggat may tao yata may kasamaan na nangyayari.
kapag nahuli isasagot “tao lang po, nagkakasala!”
kengkay: sabi ko nga, mukhang yung ginawa nila e parang dare lang ba. sa kanila laro laro lang pero sempre sa may may ari ng bahay iba ang dating ng ganyan. alam mo bang hindi ko makita ang URL mo? di tuloy kita madalaw
Comment ni ELIment — Enero 30, 2009 @ 9:36 umaga |
natakot ako doon for you. sana naman eh wag na bumalik. meron din pala mga ganyan dyan…ingat parati!
kengkay: hay mabuti kamo andito si kengkoy ano. kung ako naman, kaya ko yan pero kapag kasama ko mga bata sempre baka ma trauma din sila ano
Comment ni nina — Enero 30, 2009 @ 10:14 umaga |
ingat lang kayo dyan ms. kengks’
kengkay: salamat, ganyan na nga talaga ang gagawin namin, mag ingat
Comment ni sandi martin — Enero 30, 2009 @ 11:28 umaga |
grave ha! scary pero buti na lang nandyan si daddy kengkoy eh no? sayang at nakawala pa ang isa..!! tsk tsk!
kengkay: sayang nga e. ayan, nagpapatrolya tuloy sa gabi itong si kengkoy
Comment ni Cindyrella — Enero 30, 2009 @ 11:56 umaga |
sabi nga, kahit saang gubat may ahas. hehe
ingat kau lagi ate kengs.
ngaun nlng ulit ako nkabalik. hehe
kengkay: tunay ka dyan. kahit malamig dito may ahas na nabubuhay! salamat sa pagbalik, ako di pa rin makaiwan ng comment sa blog mo, waaa
Comment ni Joffred — Enero 30, 2009 @ 2:16 hapon |
Hello Kengkay,
Tutuo yan, may akyat-bahay rin dito. Marami nga e. May alam akong bahay dito sa amin na naakyat kasi walang tao. Hindi na puwede na basta na lang iiwan yong bahay na hindi nakakandado yong pintuan o nakasarado ang mga bintana. Kahit saang bansa, meron, kaya ingat-ingat na lang tayo talaga.
Have a great week!
kengkay: ay tama ka dyan. mas maraming akyat bahay dito kapag summer kapag nakabukas lahat ng bintana
Comment ni Sofie — Enero 30, 2009 @ 4:51 hapon |
I’m thankful na walang nangyari sa inyo. kung hindi! Sugod mga kapatid!
kengkay: ahehehe, si kengkoy nga lang sumugod e takbuhan na ang mga balahura. pero mas maganda kung bayanihan ang sugod
Comment ni Callcenterguy — Enero 30, 2009 @ 5:34 hapon |
leche namang akyat bahay yan! na-alala ko tuloy yong mga Akyat Bahay sa balay ko in Pasig! http://reynaelena.com/2008/06/13/akyat-bahay-gucci-gang/
kengkay: ahahaha, ibang klase naman nya, social climbing naman tawag dyan
Comment ni reyna elena — Enero 30, 2009 @ 6:23 hapon |
hay naku kahit saan na talaga yata yan…sa italy dami din nyan! yung kapitbahay namin sinaid lahat ng alahas iniwan lang yung mga perlas..badluck daw kasi yun sa mga gypsies..
kengkay: may bad luck pa silang alam dyan e mas bad luck yung pagnanakaw nila, kainis, hahaha
Comment ni p0kw4ng — Enero 30, 2009 @ 8:59 hapon |
hay wala na atang safe na place ngayon. kahet san may mga balahura. ingat kayo dyan mami kengks.
kengkay: tama ka dyan, dapat maging vigilant talaga
Comment ni joycee — Enero 30, 2009 @ 9:59 hapon |
naku, dito rin sa spain may mga akyat bahay. yung kaibigan ko ngang espanyol na-sampolan e! nanakawan rin siya. ang sama pa, puro mga negro ang akyat-bahay dito sa spain.
kengkay: nung andyan kami nung 2006 sa may calpe, sinasabihan kami na mag ingat sa pagpark ng kotse kasi dami daw naglipanang mga taga east oyropa na mga bandito
Comment ni pinoyonlinenovels — Enero 30, 2009 @ 11:26 hapon |
gosh, ang hirap na talaga ng buhay kaya kahit saang panig ng mundo ay mayroong mga akyat-bahay! ingat kayo girl!
kengkay: tenks, akalain mo bang dito ko yan ma experience
Comment ni Snow — Enero 31, 2009 @ 2:21 umaga |
nakiraan lang po,. pero hindi ako hahara hara sa gate nyu ayoko masagasaan hehe. baka nga naman naglalaro lang aheheh! (magtanga tangahan ba!) Naku sa panahon ngayun! pati dyaryo yata eh ninenenoks na! ingats nalan po!!
brooooommmmmmm!! (arangkada kasakay si bunsoy nya) ahehe
kengkay: hanu ba, pati dyaryo! over sa sobra naman na yan, hehe. at tama ka, tumabi tabi ka at baka mamatay mga kuko mo sa paa, hehehe. salamat sa pagdaan
Comment ni bonistation — Enero 31, 2009 @ 2:47 umaga |
grabe, wala pala talagang ligtas na lugar talaga. hay. kunsabagay, dito sa canada may snatcher, rapist, holdaper din…di ko din inakala…
ingat na lang….
kengkay: minsan dala na rin kasi ng kahirapan pero hindi dapat maging dahilan yon para maging masama, di ba
Comment ni mousmous — Enero 31, 2009 @ 3:14 umaga |
laganap na ang kasamaan! ACTIVATE POWER RANGERS PINK! lol
kengkay: hindi yan idol ng mga little kengkays e, mas bilib sila sa power ni pippi longstockings,heheh
Comment ni jeniffer — Enero 31, 2009 @ 6:55 umaga |
diyan ako takot, mommy k. di bale nalang sana kung gamit lang ang mawala eh. pero kung ayun na nga’t may gawing masama. sos. dito pa naman sa GB napaka twisted ng laws. sos.
kengkay: hay preho lang tayo. oks lang yung gamit pero yung gawan pa ng kagaguhan yung mga bahay, yun naman ang iba na talaga
Comment ni utakmunggo — Enero 31, 2009 @ 7:10 umaga |
it goes to show na ang buong mundo ay naghihikahos… at nagkakasira-sira na ang ulo. ingat mami bechay. handaan nyo na ng dos por dos yan
kengkay: marami kaming dos por dos, hindi ko nga lang mabuhat, hehe
Comment ni Pilar — Enero 31, 2009 @ 7:42 umaga |
at ako’y naligaw ate kengks!
sorry
kengkay: wahehe, napansin ko nga
Comment ni Pilar — Enero 31, 2009 @ 7:45 umaga |
bakit kaya dimo makita?
pero salamat at nahanap mo ako.
Comment ni eli — Pebrero 1, 2009 @ 2:51 umaga |
aha…nakita ko yong name ko sa link. salamat po sa pag-add. nasa link narin kita (noon pa hehe).
Comment ni eli — Pebrero 1, 2009 @ 2:53 umaga |
alam mo ate madalas gang umalis ang mister ko papuntang mga project niya sa kabilang county o state kaya ako nagpa-training at practice ng loading at re-loading ng shotgun. ayun sabi niya kapag darating daw siya ng gabi na at nasa kwarto na kami ay sisigaw daw sya na siya iyon para hindi ko raw kasahin ang shotgun. hehehe.
Comment ni Mahalia — Pebrero 3, 2009 @ 3:20 hapon |