Kwentong Kengkay

Enero 26, 2009

deri krim

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 9:52 umaga

medyo OA pero totoo sya ha. kapag umalis ka ng Pinas, ang unang mamimiss mo talaga e ang pagkain. pramis!

nung asa thailand ako, medyo hindi ko sya na miss dahil ang sarap ng thai food. pero paminsan minsan, lalo na kapag may naamoy akong nagluluto ng corned beef, hay, super miss ko ang pinoy food. pero dahil may pinoy resto naman sa thailand, okay lang din. hindi nakakaiyak :D

pero nung andito na ako sa alemanya? yun ang medyo nakakalupasay na, kasi kahit na yung mga thai restaurants dito e hindi lasang thai. kasi ang may ari e kundi vietnamese e chinese. pero sempre, may mga asia shops naman dito na pwedeng bilhan ng mga pang sahog.

ang hindi ko lang matake, wala silang deri krim! waaa. super miss ko na ang deri krim. may mga butter naman sila dito pero walang lasa. ang deri krim kasi may konting asim na nakakamiss. pero alam ninyo? nung nagpunta kami sa pransya para magbakasyon? aba, dun ako nakakita ng tunay na lasa ng deri krim! kaya naman nagbitbit ako ng mga ilang piraso nung papauwi na kami ng alemanya.

sempre ilang oras ang biyahe, hindi ba kanyo natunaw? sempre hindi. kasi may dala kaming parating cool box na naka saksak ang baterya sa kotse. o de bah, girl scout yata ako. basta sa pagkain, hehehe

img_0232at kapag may magbiyahe papalapit sa border ng pransya e nagpapabili talaga ako ng deri krim ng pransya. pero ngayong winter sempre sino ba naman magtiyagang magbiyahe? mabuti na lang may na discover akong mala deri krim din dito sa alemanya. eto ang kanyang pektur:

ang kyut di ba? nabasa ko lang na gesalzen (may asin) kaya sabi ko, aba, deri krim ala alemanya na ito sigurado. ayan na nga. natupad ang aking pangarap.

nagkaron na rin ng deri krim dito sa alemanya. pwede na ulit akong magpalit ng bagong pangarap, hehehe

kaya ngayon ang baon ng mga little kengkays? tinapay na may palamang deri krim. yun lang. simple lang naman gusto namin e, :D

kayong mga asa abroad, anong pagkain ang miss ninyo sa pinas?

Enero 25, 2009

taga-gawa ng assignment

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:25 hapon

busy si kengkay.

nagpapatulong si utol sa assignment nya.

kahit pala ang layo ko e hindi ako nakatakas ano? heheh

binigay nya sa kin yung assignment nung biyernes. at nung biyernes na yon e wala kami sa bahay ng buong araw. at nung sabado e naglinis kami ng bahay. at ngayong linggo e mayron akong buong araw na gymnastics training.

binuksan ko email ko ngayong alas otso ng gabi. bago daw matapos ang lunes sa pinas, yun ang deadline.

medyo, hindi naman demanding ano? kaya naman eto si kengkay. maglalamay para matapos ang assigment ni utol. baka ako pa dahilan kung bakit sya bumagsak di ba?

pero etot nagpumilit rin magblog para lang i share sa inyo ang buhay ng isang ateng mabait, hehehe

Enero 24, 2009

kamote laban sa dengue?

Filed under: Seryus,Tips — kengkay @ 1:17 hapon

isa itong repost dahil dun sa istorya tungkol sa isang blogger — ang kanyang asawa at anak ay naisugod sa ospital dahil sa dengue. sana maging okay na ang lahat sa inyo, fatherblogger.

Kung totoo man ito, at sana nga ay totoo – ang kamote lang pala ang sagot para sa sakit na dengue? Paki basa na lang itong forwarded email na ito na kung meron mang makakapagpatotoo e sana lang mag-iwan ng komento dito sa aking blog.

There is hope that the dengue scourge will be obliterated. I was in a meeting in Manila recently with other Napolcom officials. While waiting for my flight back to Cebu, I happened to talk with friends. The conversation eventually turned to dengue. Some of their statements shocked me. I called up the persons concerned and they confirmed these revelations.

Computer technician Wenceslao Salesale Jr., 27, was downed by dengue. His platelet count plunged from 180 to 80. He was rushed by ambulance from Novaliches to Manila . Inside the ambulance, a relative, acting upon the advice of a missionary priest, made him drink soup made from camote tops. The following day, his platelet count became normal. Dengue attacked the 7-year-old daughter of engineers Mar and Lita Budlongan of Kaloocan City . Her platelet count read 80. The same treatment was used. The following day she was back to normal.

The 15-year-old daughter of businessman Nepomuceno Salaga of Sampaloc, Manila had a dangerous platelet count of 80 due to dengue. The same treatment was followed. The following day she was back in school.

I asked a doctor of medicine about herbal cures and he said that many, if not most, medicines come from plants. He also said that under the Hippocratic Oath, doctors are bound encourage anything that can cure a patient.

Research

We need not do research deep in the rainforests of the Amazon or venture into the ocean depths in search of the elusive cure for dengue. It is right there in the backyard.
(may karugtong…)

Enero 23, 2009

ang aming isdaan

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 7:10 hapon

ayan ang aming isdaan sa likod ng bahay (fish pond o malaking aquarium) nitong nakaraang linggo.

kawawa naman di ba? napuno ng snow. sa tingin nyo kaya e buhay pa yung mag second babies ng aking si kengkoy na mga koi na isda? ewan ko. yan din tanong sa akin ni kengkoy nung nakita nyang napuno talaga ng snow e.

sabi nya na medyo nanginginig-nginig na sa takot ‘mabuhay kaya ang mga isda? sa tingin mo?’

e ano naman sasabihin ko nung nagbe-breakdown na itong si kengkoy. di sabi ko oo naman, am sure! kahit na hindi ako sure! mahal kasi ang kois dito. tapos ang tagal din bago sila lumaki. nung 2001, sa sobrang tutok nya sa panganay namin e nalimutan nya ang mga isda nya.

ayun, napansin na lang namin na lumulutang na lang sila pagkatapos nung natunaw ang snow. dedong na sila. ang kawawang kengkoy. sinubukan ba namang ibalik yung mga isda sa ilalim ng tubig at baka daw mabuhay ulit, waaa. ayaw na nya maulit yon. kasi yung apat na malalaking isda ang nawala e, between 8-12 years nyang pinalaki. at ang gaganda pa naman ng kulay nila. pwedeng isali sa koi beauty contest dito sa alemanya.

ang laki pa naman ng premyo sa mga beauty contest ng kois na isda dito, hehe. malaking biznes yan talaga, pramis.

pero alam nyo, swerte naman kasi buhay ang mga isda nung natunaw ang snow kahapon. yehey! bakit kanyo may harang yang aming pond? kasi ayaw naming gawing swimming pool yan ng mga bata e. safety first :D

Enero 22, 2009

kaponpal na blogger

Filed under: Mabait ang Pinoy — kengkay @ 2:48 hapon

natuwa naman ako kasi may tumawag sa akin kahapon

si p0kw4ng, ang babaeng kakatawid lang ng tulay mula italya at ngayon e kapitbahay ko na :D welkam sa alemanya dir!

sempre alam ko ng tatawag sya sa akin kasi nangalabit na sya e. ano ba daw telepon namber ko. easy to get naman ako, binigay ko sa kanya. hindi ko nga lang mabigay yung cell ko kasi hindi ko maalala yung number ko, hehehe

so kahapon. aba, nag ring ang aming telepono. ang nasakabilang linya ang sigaw agad e ‘kengkay!’ e ako naman, sabi ko agad ko, huyyyy!! naks, parang alam ko agad kung sino yung tumawag ano, hahaha. pero dahil malakas ang ESQ ko, naamoy ko agad na si p0kw4ng ang asa kabilang linya. chikahan kami. bistuhan. kulitan. feeling matagal na magkaibigan. matalanang mga ilang buwan pa lang kami nagkokomentan sa blogs namin.

iba talaga ang dating ng blogging ano? tulad ni sofie. isa pa yan sa kaponpal ko. tumawag sya sa king nung isang araw na down na down ang kakengkayan ko. at dahil sa kanya e naging up ako. hindi ko yon malilimutan. at ang masarap non, kapag tumatawag sya sa akin e magandang sorpresa parati sa akin, sarap ba naman ng chismisan namin e. pinaguusapan namin yung mga taong hindi naman namin kilala pero nagkakaintindihan kami. o de vah! at marami na ring akong naging kaponpal na bloggers talaga, pramis enjoy ako :D tahimik kasi telepono namin dito e. mas marami pang kaponpal mga little kengkays kesa sa nanay nila, waaa

kakatuwa talaga ang maging kaponpal ang mga kablogs. nung umuwi ako ng pinas nitong 2008, binigay ko sa madlang pipol ang aking cell pon sa pinas, aba, ang daming nangulet. yung iba nga yata hindi ko talaga kablog pero nakikulit din, hahaha. pero dahil game naman si ako, ayun, nakikulet din. ang masaya pa nito, biglang may susundo na lang sa akin sa hotel. gimik daw kami kasi andun na daw sila sa baba. antay naman ako sa baba. kahit hindi ko pa sila nakikita at kahit hindi pa nila ako nakikita, sapul parati. ‘kengkay?’ sagot ako agad ng ‘uu’ — walang sablay yan.parang may sariling antenna yata ang bloggers kapag kita kits e. kapag EB ba.

may mga taong ako naman ang nangulit sa telepono. pero lahat sila ang baet baet. kung saan saan kami na invite. kahit naliligaw kami e punta pa rin kami. kaya naman nung umuwi kami dito ang sabi ni kengkoy ‘bakit daw parang araw araw yata kaming lumalabas nitong nakaraang bakasyon.’ hindi nya alam dahil yon sa walang katapusang EB, hehehe

kung gusto nyong makita ang EB namin? halungkatin dito sa aking blog, basta may EB, yun na yun, hehehe

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers