Kwentong Kengkay

Pebrero 26, 2009

I, Glesy the great, Solemnly Swear?

Filed under: Kaibigan,Panlasa — kengkay @ 6:30 hapon

Eto na naman po ako… sabi kasi ni ate kengkay dalawang post daw ang gawin ko… kung di nyo pa po alam eh si ate kengkay ang unang nagwelcome sakin sa wordpress kaya sobrang malakas sakin tong babaeng to… kaya naman I am deeply humbled nung i-request nyang magpost ako sa blog nya… salamat talaga at its my pleasure talaga… yours truly, Glesy the Great
Cheers;p

Sabi sakin ni Ate Kengkay gawa naman daw ako ng entry na kung gusto ko raw bang rumampa ng naka-white gown habang tumutugtog ang “Here Comes the Bride” at ang sasalubong sakin eh mestisong bangus at hindi kayumangging badjao, 6 ft tall at hindi kinulang sa ruler ang height, ilong na parang tore at hindi parang manas lang… in short gusto ko daw bang mag-asawa ng foreigner… eto talaga si ate kengkay magabakasyon na nga lang gusto pa ng chismix… well, teka lang ha i-oon ko lang ang kalandian moment ko… Pindot… Tooooooot… sabay ilaw ng start…. 3, 2, 1… GAME!!! …

Sa totoo lang ayaw ko sa mga foreigner… pero ibang usapan na kung nanghiram ng mukha kay brad pitt… WHY NOT!!! willing akong pagbigyan siya, mag-adjust at magtry ng putahe sa ibang kalupaan…nyahaha… pero ako eh taong paiba-iba ang marathon ng utak.. minsan kahit dead-end tinatalon ko kaya may possibility na mag-kapalit-palit ang turnilyo ko kung gusto ko nga bang mag-asawa ng foreigner…

Bakit ayaw ko sa foreigner? Unang-una sa lahat eh cultural differences… Siyempre babae ako, malamang sa ibang bansa kami titira… eh ayaw ko nun gusto ko pa rin dito sa lupain ng mga barong tagalog at jologs… isa pa, ewan ko ba… sorry sa lahat ng foreigners at may asawang foreigner (sorry ate kengkay) pero feeling ko kasi pag pinagpawisan ang mga foreigner mejo makamandag at nanunuklaw ang amoy… hindi ko alam kung bakit basta ganun ang feeling ko… nasabi ko na bang weakness ko ang lalaking mabango? may certain na amoy na swak na swak sakin… yung tipong lahat ng buhok ko sa ilong eh kukulot pag naamoy ko yun (parang nangingisay lang eh noh?)… pramis minsan maamoy ko lang pwede ng malaglag ang dapat malaglag na lahat-lahat sa akin…hindi lang basta-bastang laglag may kasama pa yang kalabog, kidlat, ipo-ipo at usok… nyahaha…
(may karugtong…)

Pebrero 24, 2009

mayordoma ni kengkay

Filed under: Kaibigan,Pinas — kengkay @ 6:33 hapon

Toktok, Tao po… Glesy the Great coming in….

Hi to all readers ni Ate Kengkay…

Ako daw po muna ang caretaker aka mayor doma ng blog ni Ate Kengkay…Kwento ko naman to.. ako po si Glesy the Great at your service, bowing splendidly sa inyong lahat… cheers;p

Sabi ni Ate Kengkay gawa daw ako ng post sa kung ano ang tingin ko sa mga banyaga… Hmmm.. napaisip ako… siguro di lang ako yung katulad ng iba na kung maka-idolo sa mga imported na tao eh abot hanggang sakong ng paa ang bow … hindi rin ako yung tipo ng tao na hiniling na pinanganak ako sa lupain ng mga de kolores ang kulay ng mata, mukhang inagua oxenada ang buhok, at mukhang bangus sa kaputian na may connect the dots na mga pekas… wala akong galit sa mga foreigner, ang ibig ko lang sabihin eh di ako naki-uso na maging ultimate dream ang maging imported kahit dati akong adik sa sesame streets at garfield… galit lang ako sa mga taong parang nilagay lang sa lunch box ang pagiging Pilipino, ibinalot sa tissue dinagdagan ng sawsawan tapos pinamigay sa kaklase…

Di ko maimagine na icon ng country ko si Uncle Sam imbes na si Juan dela Cruz, na umiinom ako ng tsaa imbes na sago-gulaman, na bida ng national history si Adolf Hitler at hindi si Jose Rizal… parang maninibago siguro ako pag wala akong makita na jeep sa kalsada na ang mga driver eh mas malakas pa ang scented essence ng katawan kesa sa mga sampaguita na sinasabit nila… na hindi ko na matitikman sa umaga ang taho na 5 piso isang tasa o kaya pandesal na parang laging diminishing returns taon-taon dahil sa papaliit na papaliit ang laki, na hindi na ako makakabili ng tusok-tusok na fishball at kikiam sa mga tindahang de-gulong at wala ng halo-halong tinda sa kanto tuwing summer na kung hindi kulang sa gatas eh kulang sa sahog… na wala ng puto bumbong at bibingka tuwing simbang gabi… na ang itsura ng flag ko eh mukhang siopao o kaya parang constellation sa dami ng stars… siguro dahil dito na ako lumaki sa Perlas ng Silanganan at tumigas ang ulo, kaya para sakin wala pa ring tatalo sa genuine article ka-pinoyan kesa sa mga wannabe a foreigner outlook in life…
(may karugtong…)

Pebrero 22, 2009

schluss, ende

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 7:03 hapon

yan ang sinasabi ng aking dating sundalo na papa in law kapag naiiwan sya ng mensahe sa aming answering machine. ganyan kasi sila dati kapag dinidismiss sa kanilang duty.

schluss = tapos na
ende = katapusan

yan din muna ang sasabihin ko sa inyo. schluss, ende.

punta muna kami dito.

pero darating ang aking mayordoma para maglinis, heheeh

Pebrero 21, 2009

tililing

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko — kengkay @ 7:01 hapon
Tags:

naalala nyo na kapag recess sa eskwela ay nagriring ang bell di ba?

tapos takbuhan na ang mga bata palabas ng mga classrooms papunta na ng kantina o kaya naman magpakyut muna sa harap ng salamin sa loob ng toilet.

yung mga may baon bitbit na yun at hahanap na ng pwesto. yung iba naman sa kantina muna pipila para makabili ng sandwich o ng champorado. ang parati kong baon dati? pandesal na may palamang hotdog :D o kaya naman pandesal na may palamang itlog.

kayo ano baon nyo dati sa eskwela?

e bakit daw tililing ang taytol ng post ko ngayon? kasi ipapakita ko sa inyo ang aming tililing sa bahay. ayan sya sa baba o.

yan ang nagiingay kapag luto na ang aming pagkain. kapag tumililing na yan, takbuhan na ang mga little kengkays sa kusina. kahit ano pang ginagawa nila. pero sempre, daan muna sila sa bathroom para maghugas ng kamay. ganyan sila kasinop. at sempre pagkatapos kumain, hugas ulit ng kamay. at kapag napansin nilang hindi naghugas ng kamay yung mga kasabay nilang kumain? naku, ibibisto kayo talaga, at hihilahin kayo talaga sa bathroom para maghugas ng kamay :D

Pebrero 20, 2009

hippie si kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:51 hapon
Tags: ,

feb209-002hehehe, ang kyut ko talaga :) walang aangal, blog ko to.

ayan, isang hippie si kengkay.

halata bang nahuhulog ang pantalon ko? hehehe. partida pa yan. nung nag check ako sa internet kung ano pang accessories na dapat kong itatak sa sarili ko para maging tunay na hippie ako e nalaman kong yung costume na suot ko pala e pang bata lang sya, waaa.

well, enjoy ang party. gusto sumama ng mga little kengkays kaso sempre hindi porker gurl sila e pwede na sila sumama. sabi ko kapag malaki na sila, pwede na sila mag party. mabuti kanyo at hindi nagwala nung sinabi kong sa bahay lang esp since naka costume na rin sila :)

alam nyo bang sa lamig ng minus degrees e ang daming seksing babae na nakapila sa labas? as in… e ako nga na naka pantalon nilamig na, tapos nagkasya pa kaming mag antay sa loob. yung iba asa labas talaga. pila din kami, excited masyado yung kasama kong italian kasi pers taym nyang sumama sa ganyan.

pero sa totoo lang, nung binuksan yung gate nung gym? aray, puno agad sya ng isang iglap. mula 15 to 80 years old na babae, makikita nyo dun. mahihiya ka nga dun sa mga kasama namin sa lamesa na mga 75 years old kasi hindi talaga sila umuupo kapag may musik. dance to death talaga. whew!

masaya, masarap, walang kill joy. lahat naka costume. papangitan, pagandahan, paseksihan, pakembotan, pamachohan. walang pake-alamanan, basta everybody happy. sayaw kahit papano. apakan ng paa, patayan ng kuko, hahaha. walang naiiwang nakaupo. lahat sayaw. puno ang dance floor. punong puno talaga, dami ngang tao nakatayo na lang e.

eto pinakamasarap na sayawan, yung tinatawag nilang schunkeln. yung nakaupo kayo tapos nag sway kayo na kabit kabit ang iyong mga kamay. tapos merong tatayo, uupo, tatayo, uupo. basta sway sway pa rin, tapos tatayo kayong lahat mismo sa silya, tapos sway sway ulit kayo, malas na lang kung lasheng na kasi daming nahuhulog, hahaha. tiwalag agad sila sa schunkeln :D

ganito itsura nung gym kagabi (litrato sa baba). kaninang umaga ko yan kinuha. si panganay ko naman ang may party sa eskwela at dun sa mismong gym kung saan ako nagparty kagabi din nila ginanap.

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers