alam nyo bang kapag umuuwi ako ng pinas e nagbibitbit ako ng mga musikang pinoy? sila ang pang regalo ko sa mga kaibigan at kamag anak ko dito sa alemanya. pero aaminin ko, mas marami akong binibili na pang bahay namin. lalo na yung mga CDs na pang masa talaga.
yung tipong parati naming naririnig sa pinas. yung tipong parati kong naririnig na kinakanta ng kapitbahay namin. yung tipong parating nakasalang sa mga videoke bars sa kanto. yung tipong alam ng lahat ng mga tsikiting ang kembot para isayaw ang mga kantang iyon. yung tipong matitililing ka na dahil parati mo na lang sya naririnig.
yung tipong bigla ka na lang ma ko-konvert kasi naging type mo na rin pala yung kantang yun, at alam mo na rin kung papano ikembot ang matigas mong katawan dahil saulado mo na rin yung steps nya, hahaha! unang nakahirit ako dyan e yung the best of VST and Co. yung kaibigan ko ba naman e pinatugtog sa kotse nya nung isang araw na nagbakasyon ako sa pinas. edi sabi ko, waaa, gusto ko ng ganyan. o yan, naawa sa kin. binigay sa kin, hehehe
tapos nagtanong yung isang kaututang dila ko, ano daw gusto ko iuwi sa alemanya – sabi ko libro o musika. ayun, binigyan ako ng side A at ng eraserheads ;D pero sempre nung nagkaisip at nakikembot na rin ang mga little kengkays? nadagdagan ang aming music genre. mas lalong naging pang masa! nag request ba naman ng kantang ispaghetti pataas at pababa! sino mang makakalimot sa otso otso? at kung ano ano pang mga kanta na pinasikat ng eat bulaga at ng kung anong noon time shows. edi sempre nalaman na rin nila kung ano ang sayaw nun.
mababaliw ako kapag nakikita kong nagkakandirit ang mga little kengkays, sa totoo lang. sabi ko, parang kilala ko yata ang nanay ng mga batang ito, hahaha. sempre nung sumikat si arnel pineda e may i buy din ako ng CD nya kahit na hindi naman ako fan ng journey talaga. pang suporta lang talaga sa pinoy musik.
at nung nakasalamuha ko sa blogging si chuckie dreyfus, edi buy din ako ng mga CDs na meron syang composed na kanta. tulad nitong appear disappear. at dahil nakipagEB sya, bitbit ko ang mga CDs at pina-otograp ko sa kanya, hehe. hindi ako nahiya. ano be, e nakipag posing posing nga kami sa tabi nya tapos mahiya pa akong magpa-otograp!
ano naman daw ang usong kanta na may kembot ngayon sa pinas? hindi ako makapagintay kung anong klaseng CD na naman ang aking bitbitin papunta dito sa alemanya! ang kyut ng CD collection ko di ba? hehehe



di ako masyadong mahilig bumili ng mga cd pero mahilig ako sa mga songs..iba’t ibang genre..puro may i nakaw lang,hihihi
kengkay: ayaw takot ako ng ganyan, hahaha
Comment ni p0kw4ng — Pebrero 2, 2009 @ 6:14 hapon |
Hindi ko din alam kung anong mga bagong Pinoy novelty songs ngayon. Hindi na kasi ako masyadong nakakapanood masyado ng Wowowee sa TFC. *LOLz*
kengkay: wala yatang TFC dito sa alemanya e
Comment ni The Gasoline Dude — Pebrero 2, 2009 @ 9:08 hapon |
Ate, lagi ko naririnig sa mga kanto ngayon ang “sabay sabay tayo” ni marian rivera. May dance album na kasi sya… eto ata ang video, sana magload (ayaw kasi sa kin)– http://www.pinoychannel.tv/watch/v-100197
aside from that, di ko na alam. di rin ako nakakanood masyado ng noontime shows.
kengkay: uy salamat sa tip, haha. panoorin ko rin ang video para alam namin kung papano ang sayaw, hehe. updated na kami, wohooo
Comment ni ness — Pebrero 2, 2009 @ 11:50 hapon |
Puro yata yung mga songs ni willie ang naririnig ko sa mga bata sa may kanto namin eh, lao na yung “Igiling-giling” ba yun?
kengkay: uy, bago yang igiling giling na yan ha. mahanap nga sa youtube
Comment ni Nortehanon — Pebrero 3, 2009 @ 2:08 umaga |
yeah.. medyo wala pang bagong labas na novelty songs lately dito sa pinas mami kengks.. pero yan si amrian nga naglabas ng dance album..pero hndi msyadong pambata eh..hehe
kengkay: mapanood nga si marian at baka may tip na bago, hehe
Comment ni neto — Pebrero 3, 2009 @ 5:02 umaga |
hmm kahit paano rin pala me tumatangkilik pa din gn Pinoy Novelty songs. na ito na lang ang buhay sa industry ng recording na puro lumang kanta na version lang ng mga bagong diva daw o yung mga nanalo sa kontes….
kengkay: hahaha, oo naman, mas madaling matuto ng tagalog ang mga little kengkays dahil sa mga kantang paulit ulit
Comment ni empress — Pebrero 3, 2009 @ 5:08 umaga |
magdownload ka nalang ms kengkay. hehe! nagturo daw bang mamirata…. hehe!
kengkay: hindi ako marunong mag download e, hehe
Comment ni yhen — Pebrero 3, 2009 @ 5:45 umaga |
hala ka kenks yung otso otso kay willie yun lol katapat ng ispageti yun hehe naalala ko ang panganay ko nong 12 months pa sya nakow sumasayaw ng ispageti
kengkay: ayan di ba? gustong gusto ng mga bata
Comment ni scart — Pebrero 3, 2009 @ 6:25 umaga |
eto ang bilin mo
sabay tayo ni marian rivera
panalo yan
sobra
hehe
kengkay: hahaha, ayan ikaw pala ang updated e
Comment ni raft3r — Pebrero 3, 2009 @ 8:31 umaga |
marekoy, musta na you? buti ka pa may nakaEB at sikat pa. ako walang nakaEB sa pinas dahil hinde magtugma ang sched. pero masaya naman bakasyon namin at talagang nag-enjoy kami. nagdala din ako ng mga kantang pinoy pabalik dito, may nabili akong mp3 collection kaya kahit isang cd lang siya ay marami ng kanta.
kengkay: aba, at sarap naman ng bakasyonista! sayang wala kang naka EB ano? di bale at nag enjoy naman kayong pamilya. makapunta nga sa bahay mo at am sure daming pictures
Comment ni madbong — Pebrero 3, 2009 @ 9:48 umaga |
abay nakipag EB pa talaga no at may autograph pa! ang galing!
kengkay: palakasan lang ng loob ;D
Comment ni Cindyrella — Pebrero 3, 2009 @ 11:26 umaga |
hello kengks, di ko pa nababasa tong post mo na to..babalik na lang ako ha, pero ibabalita ko sayo na yung topic mong si mang amador sa australia na natanggal sa paggamit na tabo e nakabalik na raw sa trabaho..ipinalabas sa tv patrol kagabi..nakunsensya ata ang kumpanya..
Comment ni payatot — Pebrero 3, 2009 @ 1:16 hapon |
hehe di ako sanay bumili ng mga cds, download lang ng download nyahaha. hanggaling galing siguro ng mga bebe kengkays sumayaw noh! hangkyuuut!
namiss ko tuloy di kuya chuckster; lalu ku tuloy namiss ang WP-Pinoys
Comment ni joycee — Pebrero 3, 2009 @ 2:15 hapon |
misis ko yon, eh
hehe
Comment ni raft3r — Pebrero 3, 2009 @ 9:33 hapon |
wow chuckie dreyfus.haven’t heard of this guy for quite a long time.huling narinig ko sya sa tiyanak pa yata at sa tora tora bang bang.haha
may bagong album si marian rivera,ewan kung kumakanta sya dun,puro sayaw lang yata.
Comment ni flamindevil — Pebrero 5, 2009 @ 10:36 umaga |