Kayo ba ang nakakita na ng gayuma? O nagayuma? O nakagayuma?
Kung oo ang sagot nyo sa kahit na isang tanong ko, pwede paki kwento sa akin, hehe. Interesado ako.
Bakit daw?
Kasi baka peke yung nabili naming gayuma sa Quiapo. hahahaha
Ayan, umamin na tuloy si kengkay. Sempre naman kasali ng mga lakwatsahan, tambayan, inuman, break-ups and falling in love — ang mga kakaibang gimik. At isa ang pamimili ng gayuma sa mga tinatago kong kakakiliting sikreto.
Saan namin binili ang gayuma? Sa Quiapo nga, ano ba. Sa dinami dami ng mga binebenta dun na pamparegla, pang alis ng galis, pampaganda ng kutis, pampaalis ng amoy sa kili kili… may mga natatagong gayuma rin dun.
Pano namin nalaman? Kasi nagtanong kami, hehehehe. Ako ang messenger at yung kaibigan ko ang driver. Punta kami Quiapo. Unang tindera pinaglakuan ako ng pamparegla. Hmpf, porket laki ng tyan ko e akala naman nya buntis na ako
Nagtanong-tanong si kengkay. Yung get away car dahan dahang tumatakbo sa tabi ko.
Dun mismo sa may harapan ng mercury drug, dun ako naka jackpot. Sabi ko kay manang, pabulong pa ha ‘may gayuma po kayo?’ Ekk, tinitigan ako ni manang. Tiningnan mula ulo hanggang sapatos. Sa tingin nya siguro e seryus ako kaya naman may tinawag na mama. Nagbulungan sila. Sabi ni manong, sandali lang po. Kinawayan ko si get away car, sinenyas ko sa kanya na on target kami.
Makalipas ang ilang minuto. May dalang maliit na bote si manong. May lamang kung anong ugat. Sabi ni manang. Ganito daw yon. Kapag bago matulog, lagyan daw ng langis yung ugat. Isulat ang pangalan ng gustong gayumahin sa papel at ilagay sya sa loob ng botelya. Isipin ang pangalan habang patulog. Mga isang buwan daw gawin. Epektib daw yon.
Ngek, kinabahan na si kengkay. Sempre tanong ko na kung magkano. 150 peysos daw. Ekkk, ang mahal naman. Tinawaran ko sempre. Bumigay, 125 peysos na lang. Sabi ni manang, basta hindi mo dito binili yan ha. O kaya sikret natin yan.
Yung get away car umaranggkada na. Sakay agad ako at sabay tapak ng gasolina. brrroommm! Tawa kami ng tawa habang kinukwento kung papano gamitin ang gayuma.
Ganon na nga ginawa namin. Ang kaso dahil pareho kaming chipipay– pinaghatian namin yung pinambayad dun sa gayuma. At sempre dahil hati bayad, hati din kami sa paggamit ng gayuma. Isang linggo sa akin, isang linggo sa kanya. Peace
Pagkatapos nun? Ayaw na kaming pansinin nung mga lalaking sinisinta namin, waaaaa
Sa tingin ko may mali dun sa ginawa namin e. Ano pa nga ba, nalito siguro yung gayuma dahil pinagpalit palitan namin sya linggo linggo, hahahah
Asan na daw ngayon yung gayuma? Dinala ko yon sa Bangkok nung late 90s. Dinekwat nung isang kaibigan kong Pinay na gustong gustong mag asawa. Ayun, hanggang ngayon naghahabol pa rin sya ng lalaki, hehehe.
Sinira namin ang hokus pokus ng gayuma dahil sa kachipan namin, haysss.
Ano daw ang moral lesson nito? Huwag gumamit ng gayuma, masakit lang sa bulsa tapos wala namang bisa
p.s. baka gusto nyong malaman kung papano ko natutong mag drive dito sa alemanya? click
ako ata nagayuma dati..hahaha(LOL) as in.
wow totoo pala talaga yun, kala ko sa tibi ko lang mapapanood yung ganun, sayang nga lang nagwaepek after a while! hehehe..
kengkay: hay ewan ko, pero may nagsasabing totoo daw e
Comment ni nadine — Pebrero 15, 2009 @ 2:38 hapon |
wow. haha..
sayang di niyo na-confirm kung effective yung gayuma.
kengkay: hahaha, na confirm namin na HINDI effective yung gayuma
Comment ni mayui — Pebrero 15, 2009 @ 2:53 hapon |
ms.kengks di ko alam kung anu gagawin kong basa sa entry mo na to. natatawa ako sa mga kakulitan mo/nyo.haha. malamang nga na nalito si gayuma sa ginawa nyong pasa pasa. natatawa ako talaga hahaha. maniwala na lang kamo ang frend mo sa destiny.
kengkay: ayaw nya maniwala na wala syang mapapangasawa sa buhay na eto e. kaya am sure kahit saan sya e dala nya yon
positive thinking, di ba?
Comment ni dencio — Pebrero 15, 2009 @ 4:56 hapon |
akala ko naman epektib na..bibilhin ko kahit na 200,hihihi..hindi naman ako halatang desperada!
malamang hindi nalito ang gayuma..malamang eh naloko kayo,hihihi
kengkay: ewan ko kung magkano na ngayon ang gayuma sa quiapo, more than 10 years na namin binili yun e, hahaha
Comment ni p0kw4ng — Pebrero 15, 2009 @ 5:54 hapon |
Hehe.
Uso pa pala ang gayuma…
kengkay: naku tagal na namin binili yan, nung 80s pa. ewan ko kung meron pa ngayon
Comment ni Den Relojo — Pebrero 15, 2009 @ 8:12 hapon |
haha. nice. nakadotcom ka na. astig.
baka naman kasi tinawaran mo, yung 25 pesos pala yung talagang magpapabisa sa gayumang yon. haha.
*pag may nabalitaan ka pang gayuma, paturo naman. hehe*
kengkay: hmm. hindi ko naisip na nung tumawad ako e medyo nawalan ng bisa yung gayuma
Comment ni aKDa — Pebrero 15, 2009 @ 11:43 hapon |
hehe..hassle naman kasi yung gayuma niyo..dapat yung instant na lang yung binili niyo! yung ipapainom sa sinisinta mo tapos *kulog kidlat* lab ka na niya..
kengkay: meron bang ganun? am sure mas mahal yon, di kakayanin, hehe
Comment ni jem — Pebrero 16, 2009 @ 1:05 umaga |
Gayuma at pamparegla. gandang tandem nyan hehehe.
kengkay: at sa quiapo mo lang yan mabibili
Comment ni iceyelo — Pebrero 16, 2009 @ 1:24 umaga |
nalito nga cguro un gayuma sa inyo..kaya aun sumuko…hehehe
kengkay: sumuko ang gayuma, hahahaha
Comment ni simplefula09 — Pebrero 16, 2009 @ 1:48 umaga |
akala ko pagkabigay seo ng gayuma ee tatakbo ka na ng hindi nagbabayad may get away car pa kasi ee.haha hangkuleeeet!
kengkay: napatakbo ako sa get away car kasi hiyang hiya ako sa sarili ko, hahahaha
Comment ni azul — Pebrero 16, 2009 @ 2:46 umaga |
hmm, hindi kaya nakilala din ng jowalito ko ang tinderang napagbilhan mo ng gayuma. hala…. isip-isip… baka nga!
kengkay: eekk, baka kamag anak , hahahaha
Comment ni enjoy — Pebrero 16, 2009 @ 2:51 umaga |
ako nung grade two, may kaklase ako na nagka-crush sa akin. eh bata pa lang barumbada na ako. gusto ko tantanan niya ako… nag-suggest yung kaklase kong babae na isulat ko raw yung name nung lalake sa isang papel gamit ang red ball pen. mamumula raw mata nun at lalayo sa akin.
sos, ginud tym ako ng kaklase ko – namula nga yung mata kasi may sore eyes pero tuloy pa rin si lalake. inumbag ko, ayon lumayo. hahaha
ayoko manggayuma, nakakakatakot saka mas masarap yung feeling na minahal kasi mahal ka talaga, wala ng maraming eklabu.
belated happy v-day at kengkay!
kengkay: ano ka, nanguumbag ka pala, hahaha.
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 16, 2009 @ 2:53 umaga |
lakas ng trip nyong magkaibigan hehe. di nga siguro epektib yan, syempre kung kayo kayo talaga para sa isa’t-isa.. wehehehe..
kengkay: hay, ang sarap balik balikan ng mga trippings na yan
Comment ni joycee — Pebrero 16, 2009 @ 2:59 umaga |
Ako po ay naniniwala sa gayuma particularly iyong mga nanggagaling sa Cordillera. May kaibigan ako na malapit nang ikasal, napunta lang sa isang remote na lugar ang Cordillera ay nakalimutan na niya ang kang boyfriend for so many years. Ang rason, nagayuma siya ng isang binata na nagkagusto sa kanya. Ibinigay niya ang lahat. Ang mahirap ay hindi naman siya pinakasalan. Natanggal lang iyong gayuma nang nagpasuri din sila sa isang faith healer. Kung hindi ko lang nakausap ang pamilya at iyong biktima mismo ay hindi po sana ako maniniwala.
kengkay: may mga naririnig nga akong ganyan talaga. kakatakot naman ano?
Comment ni Colegiala girl — Pebrero 16, 2009 @ 3:05 umaga |
ewan ko ba kahit mahilig ako sa mga harry potter, di pa dn ako naniniwala na may gayuma! (connection? hehe) pero kasi parang imposible lang for me, tsaka kahit totoo man yun, masama pa din kaya di ako gagamit nyan. manggagantso yung mama sa quiapo ^^
kengkay: hahaha, naisahan ako ng pesoses ko. kaya lang hirap balikan at baka sa kanya ako ma inlabs ;D
Comment ni cindyrella — Pebrero 16, 2009 @ 3:11 umaga |
aha at naghanap ng gayuma! may binebenta ako dito. kug gusto mo email mo lang ako. mabisa ito. madami nang nakasubok. murang mura. ibigay ko sa iyo ng 20k. maliit na halaga yun kumpara sa epekto niyo sa buhay mo. hehe
ang gayuma ay yong kalooban ng tao. magpakita ka ng maganda at tiyak na mahuhumaling sila sa iyo — lolo ko.
kengkay: uy, gusto kong makausap si lolo mo. mas maraming mabibigay na tunay na pananaw ang mga matanda e.
Comment ni ELIment — Pebrero 16, 2009 @ 4:46 umaga |
tama ka nga yata mommy kengks. nalito yung gayuma kung sino ang target kaya nagself-destruct.
kengkay: nabaliw ang gayuma kaya nawalan na sya ng bisa
Comment ni utakmunggo — Pebrero 16, 2009 @ 6:43 umaga |
ay nga pala kengkay, tinag kita ha… check mo na lang sa site ko. bahala ka na rin kung i-forward mo sa iba. andami ng ganun na naglipana eh
kengkay: dami ko ng utang na tags, matatagtag na ko nito, hahaha. tenks for the tag
Comment ni enjoy — Pebrero 16, 2009 @ 8:53 umaga |
hehehe totoo po ba yan ms kengkay? ayokong maniwala sa gayuma… hehe…
its ol in the mind lang yan… hehe
kengkay: tumpak, its all in the mind
Comment ni yhen — Pebrero 16, 2009 @ 9:09 umaga |
hahaha.. ang galing.. pero sabi sabi nga, ndi naman daw 22o yan.. kung tlagang mamahalin ka nung mahal mo, mamahalin ka din nun, antayin mo na lang.. at kung ndi naman, TOO BAD.
ahahaha.
)
potek.. ahaha.. baka yung lalaki na gs2 ng kbgan mo, na-inlab naman dun sa gs2 mo.. hehehe.
yun ang epekto..
lipana pala tlaga jan sa Quiapo yung mga sterero.. hahaha
ge po napadaan lang.
–gudang!
kengkay: am sure mas marami ka pang mabibiling kababalaghan dyan sa quiapo kapag nagtanong tanong ka, hehe
Comment ni gudang — Pebrero 16, 2009 @ 9:48 umaga |
hahaha. naaalala ko, meron pa silang mga pamparegla. hahaÜ
para namang mabisa eh nu??
kengkay: ay ewan ko, takot akong itry, hahaha
Comment ni winkii — Pebrero 16, 2009 @ 5:17 hapon |
Ako, mukhang nagayuma noon. As in grabe talaga, at tingin ko rin totoo. Taga-Manaoag kasi yung guy at marami ding mga gayuma doon na binebenta. Tumagal din kami nung guy, mga 4 years din pero occasional lang kami magkita. But everytime I saw him para bang… then my friends told me something is wrong. Eh sa bata-bata pa ako nun, nung nagawi ako ng Maynila kumonsulta din ako dyan sa Quiapo. What do you expect, sabi nila nagayuma nga daw ako. At binentahan ako ng pangontra (kulay red na may cross) wag ko daw ipapasok sa simbahan pag nagsimba ako (???) kasi mawawalan ng bisa. So okay. Ako naman, gustong gumanti kasi love na love ko yung guy despite sa mga pagkukulang nya kaya ginayuma ko rin siya – kasali dun ang 3 araw na dasal sa alas-doseng gabi (nyahahay!) at Latin pa mandin. Tapos the next day, ginamit ko sa guy at sinabayan kong nakipagkalas. 1989 pa yun. Epektib ba? ewan ko. Wala sigurong koneksyon, nagkataon lang – pero di nya ako makalimutan.
kengkay: aray ko, gantihan ang gayumahan, hahahaha. ano na daw nangyari ngayon sa anting anting mo?
Comment ni Christinchen — Pebrero 17, 2009 @ 5:45 umaga |
hindi mali ang ritwal nyo napeke kayo… he he he mga ineng sa quiapo… maraming imbentong kung ano-ano lang para masabing buhay pa rin ang mga gayu-gayuma diyan… pero sa truth wa epek yang mga yan… mas epektib natural ganda at landi he he he
kengkay: tunay ka dyan, mas epektib ang natural na ganda at landi, hehehe. ano nga pala URL mo para naman mabisita ko bahay mo ;D
Comment ni vk03 — Pebrero 17, 2009 @ 6:01 umaga |
hehehe, ang kulit nung kwento. yung pinsan ko naman me anting-anting, bwahahaha!
kengkay: meron din akong anting anting dati, ewan ko kung san na sya ngayon
Comment ni roni — Pebrero 17, 2009 @ 1:02 hapon |
super khulet nito!’
ha ha ha.
nagulat ako sa biglang sumilip na “ka pepe” sa dulo ng post. simpleng simple ang pasok. he he!
kengkay: hindi yon kapepe, yun ang pang kape ni kengkay, hahaha
Comment ni revsiopao — Pebrero 18, 2009 @ 2:04 umaga |
ako nagayuma yata ni Kumander. Paano ba naman kasi yung biyenan kong babae e nanggaling pa sa Amazon kaya maraming mga “potions” ang alam. Simula noong painumin ako ni Kumander ng herbal tea galing Brazil e nagsimula na akong maging “slave” niya. Pero nagpapasalamat pa rin ako kahit na “ginayuma” niya ako. Mahal na mahal ko siya dati pa.
Sino ba naman ang hindi magagayuma sa ganda ng misis ko. Ala-”Natalia Guimaraes”! Sexy! Ganda pa (di tulad ko na mukhang boksingero, hehehe)!!!
kengkay: aba naman, lahat yata ng boksingero e magaganda ang asawa ha, hehehe
Comment ni pinoyonlinenovels — Pebrero 18, 2009 @ 8:20 umaga |
natawa naman ako sa kwento na to, paghatian daw ba ang gayuma.. aba e biktima ka din pala ng quiapo, ako hanggang hula lang ang trip ko dun hehehe
Comment ni sbsm — Pebrero 18, 2009 @ 7:37 hapon |
hindi ko pa na try magpahula dun, shy ako e, hahaha
Comment ni kengkay — Enero 21, 2010 @ 12:41 umaga |
uy..ganda ng kwento 22o nga ba talaga kc gusto kong magnggayuma sa crush ko kc di nya ko pipansin..txtxt tau e2 # ko 09071329956……
Comment ni rocel — Disyembre 27, 2009 @ 7:50 umaga |
rocel, ewan ko kung totoo yung nakuha naming gayuma sa quiapo ha. pero mas maganda na kung tunay na pagmamahal ibigay sa yo ng crush mo kasi ang gayuma daw e hindi lifetime guaranty
Comment ni kengkay — Enero 21, 2010 @ 12:42 umaga |
ne papanu yu eh gusto ko manggayuma edi ibig sabihin hindi 22o??
Comment ni rocel — Disyembre 27, 2009 @ 8:00 umaga |
pano gumawa nyan?? ^^
Comment ni ades — Enero 20, 2010 @ 10:19 umaga |
i try mong magtanong sa quiapo
Comment ni kengkay — Enero 21, 2010 @ 12:42 umaga |
yung yaya ko nagayuna sia. parang may binubulong daw na mga “salita” na hindi nia naiintindiahan. ^^. pero nawala din nung nag tagal. mga 4 months na sila.
)
Comment ni nicole — Marso 22, 2010 @ 1:15 hapon |
kengkay: mura nman ng 150?? anong yr kp nkabili nun sa quiapo?? mismong tpat ng mercury drug?? tatry ko. mtagal na kong naghahanap ng gayuma..
Comment ni venice — Abril 1, 2010 @ 2:18 hapon |
venice, tagal na nun, late 80s pa.
Comment ni kengkay — Abril 3, 2010 @ 1:39 hapon |
alam ko yung ugat na yun sa quipo na sinasabi mo bentahan lang nun mga 30 to 50 naloko kayo
Comment ni ric — Abril 4, 2010 @ 10:57 hapon |
call mo ko bigyan na lang kita 219-0111 un ba ung nasa bote na ugat na korteng kamay me nakapuluput na sanga ang alam ko dun lalagyan ng langis tas susulat mo ung buong name ng gagyumahin at ilalagay ung papel sa bote tama ba
Comment ni ric — Abril 4, 2010 @ 11:03 hapon |
totoo ang gayuma. yung nabili mo na ugat ay tinatawag na “ugat ng alaala” syempre hindi pwedeng ishare. ang paggamit nyan isulat yung buong pangalan ng tao at birth date, lagyan ng langis pero mas mainam na perfume na ginagamit mo ang ilalagay mo. sa gabi bago matulog (hindi dapat lalagpas ng 12mn)magdasal ng isang Ama Namin at Sumasampalataya hanggang sa ipinako sa krus at sambitin ng tatlong beses ang buong pangalan ng gagayumahin. habang dinadasal ang Sumasampalataya kalugin ang bote. tapos ilagay sa ilalim ng unan. wag na wag bubuksan ang bote laging bitbitin at wag na makikita ng target. pag ok na kayo ng target, sunod na bilihin yung nasa bote din ang tawag “five fingers” ito naman ay para hindi ka iwanan ng target.
pero para sa akin mas mabisa ang mga orasyon. based on my experience. kung naniniwala ka sa ginagawa mo na walang duda at malakas ang pananampalataya sa Diyos, ito ay eepekto. wag lamang gagamitin sa masama o kasakiman.
Comment ni witchy — Setyembre 6, 2010 @ 9:38 umaga |
sana ate alam ko number mo para maturuan mko nyan.. or un alam mo na epektib na orasyon..
mahal na mahal ko ang bf ko.. sabi naman nya mahal nya daw ako pero hndi ko nararamdaman
ibang iba na sya wala na sya oras skin lagi sya nagdadahilan at un pinaka masakit pa nalaman ko
na may ini entertain syang ibang babae..hndi ako nagsasalita or nagpapakita ng galit sa kanya
kse ayokong mawala sya sken pero ang sakit sakit, meron pang mas malalim na dahilan…
hindi ko nmn po para gamitin sa masama ang gayuma.. gusto ko lang po mahalin nya ako tulad ng
pagmamahal ko sa kanya…
Comment ni no name — Hunyo 17, 2011 @ 5:58 umaga |
naku no name, kung talagang mahal ka nung mahal mo, mararamdaman mo iyon ng matiwasay. kapag sakit ng puso lang ang parating andyan sa tabi mo, huwag na lang. kahit anong gayuma hindi tatalab tapos sama pa nun e sakit ng ulo. merong darating na tao na para sa iyo talaga na mamahalin ka at mamahalin mo rin. antay ka lang ng konti.
Comment ni kengkay — Hunyo 17, 2011 @ 1:49 hapon
ang cute naman ng post nio, kikay na kikay hehehe ang dami ngang naglipana sa quiapo nian, hayyzzt totoo kaya ang gayuma hanggang ngaun palaisipan parin ito sakin hehehe
Comment ni davmel — Enero 2, 2011 @ 12:41 hapon |
ngayon ba nakalabas na yung mga gayuma? dati kasi nakatago e.
Comment ni kengkay — Hulyo 19, 2011 @ 6:18 umaga |
gayuma blogs, facebook search : uro hormiga
Comment ni uro — Hulyo 19, 2011 @ 4:32 umaga |
..gsto ko rin mang.gayuma hehe
Comment ni normina — Enero 4, 2012 @ 3:29 umaga |