Kwentong Kengkay

Marso 31, 2009

kilala nyo sya?

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 1:37 hapon
Tags: ,

mababatukan ako nito sigurado kapag nabasa nya to, hahahaha.

mag-ingat kayo kapag nakasalubong nyo ang mamang ito. alam ninyo kung baket? (may karugtong…)

Marso 30, 2009

EB tayo

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:51 hapon
Tags:

bukas na ang EB, mukhang ang dami namin, mga dalawa, hahaha. anyway, dun sa mga susunod eto ang aking sikret na celpon number: 0915-3305977

kita kits naman tayo.

didiktahan ko na kayo kung saan at kelan ha?

ano: EB (eberibadi byutipul)

saan: Pizza Hut sa Mall of Asia (sa labas muna tayo kasi baka may ibang suggestion kung saan mas maganda magtambay)

kelan: sabado, april 4

anong oras: alas kwatro ng hapon

kung sino pwede, apir na kayo, plis? wag na kayo mahiya ha. hindi ko alam kung ano ang number ng aking cell fon kaya bukas ko na sya isusulat dito.

sama kayo ha!

Marso 28, 2009

metal na tabo

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Oyropa Ko — kengkay @ 1:39 hapon
Tags:

nung unang hakbang ko dito sa alemanya? nalungkot ako. kasi walang tabo, waaaaa

pero sempre, maparaan ang pinoy di ba? kung sa hotel nga yung baso na pang tutbrush ang ginagamit e pano pa kaya kung sa sariling bahay mo pa di ba?

kaya naghalunggat ako sa kusina namin ng mukhang tabo. pero sa totoo lang, wala akong makita. pero dahil hinahanap hanap ko sya e nagawan ko rin ng paraan. at ito ang kanyang itsura… ang aking metal na tabo…. (may karugtong…)

Marso 25, 2009

naka-yapak

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 4:33 hapon
Tags: , ,


Sapatos

masarap talaga ilublob sa  malamig na tubig ang mga paa kapag kaaalis lang ng sapatos. presko lalo lat mataas ang araw. ayan at relaks na relaks si bunsoy makatapos nyang bunuin ang mga bato batong bundok sa likuran nya.

at eto naman ang walang sapatos na si kengkay at ang aking panganay na kengkay. bitbit namin ang aming sapatos kasi naman ang buong nilalakaran namin e super mabato, super nakakatisod, super hindi pantay. super takot akong matapilok sa aking medyo may konting heels na sandalyas. si panganay naman e sempre gaya gaya puto maya :D

aba malay ko bang aakyat kami sa bako bakong landas na iyan nung naglakwatsa kami sa isang baryo sa espanya na malapit sa calpe. ayoko yatang umuwing duguan kaya inalis ko na lang sapatos ko :D

Marso 23, 2009

binyag

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 12:24 hapon
Tags:

alam nyo kapag may binyag dito? lahat ng batang asa misa ay may partisipasyon.

lahat sila tinatawag sa altar. lahat sila may sariling responsibilidad. lahat sila pwedeng maki usyoso sa harap ng binyagan.

pwedeng pwede ang uzis, pwedeng pwede ang tingin tingin. usyosohin.

kasi daw nung maliit pa ang mga batang yan e di nila alam kung ano nangyari nung binyag nila e. sa ganyang pagkakataon e nalalaman nila lahat.

ang galing, di ba?

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers