nga pala, dito kami nagpunta nung isang linggong nawala si kengkay.
nagtampisaw kami sa snow sa austria. malapit lang sya sa border ng alemanya.
ang mga little kengkays. ayaw maglakad sa kalye. boring daw. kasi konti lang snow. inalis na kasi para may makaraang kotse. kaya sa bundok mismo sila dumadaan. antayin daw namin sila sa baba ng bundok. si nanay kengkay medyo kabado. sabi naman ni kengkoy, oks lang daw kasi matatag daw ang snow at super kapal daw nito at siguradong hindi masasaktan ang mga bata.
kahit medyo bagabal ang aking kalooban e pumayag na rin ako. parang gusto ko silang sundan pero parang ayaw ko. wala namang snow na ganyan kadami sa baryo namin sa alemanya ano. at lalong walang ganyan sa pasay, waaaa. pero okay naman, ayan at pababa sila. antay sila ng tatay nila sa baba ng bundok.
nung mga araw na andyan kami? ang avalance warnings e asa 4th level, ang highest level e 5th! imaginin nyo na lang ang aking kadramahan habang naglalakbay kami sa pagitan ng mga puting pader na yan. at unang araw pa lang yan! eto pang ibang pictures: click



base!
sarap magtampisaw sa snow.sana makapag tampisaw din ako balang araw. :p
kengkay: base, hehehe. sana nga ano, ibang experience talaga
Comment ni flamindevil — Marso 2, 2009 @ 3:47 hapon |
ay naunahan ako ni Rye. Wow sarap naman kengkay…tunay..ang mga friends ko kasi pumunta last month sa isang lugar na may sa snow malapit lang sa Rome..di ako nakasama kasi may lagnat ako,,,,ayan tuloy di ako nakapagtampisaw….hehehhehe
kengkay: ay ano ka ba, sa sunod kahit na may lagnat, hahaha. si kengkay nga super cold and cough nung mga araw na andun kami sa snow pero tampisaw pa rin
Comment ni blurosebluguy — Marso 2, 2009 @ 9:01 hapon |
Wow sobrang sarap naman maglaro sa snow.
kengkay: lalo na kapag kasing taas mo yung snow
Comment ni MC — Marso 2, 2009 @ 9:05 hapon |
naku
tatay ko matutuwa dyna
mahilig sa snow yon
pati mag shovel ng snow paborito nyo
kung gusto mong ng taga-shovel dyan
lemme know
i-text ko si erpats
hehe
kengkay: mabait mga kapitbahay namin dito, kapag mas maaga sila magising, sila na mismo nag shovel, hehehe
Comment ni raft3r — Marso 3, 2009 @ 2:04 umaga |
waw! sarap naman dyan! Snow! Kelan kaya magkaka-snow dito sa bayang sinilangan ko? hehehe
kengkay: nyayy, ano nga kaya kung mag snow sa pinas ano
Comment ni Nortehanon — Marso 3, 2009 @ 2:49 umaga |
tingin palang ang ginaw na! mag business ka kaya ng halo-halo dyan. hehe
kengkay: hirap lang maghanap ng sahog
Comment ni eliment — Marso 3, 2009 @ 3:04 umaga |
ansarap naman magtampisaw sa ice mami… hehe. magtampisaw talaga…
kengkay: tampisaw na tunay
Comment ni joshmarie — Marso 3, 2009 @ 4:18 umaga |
mami kengks magpapa adopt ako sa inyu….magnenegisyo ako..alam mo kung ano?
mais con yelo..ahahhahahaha
kengkay: oo nga ano? tapos yung milk na gamitin mo yung galing sa mismong mga baka dito, hehe
Comment ni Maldito — Marso 3, 2009 @ 5:23 umaga |
huwaw.. isnow.. i like that.. gustong gusto ko makakita niyan.. sana meron niyan sa pinas.. hehe
naku summer na pala.. sana talaga magkaroon na niyan para hindi mainit.. hehe
kengkay: alam mo ibang klase talaga kapag nakakita ka ng snow, kasi… malamig, hehehe
Comment ni neto — Marso 3, 2009 @ 7:05 umaga |
ako halo-halo hehe ..
papaampon na rin ako mami kengks hehe kahit taga linis lang ako ng banyo nyo hehe…sige na po pleeeeesesesese:)
kengkay: meron na kong tagalinis ng banyo e, si kengkoy. gusto mo taga tabo sa pwet ng mga little kengkays, heheh
Comment ni anakngpating — Marso 3, 2009 @ 7:07 umaga |
momie kengks paguwi pasalubungan mo q ng yelo ha…hehehe wow 1 big api family…stay api…mwah
kengkay: nag uwi si bunsoy ng yelo, sempre natunaw at galit sya kasi nawala daw yung yelo nya, hehe
Comment ni simplefula09 — Marso 3, 2009 @ 8:04 umaga |
ang saya saya naman
kengkay: masarap talaga lalo kapag kasama ang pamilya
Comment ni sandijmartin — Marso 3, 2009 @ 8:20 umaga |
grabe pala yelo ano? kaya lang lagi na lang wala sa pix si mommy kengkay..magpakita ka na kase para s kabatiran ng lahat..hahahaha…
kaya pala nawala ka nung isang linggo at nag take over e yung mayordoma mo..si glessy ata yon ano?
kengkay: wala ako parati sa litrato kasi ako taga kuha ng pektyur, si kengkoy naman taga video. at mga little kengkays taga posing
Comment ni payatot — Marso 3, 2009 @ 9:24 umaga |
aww, snow! huhu, walang snow sa california. pupunta pa ng lake tahoe para lang sa snow. tsk.
buti wala namang nangyari sa mga little kengkays habang bumababa ng bundok. saya nila.
Comment ni mayui — Marso 3, 2009 @ 1:00 hapon |
as always, inggit na naman ako diyan sa pagulong-gulong ng mga little kengkays sa niyebe. gusto ko rin niyan!
hmph! sige lang, darating din ang araw, makakapaggulong-gulong din ako sa snow. hehehe…
missed you ate! antagal kong nawala, andami ko nang namiss. thanks sa patuloy na pagbisita sa aking blog kahit namatagal-tagal na rin akong hindi nakavisit sa blog mo. mwah!
Comment ni siangelnawalangpakpak — Marso 3, 2009 @ 1:01 hapon |
parang alam ko naranasan mo dyan sa kapal ng snow na yan..parusa,hehehe
nakapag ski ka ba o nagpagulong gulong lang? hihihi
glad na nag enjoy kayo sa winter bakasyon na yan..next time sama na ako,hihihi
Comment ni p0kw4ng — Marso 3, 2009 @ 6:45 hapon |
Naka-experience na rin ako ng snow nang pangalawang punta ko sa Tate. Natira ako sa bahay ng aking tita Glo sa Seattle kung saan ay nakaranas akong maglakad sa makapal na snow. That’s my first time. Masarap maka-experience ng snow for the first time. Parang handa ka nang kumatok sa pintuan ni San Pedro,hehehe.
Iyan ang sarap ng buhay Oropa, kung gusto mong wine doon ka na lang mamalengke sa Paris.
Thanks for sharing your joy with us ate Kengkay.
Comment ni Colegiala girl — Marso 4, 2009 @ 2:04 umaga |
parang gusto ko rin magpagulong gulong dyan sa snow mommy kengs,,, nakakainggit ang pektyurs… ang init na kasi dito eh…
Comment ni naglalambingnacute — Marso 4, 2009 @ 2:35 umaga |
naiingit naman ako sa snow… walang snow sa malaysia mami kengs…
Comment ni mangbadoy — Marso 4, 2009 @ 4:44 umaga |
yehey! another snow thing.. I love the little kengkay.. they are sO cute.. ^,^
Comment ni jeniffer — Marso 4, 2009 @ 6:10 umaga |
sosyall ang pangangappibahay na yan hihi..enjoy pa heheh..
aww snow snow.. gusto ko ng snow..
thanks po pala sa prayers.. *hugs*
Comment ni angel — Marso 4, 2009 @ 11:45 umaga |
Wow parang ang sarap naman maglaro jan…. hayyzzzz sana pag natulog ako ng UK makapunta din ako jan, kasi mas malapit na yun. Kung pwed elang sana mag snow sa pinas, kaso maraming mamamatay.
Comment ni Basti — Marso 7, 2009 @ 5:49 umaga |
Ayos, may pagka-adventurous talaga ang mga lil kengkays ha?
nakakatuwa cla talaga…masarap talagang maging bata…open sa lahat ng adventures carefree pa kasi…;)
Comment ni Call Center Gal — Marso 7, 2009 @ 1:10 hapon |