yung nawawalang wallet?
nahanap na.
matapos ang dalawang araw na paghahalungkat.
hindi ko po dinaan sa hula. hindi rin po sa telepathy. at lalong wala ring gelpren si papa in law ko, tinanong ko sya talaga kasi suggestion ninyo e, hehehe
ang talagang nawala e yung susi ng kanyang drawer. kung saan andun yung kanyang wallet. pero ang naalala lang nya, nilagay nya ang kanyang wallet sa isang drawer. pero dahil nga masyado na syang makalimutin, binaligtad namin ang bahay nya pati kamo kotse namin e hinalunggat kasi dun sya huling umupo na dala nya ang wallet e.
eniway, bumalik ako sa bahay nya. inulit ko ang paghahalungkat. tapos nya e ibibitin na daw nya ang sarili nya ng patiwarik dahil ang tanga tanga na daw talaga nya. sabi ko hindi sya pwedeng magbitin kasi wala syang tali, at wala rin syang perang pambili ng tali dahil wala sya wallet di ba? edi tawa na lang sya.
tapos umakyat sya. at nagsisigaw. akala ko naman kung ano na. ayun, naalala nya kung asan yung susi. at nabuksan ang drawer. ayun, andun ang pitaka. sabi ko san mo ba nilalagay ang susi para alam din namin. dun daw. okay, alam ko na. nung sinara yung drawer, sa ibang lugar naman nya nilagay ulit. sabi ako, akala ko ba dun tapos ngayon dyan mo nilagay. ay basta daw. ganun!
bago ako umuwi ganito ang sabi nya. tingnan ko daw yung glove compartment ng kotse namin at sigurado daw sya na andun ung pitaka nya. waaaaa, hirap talaga ng tumatanda na.
sabi ni kengkoy kapag ganyan na daw sya kapraning sa pagtanda nya? pukpukin ko na daw sya at ibaon sa lupa


hehe, okay sa solusyon si kengkoy a
kengkay: simple di ba? ;D
Comment ni sbsm — Marso 7, 2009 @ 8:04 hapon |
oppps, that was me, analyse (sbsm is louna’s school, im the blog admin kasi, anovayan)
Comment ni analyse — Marso 7, 2009 @ 8:05 hapon |
hahahaha saya – saya mo biro lahat ng mga tagablogosperyolandia ay nagparticipate sa paghahanap thru suggestions…..ako kaya pag mawala hanapin nyo rin kaya (ask ko lang..hikbi…ayan naiiyak na ako….)
hahahahahahahahahahahahahahah!
kengkay: am sure hahanapin ka rin namin. ako unang maghahanap sa inidoro, hehe
Comment ni blurosebluguy — Marso 7, 2009 @ 10:01 hapon |
wahehehe! bentang benta sakin ung last sentence. tawang tawa ako. ako rin siguro, pag ganian na ko kaulyanin sa papa in law mo miss kengkay, papabaon na rin ako nang buhay tulad ng kengkoy mo.
naligaw po. naaliw sa binasa. malamang sa malamang, mapapabalik uli.
kengkay: salamat sa pagbasa. pwede mo ring akong tulungan sa pagbaon, hahaha
Comment ni lio loco — Marso 7, 2009 @ 11:31 hapon |
congrats.
pa berger ka naman jan mommy kengs.
kengkay: nag antay nga ako ng finders keepers na balato e kaso mo ang mga little kengkays lang ang nabigyan
Comment ni flamindevil — Marso 7, 2009 @ 11:32 hapon |
si lolo talaga oo, dun nya pala nilagay ang susi sa ” dun daw” mabuti nahanap na kase wawa naman si lolo kengkoy kung sakali dahil sayang naman ang oyro…
kengkay: sa dami ng dun daw na sinabi nya e talaga namang maghahalungkat ka talaga
Comment ni payatot — Marso 7, 2009 @ 11:52 hapon |
memory gap ba….. haha!
kengkay: ulyanin na talaga
Comment ni charlie — Marso 7, 2009 @ 11:57 hapon |
ahaaha buti nalang nahanap na ang wallet ni lolo, tsk… di pala wallet hinahanap nyo, yung susi para mahanap angw allet
kengkay: kung alam ko lang na yung susi ang susi para sa wallet e mas simple sana ang hanapan, hehe
Comment ni Basti — Marso 8, 2009 @ 4:20 umaga |
mukhang kailangan ng uminom ng sustagen premium itich! lol! ^^
kengkay: alam mo tama ka rin, kasi pala na miss nyang inumin yung mga gamot nya ng isang araw kaya naging sobrang malimutin
Comment ni Cindyrella — Marso 8, 2009 @ 5:43 umaga |
hayzz sa wakas nahanap din…hehehe
at talagang binigyan ka pa ng idea ni
dadi kengkoy na gagawin sa kanya kapag
ng ulyanin na sya.
kengkay: matagal na nyang inulit ulit yon, hahaha
Comment ni IKAY — Marso 8, 2009 @ 7:44 umaga |
parehas kami…read this http://ampingsblog.wordpress.com/2009/03/06/nawawala-si-supermannawawala-si-superman/ to find it why…
napadaan lang po
kengkay: at least nakita mo na rin si superman mo
Comment ni fampings — Marso 8, 2009 @ 8:38 umaga |
haha natuwa ako dito naalala ko nanay ko lagi naghahanap. nyahaha dapat kasi itali na lang! hihi
kengkay: oo nga ano?
Comment ni biba — Marso 8, 2009 @ 9:01 umaga |
hay salamat naman ms. kengks nahanap na ang wallet..
nakakatuwa naman, magbibigti wala naman tali at walang pambili dahil walang pitaka
kengkay: hindi simple di ba, hahaha
Comment ni sandijmartin — Marso 8, 2009 @ 10:02 umaga |
Hahhahaha.. Ang kulit ni Lolo! Natawa ako dun ah! Nabuksan na ang drawer at nakuha ang wallet tapos tingnan pa rin daw sa kotse kasi daw baka nandun yung wallet! Wahahahhaha..
kengkay: super ulyanin na talaga e
Comment ni emilayskie — Marso 8, 2009 @ 11:20 umaga |
[...] Older » [...]
Pasa ni hirit ni kengkoy « Kwentong Kengkay — Marso 8, 2009 @ 11:57 umaga |
buti naman, pati ako nagulantang jan sa nawawalang wallet,
. bigyan mo sya ng ginkgo biloba, it comes in caps or tabs, vitamin yun, from natural ginkgo leaves, it opens and help circulate blood sa mga maliliit na nerves, boosts memory. epektib yun!
Comment ni roni — Marso 8, 2009 @ 3:44 hapon |
hahaha.. kase naman bawal ang pork, beans… yan tuloy nagkaka memory gap
Comment ni angel — Marso 8, 2009 @ 3:54 hapon |
Tama yata ang kasabihan ang “taong nakakalimot isang batok ang sagot.”
Pero lahat naman tayo ay sadyang makakalimutin din lalo na at hindi organisado sa mga gamit.
Intindihin na lang natin ang mga mahal nati sa buhay kapag sila ay natetensiyon dahil hindi nila mahanap-hanap ang mga bagay na kailangan nila.
Hindi po tayo bumabata, kahit ang ating memorya ay humihina rin. Ang sulosyon, maglagay ng mga notes kung ano ang ating gagawin, saan dinala ang ating mga gamit, at imbertaryo ng lahat na ating personala na kagamitan.
At kung may tao tayong pinagkakatiwalaan, makakatulong na ibahagi din natin ang mga datus o inpormasyon na ito para may mapagtanongan.
Comment ni Colegiala girl — Marso 9, 2009 @ 1:23 umaga |
Nangyari din kasi sa amin ito kahapon ng nagrocery kami sa Rustans sa may Gateway sa Cubao. Aksidenteng naiwanan ni Kristine ang susi ng van sa grocery cart at napulot naman ng isang worker nila.
Nang tanongin ni mom kung nasaan iyong susi, aba sinabi niyang ibinalik niya sa kanya. Sa totoo lang kanina pang nakaupo si mom at ni walang natatanggap na susi ng van.
Mabuti na lang at nagtanong siya sa customer service. Ayun napulot pala ng isang crew. Pero paikot-ikot at pabalik-balik na kami kung saan-saan hinanap ang susi.
Related experience? Hhehehe. Don’t be absent minded is the moral of the story.
Comment ni Colegiala girl — Marso 9, 2009 @ 1:27 umaga |
nyahaha
ang kulit nyong dalawa
that’s my ideal relationship
yun lahat pwede pagtawanan
maganda yan ganyan
para walang stress
lahat naidadaan sa comedy
hehe
Comment ni raft3r — Marso 9, 2009 @ 1:02 hapon |
heheheh nakakatawa naman kayong mag-asawa. Nagiging makakalimutin na sya hihi..
Comment ni joycee — Marso 9, 2009 @ 2:42 hapon |
very humbling siguro kay kengkoy yung experience na yon. at cute din naman ang reaction nyong isa’t isa.ΓΌ saludo ako sayo na di ka nakipagsabayan ng galit. sa ibang mag-asawa yan, gyera na.
God bless!
Comment ni brotherutoy — Marso 9, 2009 @ 9:01 hapon |