Kwentong Kengkay

Marso 19, 2009

ang sikret ni kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 10:08 umaga
Tags: , , ,

ano nga ba ang sikret ni kengkay?

eto ang mga clues:…..

- masarap
- mainit
- maingay
- masaya
- nakakataba
- nakakabaliw
- nakaka-aliw
- magastos
- super busy

ano sa tingin ninyo?


nga pala sali kayo kay nortehanon sa project na ‘pens of hope’ padala lang kayo ng mga pencils sa

PENS OF HOPE
P.O. Box 16
Post Office, Bgy. Dalakit,
Catarman Northern Samar
6400

maliligayan ang mga batang nangangailangan ng pencil para matuto silang magsulat at umangat sa buhay! imagine yung mga maliit na pencils ng mga little kengkays tinatapon ko e kung inipon ko sila at pinadala dyan isang balikbayan box na yon! ngayon iipunin ko na rin sila.

Mga Puna »

  1. Hello Kengkay!

    Akala ko pa naman sasabihin mo na, yon pala hulaan blues pa rin. :)

    Nasa Pilipinas na ba kayo? :)

    Comment ni sofie — Marso 19, 2009 @ 10:21 umaga | Tugon

  2. uy..mukhang nagtatampisaw ka na dyan sa dalampasigan ng boracay o bohol ah at kain ng kain…

    Comment ni sandijmartin — Marso 19, 2009 @ 10:57 umaga | Tugon

  3. Waw! Mommy Kengks, thank you for mentioning Pens of Hope here! Really appreciate it.

    Hmn, teka, tama ba si Ms. Sofie na nasa Pinas na kayo? Kasi yung clue lahat tumutumbok sa isang masayang bakasyon :)

    Comment ni Nortehanon — Marso 19, 2009 @ 11:03 umaga | Tugon

  4. hmmm ano yan????

    Comment ni Pilar — Marso 19, 2009 @ 11:18 umaga | Tugon

  5. baka nga andito na sya sa pinas dahil may plano sya nun na uuwi sya..tas mainit pa ang deskripsyon nya ngayon..

    Comment ni payatot — Marso 19, 2009 @ 11:40 umaga | Tugon

  6. pwede ba akong sumali dyan sa hulaan na yan?hihihi

    mukhang nagtatampisaw ka na dyan sa pawis ah!!enjoy!

    Comment ni p0kw4ng — Marso 19, 2009 @ 12:22 hapon | Tugon

  7. aha!! ur having ur summer vacation na ba?? haha!! just a wild guess!!

    Comment ni Cindyrella — Marso 19, 2009 @ 2:26 hapon | Tugon

  8. hmmm…ang hirap hulaan. iba ang naiisip ko. wahehehe.

    uy, ayos yan ha. sige sige. magpapadala ako.

    p.s. mami kengks. pakiupdate na lang po url ng blog ko. im going full-time datkomista. ehehehe.

    Comment ni lio loco — Marso 19, 2009 @ 3:57 hapon | Tugon

  9. huwaw!!! ave a lovely vacation :D

    ANG DAMING CLUES ubusan na aKo ng answers weee…

    Comment ni ♥kiikay♥ :D — Marso 19, 2009 @ 5:31 hapon | Tugon

  10. well, nag-attend ka ba ng anniv ng parents mo?

    Comment ni nina — Marso 19, 2009 @ 6:24 hapon | Tugon

  11. Hmmmmm !!!

    Comment ni pinaylicious — Marso 20, 2009 @ 12:48 umaga | Tugon

  12. a e…..sitsarong bulaklak? aheheh yun kasi naisip ko sa clues mo

    Comment ni madbong — Marso 20, 2009 @ 1:42 umaga | Tugon

  13. ang hirap pong hulaan, Sports po ba yan? masaya, mainit, masarap, magastos, etc.

    Comment ni Jason — Marso 20, 2009 @ 3:37 umaga | Tugon

  14. alam ko yan,paalis na naman kayo pauwi satin…inggit ako waaaah!!!

    Comment ni lilaybulilay — Marso 20, 2009 @ 7:50 umaga | Tugon

  15. Huwaw, magbabakasyon si Kengs! Ingatz!

    Tama ba hula ko? :)

    Comment ni Snow — Marso 20, 2009 @ 8:18 umaga | Tugon

  16. aba?! leche! nasaan ka?! ilang araw lang akong nawala as in naka-alpas ka na naman to go bakeyshun?! waaaaa! WAAAAA!! UNFERRR!!!!!

    Comment ni reyna elena — Marso 20, 2009 @ 11:12 umaga | Tugon

  17. yup I give my support to nortehanon, matagal na.. sO I really do hope it helps..

    offtopic: may sagot na ang tanong :)

    Comment ni jeniffer — Marso 20, 2009 @ 11:50 umaga | Tugon

  18. sayang wala po kong pencil hehe di pa kasi nag aaral chikiting ko hehe….
    hindi po ako makakatulong hehe…turuan ko na lang kaya sila pwede naman ata hehe malayo nga lang…:)

    p.s: mami dito ka ba sa pinas tuloy ba ang gotohan hehe,,,…

    Comment ni anakngpating — Marso 20, 2009 @ 12:46 hapon | Tugon

  19. Hhhmm.. Ano kaya yung sikreto ni Ate Kengkay? Di ko pa rin mahulaan ah.

    Yung Pens of Hope suportahan ko rin po yan. Ganda yung project nya eh.

    Comment ni emilayskie — Marso 20, 2009 @ 3:35 hapon | Tugon

  20. buntis ka mommy kengks?
    hula lang. hihi

    Comment ni utakmunggo — Marso 20, 2009 @ 5:09 hapon | Tugon

  21. waah. matagal ako di nakabisita. at ngayon datcom na. wuuhuu. busy eh. i wanted to join din sa pens of hope na yan. nakabisita rin kse sya sa blog ko. eh saktong adik ako sa ballpen. i have lots to share. hehehe.

    nasa pilipins ka ba? EB! hehehe.

    Comment ni antuken — Marso 20, 2009 @ 9:47 hapon | Tugon

  22. shopping? i don’t know LOL alam mo ba yung PRC may pencil thing din. after the board exam they asked the takers if we would like to donate the pencils we used. it’s a good thing to do no? and logical too.

    Comment ni prinsesamusang — Marso 21, 2009 @ 4:07 umaga | Tugon

  23. Ako, sirit na.
    nawawala ang brain ko eh, hahaha

    Comment ni francesca in france — Marso 21, 2009 @ 5:55 umaga | Tugon

  24. Kung ito yung mga clues
    - masarap
    - mainit
    - maingay
    - masaya
    - nakakataba
    - nakakabaliw
    - nakaka-aliw
    - magastos
    - super busy
    …ang sagot siguro ay para kang isang pagkain na mahirap gawin, na sobrang mahal, pero pag nalasahan mo hahanap-hanapin mo. San kaya makabili?

    Comment ni Nilo — Marso 21, 2009 @ 8:05 umaga | Tugon

  25. hmm. una kong naisip okasyon kung saan magastos at busy ka sa pagpi-prepare kaya nakakabaliw, pero masaya naman, nakakaaliw at maingay. nakakataba ang mga pagkain… mainit… ang panahon? haha. baka nga summer na yan. kung ganon, nasa ‘pinas ka na nga ba, tulad ng hula nila? spring pa lang sa US eh, so sa Germany ganun din? Ang summer ay nasa ‘pinas!

    Comment ni mayui — Marso 21, 2009 @ 12:59 hapon | Tugon

  26. nakita ko na rin yang site na yan… ahehe… at balak ko ding magbigay ng lapis kaya lang di ko alam kung paano magpadala kasi never ko pang naranasan yun… ahehe

    at tungkol naman sa kwento… kunwari di ko pa nakikita ahehe.. nag umpisa ako sa post na di ko pa nababasa eh.. nyahehe.. alam kong alam mong kahit di ako nakakapagcoment dito eh naglulurk ako at nagbabasa ng mga post mo.. cheers;p-glesy the great

    Comment ni glesy the great — Marso 22, 2009 @ 11:47 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers