
Alahas

ang relos na ito ay galing kay tonyo hillfigero. sa totoo lang, hindi ako bilib dyan sa tatak na yan kasi nainis ako sa lumabas na balita dati na ang mga gamit daw nya e hindi para sa mga asyano, ang mga gamit daw nya e hindi bagay para sa mga asyano.
pwes, boycott ko sya. dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman sya afford, hehe. pero meron akong isang kaibigan na akala nya e hindi na sya asyano kasi ang tagal na nya sa merika. ang relos na yan ang pasalubong nya sa akin nung nagkita kami dito sa oyropa.
sa basel, switzerland kami nagtagpo dahil wala syang schengen visa. mga dalawang oras na biyahe galing dito sa aming baryo sa alemanya. sulit naman biyahe di ba kasi ganda nung relo na regalo nya