
hardin
kapag dumating na ang summer dito sa alemanya? ganito ang itsura ng aming hardin. parang palaruan sa dami ng nakakalat na laruan at gamit ng mga bata. nakikita nyo ba kung asa ang dalawang little kengkays? sempre andun sila kung saan walang laruan! kaya minsan hindi ko maintindihan itong si kengkoy kung bakit ang tiyagang ilatag lahat mantalang hindi naman pinapansin ng mga bata.
at eto pang isang litrato ng aming hardin. nakita nyo ang aming swimming pool na pagkalaki laki? heheh wadding pool lamang po yan. sa madaling sabi, pang tampisaw. pang hugas ng kamay. pang hugas ng paa. at dyan din naiipon ang mga buhangin na galing sa kanilang sandbox. kaya naman halos taon taon e ilang sako ng buhangin ang binibili namin para punuin ulit ulit ang kanilang sand box. kasi kapag walang buhangin e magiging toy box na lang yan



Ahaha.. Ang ganda naman ng palaruan. Parang gusto ko maging bata uli at maglaro dyan. Haha
Comment ni Neex — Abril 8, 2009 @ 11:18 hapon |
ahihihihi, nasisisi pa si kengkoy sa lagay na yon
Comment ni payatot — Abril 8, 2009 @ 11:37 hapon |
Have a Blessed Holy Week, Kenks!
That all in things God may be glorified.
Comment ni raft3r — Abril 9, 2009 @ 2:07 umaga |
I saw from Tita Noemi’s blog that you are home! Dito ka pa ba now? Have a great week sis!
Comment ni Jennie — Abril 9, 2009 @ 2:09 umaga |
ganda naman ng garden niyo ate kengks. ang laki! sana may ganyan din kaming playground para kay mia
(by the way, cancelled LP this week yata, next week pa and resume. hehehe)
Comment ni iris — Abril 9, 2009 @ 3:59 umaga |
awww..ang sarap ng buhay ng mga bata
…gus2 ko maging bata ulits ^
Comment ni ♥kiikay♥ :D — Abril 9, 2009 @ 4:15 hapon |
kakulet ng mga little kengkays mo mami kengks. hindi kaya mas gusto nila ang totoong swimming pool kaya hindi nila pinapansin ang mga laruan jan? hehehe.
Comment ni lio loco — Abril 10, 2009 @ 2:45 umaga |
muka talagang playground… ang galing… hehe… km di manlang nagka playground… ang playground sa amin streets.. hahaha… madungis na bata…
Comment ni yhen — Abril 10, 2009 @ 6:12 umaga |
wow…. dami toys!!! kainggit… gusto ko tuloy uli maglaro kase wala ako ganyan nung bata ako… pwede ba makipaglaro sa mga little kengkays?
hehehe
yngat po! =)
Comment ni Lalaine — Abril 10, 2009 @ 7:16 umaga |
sarap bumalik sa pagkabata. hehe
Comment ni Donald Serrano — Abril 10, 2009 @ 7:22 umaga |
Pwede po bang magpa link exchange? nailink ko na po kau sa blog ko.
thanks po.
Comment ni Jerick Mac — Abril 10, 2009 @ 3:47 hapon |
ngayon sawa na sila sa kakalaro pero paglaki nila lagi nila maalala how their Dad always set-up their summer fun garden at maapreciate nila most esp pag nagkaanak na din sila.
Comment ni Basti — Abril 10, 2009 @ 11:27 hapon |
napadaan lang ng hindi sinasadya (ok sige na nga, sinasadya ng konte). pagkatapos napasilip. nagbasabasa ng konte. pagkatapos nabighani sa mga matitinding sulatin.
dahil sa katuwaan, hinanap kung paano makakadaupang palad ang mga panday pluma. walang nakitang paraan. hindi ito katulad ng friendster.
kaya ngayon ay nagtatanong ang kawawang bata…
paano bang makipag ugnayan sa inyo?
paanong maging kabahagi ng napakagandang website na ito?
nawa ay sagutin ang aking panawagan…
hanggang sa muli..
paalam.
kengkay: iwan mo URL ng blog mo para makipagpalitan ng links
Comment ni NyEkMoL — Abril 11, 2009 @ 6:57 umaga |
baka mas gusto nila mag matayataya hehe kesa mag laro ng mga toys nila hehe nasisi pa nga si dadi kengkoy hehe..
Comment ni anakngpating — Abril 11, 2009 @ 8:51 umaga |
Ganda naman dyan.. parang gusto kong magpadulas
Hapi Easter!
Comment ni sandijmartin — Abril 11, 2009 @ 1:41 hapon |
ganuna ata talaga ang bata. iniiwan ang laruan at sa iba na lang naglalaro…
Comment ni nina — Abril 11, 2009 @ 4:37 hapon |
Naku saya nyang Easter egg hunting na yan.:)Sana okay na si Kengkoy after ng episode nya sa banyo.
Ang gaganda ng itlog nyo! Kaaliw.:)
Tanong: Nagsusuot din ba ang mga little kengkays ng bunny costume?
Comment ni Nhil — Abril 12, 2009 @ 1:41 umaga |
andaming toys ng little kengkays.
nag spring cleaning kami, mommy kengks. lahat ng toys na hindi na masyadong nilalaruan binigay namin sa charity. ang uso dito ay yung trampoline. gusto ko rin sanang makisali kaya lang baka mabutas ko. ahaha
Comment ni utakmunggo — Abril 14, 2009 @ 2:16 hapon |