napanganga ako sa tuwa nung nakita ko itong gusaling buhangin nung naglalakad lakad kami sa tabing dagat ng calpe, spain. ang galing di ba? ang laki po ng sakop ng gusaling ito. kahanga-hanga ang kamay ng gumawa nito.
mas lalo akong napanganga nung lapitan ako nung gumawa nito pagkatapos kong kunan ng litrato. kasi nanghihingi ng donasyon, hehehe
ibang klaseng gimik din para kumita ano? sempre binigyan ko ng pambili ng kendi




hangganda nga mami kengks. at ang ganda rin ng bitch…este, beach pala. marami bang magagandang dilag diyan? ahehehe.
Comment ni lio loco — Abril 16, 2009 @ 3:04 umaga |
Ang ganda ng kastilyong buhangin Kengs! Saang beach yan, kay ganda rin…
Comment ni Snow — Abril 16, 2009 @ 3:46 umaga |
WOW!! Ang ganda ha. Sa Spain ba talaga yan? Pangarap ko pa naman pumunta dun. Magkano naman daw dapat ang donasyon? ahaha.
Comment ni Heleyna — Abril 16, 2009 @ 7:01 hapon |
Hello Kengkay,
Gumagawa na rin sila sa Boracay nyan. Humihingi rin sila ng pera pag gusto mong magpakuha ng picture. Minsan may date pa sa castle, so alam na alam mo kung kailan ka nagpunta sa Boracay.
Oras din kasi ginugugol nila sa paggawa kaya humihinhi talaga sila ng pera. Pero talagang magaling, very artistic talaga. Daming nagpapakuha at nakapila pa kamo.
Comment ni Sofie — Abril 16, 2009 @ 8:28 hapon |
aba advance ng isang linggo entry mo ah mommy kinks pero ang ganda nga ng gusaling buhangin na yan. lahat ngayon ginagawa na ng tao para kumita sa hirap ng buhay san ka man sa panig ng mundo hehe
Comment ni scart — Abril 17, 2009 @ 4:23 umaga |
nice subject.
ano kamera pala gamit mo? may photo blog pala ako kung ‘di mo pala alam.
bisita ka din dun, ha?! mas abala ako dun lately kaysa blogbastic.
Comment ni Jim — Abril 17, 2009 @ 8:33 umaga |
mabuhay, welcome back – back to life, back to reality.. sige tawagan na lang kita for chikahan
Comment ni Toni — Abril 18, 2009 @ 6:25 hapon |