Kwentong Kengkay

Mayo 31, 2009

enjoy mag-jollibee party

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 8:53 umaga
Tags: ,

tanungin ninyo si kengkoy at ang mga little kengkays, super enjoy sila sa jollibee talaga. kunyari pa daw si kengkay, pero enjoy din naman ako. masaya na, sulit pa. oy, hindi ako binayaran ng jollibee ha, pero kung may magbibigay ng gift certificate e tatanggapin ko po :)

ang mga little kengkays, pagbaba pa lang ng eroplano sa NAIA at nakita na nila si jollibee e tumutulo na agad laway nila. binibilang na nila yung mga nadaraanan nilang jollibee (at mcdo sempre). ewan ko ba, iba talaga ang dating ng bubuyog kesa ng clown e.

kaya naman bawat uwi namin e meron kaming jollibee party. kahit na walang may berdey, karamihan ng family reunions naman e sa jollibee, hindi lang pampamilya kundi pang isports pa. super sulit na, tapos wala pang kalat na liligpitin. at masaya lahat kasi busog tapos may uwi pang laruan at lobo.
(may karugtong…)

Mayo 29, 2009

shopping sa divisoria

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 7:13 umaga
Tags:

pwede ba, tigil tigilan na yang iskandalo na yan ano. mas masaya pang mag-shopping na lang, hehehe

sama kayo sa akin sa divisoria at may mapapala pa tayong lahat. butas nga lang ang bulsa. pero puno naman ang bayong. yun e kung alam ninyo kung saan pupunta at kung papano tumawad.

so are you ready? ganito yon. matagal na rin akong hindi nakarating ng divisoria ha. dati halos linggo linggo e karay karay ako dun ng nanay o kaya ng tatay ko. dun kami namimili ng mga paninda. dun kami namimili ng mga tela at gamit para sa aming tahian. at kaya kahit na taga-buhat lang ang beauty ko e sumasama ako dahil walang choice e dahil masarap magmiryenda sa mga turo-turo dun. hmm, naamoy ko pa ang mga sopas at mga pansit! yumm. naamoy ko rin ang pawis ko, heheh

nung huling uwi ko sa pinas nitong marso, aba naman, sempre hindi ko na sya pinalampas. gusto na naman sempre sumama ng buong barangay, pero pinigilan ko sila. sabi ko huminahon at mahirap maghanap ng pwesto sa turo turo kapag buong barangay ang magmiryenda.
(may karugtong…)

Mayo 27, 2009

si kengkay at si doktor kho

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinay Scandal Daw — kengkay @ 4:23 hapon
Tags: ,

i have a confession to make…

may naging relasyon din ako kay doktor kho…

nakilala ko si doktor kho nung nagtrabaho ako sa isang establisimyento na nagbibigay ng saya, nagdudulot ng aliw, nagbibigay ng kaligayahan sa bunganga, tiyan at sa puson… sa establisimyentong pwedeng pahingahan, pwedeng languyan ng kasayahan… dun maraming hinahating-gabi. dun maraming binabati pati ang kinabukasan, minsan pa nga e ilang araw, ilang linggo at ilang buwan dun tumitigil ang mga tao.

normal at pormal ang pagkakakilala namin ni doktor kho. pinakilala ako nung isa sa mga naka-ta-taas sa akin. binigay ko ang aking mga palad. shake hands baga.
(may karugtong…)

Mayo 24, 2009

scammers sa harrison plaza

sa totoo lang, nung bata pa si kengkay, dito kami halos parati sa harrison plaza. malapit lang kasi sa bahay namin. atsaka jeep lang andun ka na.pwede pa nga lakarin kapag naubusan ng pamasahe :D

at nung asa unibersidad ako, dito rin kami madalas tumambay sa harrison plaza. kasi nga isang sakay lang din ng jeep. pwedeng dalawang klase lang ang takbuhan, hehehe.

maganda kasi dito sa harrison plaza. kahit anong sakay ng jeep pwede daanan. taft o mabini o malate. mula baclaran hanggang caloocan. pwede rin LRT kaso mo layo lang ng lakaran pero meron namang orange na jeep na CCP di ba? o kaya sidecar.

ang isa pang pinaka-unique feature nito ay andito ang rustan’s at ang SM. pero ngayon e yung grocery na lang ng rustan’s yata ang andito. pero ang masarap sa grocery, bukas sya hanggang alas gis ng gabi! ang harrison plaza e bukas mula 9 hanggang 9 – walang sawang tambayan at shoppingan.

kaya lang, nitong bumalik kami ngayong 2009; parang iba na yata ang dating ng harrison plaza.
(may karugtong…)

Mayo 23, 2009

kilala ninyo si jimmy castillo lim? UPDATED ulit

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 9:38 umaga
Tags:

more updates:

isang e-mail mula sa kaibigan ni jimmy lim:

Thanks for all the help. Jimmy’s body has successfully been moved to a private funeral parlour this week and will be burried at the Holy Cross Cemetary in Novaliches (he was buried last May 31). We have been able to reach many friends who put together resources and contacts for his proper wake and burial. Special mention has to also go to the Kappa Epsilon Fraternity who moved mountains to make this happen.

kaya lang, hanggang ngayon e wala pa ring contact sa pamilya nya. kaya kung may nakaka-alam, paki-sabi pa rin. siguradong mas gugustuhin ng pamilya nya na alam kung asan sya kahit na wala na sya sa mundong ibabaw.

website na ukol para kay jimmy, andito rin ang kanyang picture: click

isang panawagan galing sa isang kaibigan para sa kanyang kaibigan.

kilala ninyo kaya si jimmy castillo lim?

30 years old. nagtrabaho bilang call center agent. gradweyt ng UP diliman. may tatlong kapatid na nakababata sa kanya – dalawang lalaki at isang babae. bukal nya ay Samar. buhay pa ang nanay pero walang ng tatay.

pwedeng mag iwan kayo ng comment dito sa aking blog kung sakaling kilala nyo sya? ako na lang ang mangangalabit dun sa aking kaibigan kung sakaling may makakilala nga sa kanya.

eto pala ang kabuohang email nung aking kaibigan:

I need some help in contacting the parents and relatives of my friend Jimmy Castillo Lim, 30 yrs old. He was a call center agent who passed away last sunday. His body was found in his rented room in Pasig. Apparently, he died of natural causes, possible dehydration as he had not reported for work for a few days because of this.

I got a copy of the Police Spot Report (Eastern Police District). His body remains unclaimed at the St. Bernadette Funeral Parlor at Mercedes Ave, Brgy San Miguel, Pasig. My friends and I have verified his identity. He was very private about his parents and relatives and only put his “contact in case of emergency” as a room mate who also does not know or have information from where he hails from. HR records also doesnt show up any next of kin. He was a graduate of UP Diliman.

Guys with contacts in TV, radio or print media, please help me make the announcement.

salamat po. at sana makatulong tayo.

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers