Kwentong Kengkay

Mayo 5, 2009

shopping sa taytay, rizal

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 8:57 umaga
Tags: , , , , ,

alam nyo bang may baratan paradise sa may bandang rizal? andun ang garments paradise.

opo, hindi lang divisoria at baclaran ang maaari nyong bisitahin para makipag-tawaran at makipag-baratan.

ito ang aking tinatagong sikret, ang palengke sa taytay, rizal.

na kung saan ay andun din ang mga naglilipanang mag factories na gumagawa ng mga makinang na gown, seksing damit, nadudulas na manggas na mga blusa, kuyukot shorts, cocktail ekek dresses, bananas pajamas, mahangin na duster..

at sempre, pwede kayong lumangoy sa mga por kilo nilang mga tela… as in. muntik na akong malunod sa dami ng telang gusto kong bilhin at ikilo! kung mahilig kayong manahi, dito kayo mag shopping. mura ang tela, mura ang butones, mura ang zipper, mura ang lace, ah basta, kung ano anong anik anik sa pananahi andito.

eksampol. itong tindahan sa pechur. bumili ako ng satin na tela na pang gown sa aking debut. ang binayaran ko lang e 125 pesoses. ang mura di ba? tapos sempre chika chika ko si manang at si manong, kakalangoy ko sa mga tela e nakakita ako ng mga retaso na type ko rin. edi tinanong ko kung pwede na libre na yung mga retaso. pumayag naman sila. o di ba, ang laki ng tipid!
at ayan ang sampol ng mga napamili ko. alam nyo kung magkano ang mga yan? sempre super mura din. kung hindi tig-90 pesoses e tig 100 pesoses lang. at may i-repair pa yan on da spot ng walang extra bayad. ano kanyo ang nirepair? iniksian, ano pa nga ba. super kyut liit kasi ni kengkay e, hahahha

basta, ang mura talaga dyan sa baryo na yan. tapos oks lang na isukat lahat. at oks na na baratang umaatikabo. pero sempre,dapat  may halong joke time :)

naku papano pumunta dyan? alam nyo yung SM taytay? dun malapit ang palengke na yan. andun din nakatago ang mga garment factories. magtanong lang.

sa sobrang mura dyan, nung nakarating ako ng divisoria at baclaran e namahalan na ako sa mga tinda nila, hahaha. sila kasi supplier dun e. eksampol kung 100 sa taytay e 350 na sya sa baclaran at divisoria. pero sempre, sikret natin yan.

TIP: punta kayo ng martes kasi dun daw bagsakan talaga ng presyo ang mga garments. nakalabas lahat sa kalye. pwede kayong lumangoy sa bargain.

Mga Puna »

  1. bukas punta ako taytay!
    sssana meron pa after mo mabisita!

    kengkay: sori, ubos na, weee :) sa pinas ka?

    Comment ni francesca in france — Mayo 5, 2009 @ 9:33 umaga | Tugon

  2. hehe ayun oh nakakuha ako ng tips makaka pag debut na din ako ng di sinasadya nito hehe..
    mami kengkay i like the pink dress ayun oh ung sa dulo hehe..

    kengkay: yung pink dress na yan ang pinaputol ko kasi sa sobrang haba feeling ko trahe de boda, haha

    Comment ni anakngpating — Mayo 5, 2009 @ 9:34 umaga | Tugon

  3. talagang may i shopping ang mami kengkay,hihihihi

    kengkay: napilitan dahil sobrang mura talaga

    Comment ni p0kw4ng — Mayo 5, 2009 @ 10:27 umaga | Tugon

  4. whaah at talaga naman nagbargain hunting ka sa Pinas….kungsabagay sa hirap ng buhay ngayon…dapat praktikal ka,,,,,,,

    kengkay: alergic ako sa lampas sa wan handred pesos, hahaha

    Comment ni blurosebluguy — Mayo 5, 2009 @ 11:12 umaga | Tugon

  5. awu! halughugin ang buong taytay!
    hakhak! XP

    kengkay: tumba sa akin ang taytay, rizal sa halughugan!

    Comment ni batopik — Mayo 5, 2009 @ 11:38 umaga | Tugon

  6. at syempre pa puro mga SEKSI dress ang mga binili para sa SEKSI mommy si ms.Kengks..

    Nice one ms.Kengks!

    kengkay: paseksi sa siksik na nanay kengkay, masarap mag feeling paminsan minsan :D

    Comment ni dencios — Mayo 5, 2009 @ 11:42 umaga | Tugon

    • hehe.
      pahumble daw..

      wala pa update?
      tagal!
      haha

      Comment ni dencios — Mayo 7, 2009 @ 11:02 umaga | Tugon

  7. ang galing mo talaga naman kengs! teka, saan ba yan eksakto sis mapuntahan. Yung isang damit mo diyan (pangalawa sa kabila) kapareho nung isang damit ko pero 180 ko nabili..laki ng namura mo sis! ituro mo naman kung saan yan, shoppingera ako sis! ^_^

    kengkay: kapag andyan ulit ako sa pinas, ihanda mo ang bayong mo :) lapit sya sa SM taytay e

    Comment ni Snow — Mayo 5, 2009 @ 12:58 hapon | Tugon

  8. ..i mean, pangalawa sa kaliwa…kahawig yan ng isang summer dres ko..hhehehe…

    Comment ni Snow — Mayo 5, 2009 @ 12:59 hapon | Tugon

  9. Ngayon lang ako napadalaw ulit sa tahanan mo ate keng… bago na ha! Welkam pa naman ako no? Hehe! Ayos tong tip mo, alam kaya ni Nanay Jarli ito? Hehe!

    kengkay: kapag hindi nyo alam e sasamahan ko kayo.

    Comment ni Lenggai — Mayo 5, 2009 @ 3:13 hapon | Tugon

  10. Buti ka pa, akala ko sa divisoria at tutuban lang ang mura, may taytay pa pala, kaya lang di pa ako nakarating sa lugar na yan, masubukan ngang pumunta

    kengkay: pang textile talaga sya. damit at tela, yun ang kanya.

    Comment ni an2nette — Mayo 5, 2009 @ 4:39 hapon | Tugon

  11. ang ganda nmn po taz mura pa momie kengks… :P

    sana malapit lang kame sa taytay rizal…

    kengkay: ako e dumadayo lang din dyan kahit super trapik minsan

    Comment ni simplefula09 — Mayo 6, 2009 @ 3:10 umaga | Tugon

  12. wah! sayang, di ako makakpunta jan. layooooo

    kengkay: walang malayo kapag baratan time, hahaha

    Comment ni foobarph — Mayo 6, 2009 @ 3:35 umaga | Tugon

  13. wow ang gaganda naman po ng mga napamili mo ms kengks…

    at ang mura ha… nauuso yang gnyng cut ng dress ngayon… kimono po ata ang tawag nila…

    kengkay: updated talaga sila sa style kasi sila din yung bininili na tig 1,000 pesoses sa mga dept stores e

    Comment ni yhen — Mayo 6, 2009 @ 4:03 umaga | Tugon

  14. ate kengks, dami mo namang napamili at mukhang ang gaganda. naku sigurado bonggang bongga nanaman ang porma natin. hehe

    kengkay: sempre naman daming bagong damit, japorms agad, hahaha

    Comment ni ELIment — Mayo 6, 2009 @ 6:07 umaga | Tugon

  15. wow. tipid nga!! di ko pa nga narating divisoria panu kung jan pa =)) ahaha sana mapuntahan ko yan para sa debut ko :D

    kengkay: hahaha. dito ka mamili ng pang debut, super mura

    Comment ni nadine — Mayo 6, 2009 @ 9:09 umaga | Tugon

  16. waaa, buti naman at di ka po nalunod dahi tiyak ko na problema pa kung paano ka po hahanapin, hehehehe

    kengkay: tumpak, hirap pa naman lumangoy sa tela, hehe

    Comment ni jodi — Mayo 6, 2009 @ 11:55 umaga | Tugon

  17. may tag/award ako sayo..
    bisita ka dito..
    http://anakngpating.wordpress.com
    hugs..

    Comment ni anakngpating — Mayo 6, 2009 @ 12:24 hapon | Tugon

  18. LOL at kuyukot shorts! hihihi…

    kengkay: shocking di ba, hahahaha

    Comment ni docgelo — Mayo 6, 2009 @ 1:34 hapon | Tugon

  19. meron pala sa rizal? divisoria palang napuntahan ko hehe.masubukan nga dyan minsan. mas mura ba sa rizal?

    kengkay: dito sa rizal kumukuha ang mga taga divi at baclaran :)

    Comment ni Jason — Mayo 6, 2009 @ 2:32 hapon | Tugon

  20. Uy ang mura nman po jan, ansarap talaga magshopping! :)

    kengkay: murang super mura!

    Comment ni joycee — Mayo 6, 2009 @ 3:45 hapon | Tugon

  21. mommy kengks… sakto naman ang pagbabalik ko sa blogosphere sa entry mo, hehehe… talagang bagsak presyo ang mga garments dito sa taytay… feeling ko nga, garments capital of the philippines ito…

    hindi nga lang ako maka-relate dahil puro pang-gurl ang tinda nila… well, unless gustuhin ko nang mag-gown every day pag papasok ako sa office…

    hehehe!
    :D

    Kengkay: panay gurl ba ang tinda? may mga nakita din akong mga pang boys e pero sempre mas marami talaga ang pang gurl. ano kaya itsura mo kapag nag gown ka sa opis, hehehe

    Comment ni Yuri — Mayo 6, 2009 @ 4:44 hapon | Tugon

    • SAN PO DUN BANDA SA TAYTAY EXACT LOCTION PO PLESE PARA MADALI MAKITA?

      Comment ni ENA — Mayo 26, 2011 @ 3:07 umaga | Tugon

      • hi, malapit sya dun sa isang public elementary na katapat ng dating Plaza na ngayon ay may dunkin donut outlet na rin. kapag asa SM taytay ka, papuntang kaliwa dapat. lampas din ng iglesia ni kristo. basta makikita mo na maraming nakasabit na mga damit at mga tela, yun na yun. pasukin mo yung kalye kung saan may mga nakatambay na tricyle, at magtanong tanong ka kung saan kung mga patahian. good luck

        Comment ni kengkay — Mayo 27, 2011 @ 11:55 umaga

  22. hmmm mukhang may bago na namang pupuntahan ang mga shopaholics

    Comment ni Basti — Mayo 7, 2009 @ 12:18 umaga | Tugon

  23. di ako mahilig sa dress pero inpernes mura talaga huh..at yung 2 dress na magkatabi yung pink at violet ba yun?yun type ko cia..

    Comment ni azul — Mayo 7, 2009 @ 2:12 umaga | Tugon

  24. Wow, that is a shopping paradise for my nanay who is so fond of tela! Mahilig kasi siyang manahi ng kurtina especially now that she’s retired from work ;)

    Mommy Kengks, pasensya na, akala ko naibigay ko na sa iyo ‘yung address ng Pens of Hope, hindi pa pala. Anyway, here’s the mailing address.

    PENS OF HOPE
    P.O. Box 16
    Post Office, Bgy. Dalakit,
    Catarman Northern Samar
    6400

    By the way, if you have a flickr account at type mong magpakita sa picture with the pencils you are sending, a blogger from the US who is also donating to this project has set up a flickr group pool where pictures of donors and pencils can be posted. Here’s the link to the flickr group: http://www.flickr.com/groups/1032135@N25/. I hope you can join us.

    Maraming salamat po!

    Comment ni Nortehanon — Mayo 7, 2009 @ 6:29 umaga | Tugon

  25. wow….looking forward to going there pag uwi ko ng pinas! yes! in fairness talaga ang ku-kyuut nga nung mga damit na napili mo hehe. ang galing naman, bakit ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na’to? :)

    pabisita ulit. :)

    Comment ni Aling Baby — Mayo 7, 2009 @ 7:45 umaga | Tugon

  26. okey dyan..nandyan kasi yung karamihan ng patahian ng mga damit na binebenta dito sa atin..yung iba pang export..

    Comment ni sandijmartin — Mayo 7, 2009 @ 11:28 umaga | Tugon

  27. oi korek k jan.kengkay.narating ko na yan taytay…..akala ko s baha ka nalunod un pala sa tela wahaha. jowk…..uy dami talagang tahian jan sa taytay, un mga me pwesto ng damit sa baclaran kramihan taga taytay….buti ka pa nakita mo na SM taytay,lol. neway dapat lang talaga mging praktikal tayo sa hirap ng buhay ngayon…

    Comment ni jjliz — Mayo 10, 2009 @ 3:22 hapon | Tugon

  28. [...] pinas. alam ninyo naman kung saan pwedeng makakita ng mura pero de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di [...]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Tugon

  29. pwede nyo ba ishare kung san ang exact location nito… medyo hindi ako familiar sa taytay at malayo dito sa quezon city. thanks in advance.

    Comment ni df1 — Hunyo 29, 2009 @ 2:37 hapon | Tugon

    • kapag sasakay ng jeep papuntang binangonan o taytay — galing ng cubao. callejon yun, malapit sa palengke at sa elementary school. kaharap ng plaza mall.

      Comment ni kengkay — Hulyo 2, 2009 @ 9:40 umaga | Tugon

  30. hi poh, saan exactly sa taytay,, kelangan lng para sa thesis. tnx

    Comment ni leani — Hulyo 1, 2009 @ 11:24 umaga | Tugon

    • callejon sya sa may malapit sa palengke at sa elementary school dun

      Comment ni kengkay — Hulyo 2, 2009 @ 9:38 umaga | Tugon

  31. PUNTA KAYO EVERY TUESDAY TIANGE DAY D2 S TAYTAY!!!!

    Comment ni boyet — Hulyo 16, 2009 @ 2:37 umaga | Tugon

  32. SA MAY KALAYAAN PARK,IN THE HEART OF THE TOWN.
    FEAST YOUR EYES SA MGA DAMIT SA PRESYONG WHOLESALE

    Comment ni boyet — Hulyo 16, 2009 @ 2:39 umaga | Tugon

  33. .. wahehehe .! GARMENTS AND WOODWORKS CAPITAL OF THE PHILIPPINES .! ASTIG .!

    .. tga dtoH nga pLa aqoh .!

    .. pwdeng magtanonG .!? saan dtoh stn ang rehearsal hall ng BANDA TAYTAY DOS .!?

    .. tenKs .! GOD BLESS .!;]]

    .. KAWAii .!

    Comment ni aiioteknology.camz — Agosto 13, 2009 @ 4:15 umaga | Tugon

    • hindi ko alam yung rehearsal e, kapag nakarating ulit ako dun, magtatanong ako

      Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:19 umaga | Tugon

  34. .. wahehehe .! GARMENTS AND WOODWORKS CAPITAL OF THE PHILIPPINES .! ASTIG .!

    .. pwdeng magtanonG .!? saan dtoh stn ang rehearsal hall ng BANDA TAYTAY DOS .!?

    .. tenKs .! GOD BLESS .!;]]

    .. KAWAii .!

    Comment ni aiioteknology.camz — Agosto 13, 2009 @ 4:15 umaga | Tugon

  35. .. naKu .! maganda talaga dito sa taytay, rizal .!

    Comment ni aiioteknology.camz — Agosto 17, 2009 @ 6:59 umaga | Tugon

  36. Good Pm!

    Sis how can I contact the seller ng mga damit diyan sa Taytay? Im from cagayan de Oro City sa Mindanao. Interested ako bumili but I dont know how. Can you give me nman mga contact details nila.

    Thanks!

    Comment ni tanasha clothing — Nobyembre 11, 2009 @ 7:47 umaga | Tugon

    • naku, ngayon ko lang nabasa ito — kapag gusto mong magpunta talaga dito sa taytay, mag email ako sa yo para madali.

      Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:21 umaga | Tugon

  37. Hi sana matulungan nyo ako naghahanap ako nang tela na dri fit. I was told na dito daw sa taytay makikita.

    Comment ni felsie — Marso 20, 2010 @ 5:11 umaga | Tugon

    • punta ka lang sa taytay at magtanong tanong dun. halos lahat ng nagtitinda ng tela ay may alam sa mga ganyan.

      Comment ni kengkay — Marso 22, 2010 @ 8:21 umaga | Tugon

  38. helo. pwede po kayang pumunta diretso sa tahian? or same price lng?

    Comment ni maria — Abril 18, 2010 @ 2:45 umaga | Tugon

    • kapag dumeretso ka sa tahian, sempre mas makakabargain ka esp kung dun ka sa may ari mismo makipagusap.

      Comment ni kengkay — Abril 18, 2010 @ 11:00 hapon | Tugon

  39. hi miss kengks, this blog entry was very helpful po.. kagagaling lang po namen kanina sa taytay rizal, i’m from bulacan po pala =) hehehe, eh tagal ko na rin pong naghahanap ng baratan paradise.. unfortunately, sunday po, sarado yung mga establishments.. so nag-ikot po kame sa looban.. nagtanong-tanong sa mga patahian pero di ko po makita yung patahian ng mga dresses.. alam mo po ba miss kengks kung sang street? we went to mulawin st. (i think) kaso puro scrubsuits e.. will very much appreciate your reply =)

    Comment ni teptep — Mayo 23, 2010 @ 1:24 hapon | Tugon

    • hi teptep,

      sa may callejon 11, andun sila nagtatago sa loob. basta kapag nakita mo yung dating plaza department store tapos sa harap nun ay elementary school? dun ka dapat mag ikot ikot. sa may maliit na kalye dun ay may iskinita kung saan kinikilo nila ang mga tela.. magtanong tanong ka dun. kasi pagpasok mo pa lang sa iskinita na yun, makikita mo na yung saan ang mga tahian, bakit? minsan asa labas pati yung makina, hahaha

      Comment ni kengkay — Hunyo 3, 2010 @ 6:29 hapon | Tugon

  40. salamat sa blog na ito…nahanap ko na rin ang sagot sa mga tanong ko…hehehe..nakakatuwa naman.

    thank you miss kengkay! very informative.
    nakatulong ka para magkaroon ng kabuhayan ang ibng tao just like me :)

    God bless!

    Comment ni margarita — Hulyo 31, 2010 @ 7:15 umaga | Tugon

  41. Hi po, just wanna inquire kung san mismo po sa taytay ung bilihan or patahian ng mga dresses that you posted here. Ang gaganda kasi.. I’m from alabang pa and planning to visit taytay para mamili din po, since Christmas season is near na din…;)
    Palengke or tiangge type po ba, or like ng baclaran/divisoria jan?
    Thanks po. ;)

    Comment ni prinzeesa — Setyembre 16, 2010 @ 12:32 hapon | Tugon

    • hi, prinzeesa, late reply ko pero i hope mabasa mo pa rin. basta sa may callejon na malapit sa parco department store, meron ding school dun, from there lakarin nyo na yung mga tindahan. tapos pasukin nyo rin yung mga iskinita. palengke type sya pero kapag tuesday yata mas discounted at mas maraming tinda. kapag pupunta kayo at may sasakyan, medyo mahirap magpark pero dun sa may malapit sa school meron. good luck!

      Comment ni kengkay — Oktubre 29, 2010 @ 5:50 hapon | Tugon

  42. hello po nabangit po ninyo na dito kumukuha ang mga taga divi at baclaran ask ko lang po pati po ba mga pambata terno. shorts. blouses and dresses na pambata dun din po ba? Plan po kc namin ng mother ko pumunta at hanapin ung mga nagbabagsak sa baclaran para po magwholesale kami d2 sa lugar namin. Pangstart po ng business namin. Malaking tulong po ito para smin. Sana bgyan nyo po kami ng kakilala ninyo. Maraming thank you po talaga. If ever po email po ninyo aq. Thank you po sa info.

    Comment ni yeng — Oktubre 26, 2010 @ 6:16 umaga | Tugon

    • hi yeng, lahat ng klase ng textiles products meron sila — pambata, pamlalaki, pambabae, kumot, unan, punda, kurtina, etc. pwede kang magtanong sa mga taga dun kung san yung mga tahian tapos dun ka na rin makipag-usap para wholesale prices. halos lahat ng kanto dun merong tahian. punta ka nga lang dapat ng weekdays para bukas sila. good luck!

      Comment ni kengkay — Oktubre 29, 2010 @ 5:53 hapon | Tugon

  43. hi ms kengs.. if nasa cubao po ako or crossing.. ano po sasakyan papunta dun? jeep po ba? thank you.. im from pampanga pa po kasi

    Comment ni ayo — Nobyembre 15, 2010 @ 11:52 umaga | Tugon

    • hi ayo, sa cubao parang merong mga jeep dun na papuntang taytay na e. tapos sa crossing meron din — may mga FX din. basta yung SM taytay rizal, siguradong dadaan yun dun sa palengke.

      Comment ni kengkay — Nobyembre 16, 2010 @ 8:47 hapon | Tugon

  44. hayyyyyyyyyyyyyy…ang lau ko nmn sa taytay…sana merong ganyan d2 sa cebu…my nkkaalam ba kung pwede mag order nlng ako ng mga damit fr tayaty..?? :) :) :)

    Comment ni aie — Disyembre 11, 2010 @ 6:10 umaga | Tugon

    • aie, not sure kung nagdedeliver sila ng ganun kalayo. pero ang alam ko gumagawa sila ng damit para sa SM, di ba may SM Cebu? yun nga lang, mahal na kapag sa SM mo na bibilhin

      Comment ni kengkay — Hunyo 9, 2011 @ 7:51 umaga | Tugon

  45. Hi sis, tan0ng lang po. Sa crossing po ba may sakayan po ba ng sm taytay? And as in walking distance nlang po ba yun sa sm taytay yung mga bilihan ng mga murang damit? Plan po kc namin magbenta ng rtw like dresses. Meron din po bang mga office attires doon? Hope to hear from you sis. Thank you.ü

    Comment ni Mae — Agosto 11, 2011 @ 8:10 umaga | Tugon

    • hi mae, oo, sa may crossing may sakayan na dun ng papuntang SM taytay. kapag jeep, pwedeng i deretso nyo na papunta dun sa bilihan ng tela. alam ng mga jeepney drivers yun. kapag FX naman, baba kayo sa SM taytay tapos sakay ng jeep o tricycle, deretso lang din ang byahe, lampas lang ng iglesia ni kristo na simbahan makikita nyo na yung simula ng bilihan ng tela. pasukin nyo yung mga maliit na kalye dahil minsan andun din yung mga gawaan, tanong tanong kayo. maraming office attires, party attires, pang bahay, etc… ang importante, magtanong kayo dahil yung iba sa mga bahay bahay, may mga tinda din… good luck!!

      Comment ni kengkay — Agosto 12, 2011 @ 8:44 umaga | Tugon

  46. Thank you sa pagsagot miss kengks.ü last question po. San po mas makakamura, yung market nla evry tuesday or sa bhay2 mismo? May tig 100 din po ba na office attires dun? Hehe. Thanks in advance.ü

    Comment ni Mae — Agosto 12, 2011 @ 1:49 hapon | Tugon

    • hi mae, mura kapag tuesday siyempre kasi nakalabas lahat ng tinda. yung sa mga bahay bahay ay swertihan lang kapag meron silang tahi. so punta ka na lang ng tuesday, tapos magtanong ka sa mga tindahan kung saang bahay ka pwedeng mamakyaw. may mga articles na 100 or less pa nga e, lalo na kung maramihan ang bibilhin mo. magdala ka ng malaking bag :-D

      Comment ni kengkay — Agosto 13, 2011 @ 10:27 umaga | Tugon

  47. Wow! Thank you po sa pagsagot. Ü napakainformative ng mga blog nyo. Binasa ko din yung trip to bangkok nyo, pati tuloy d0on gusto ko na din pumunta. Hehe. punta po kame doon sa taytay next week. Super excited na. Hehe. Ü thank you ulit an Godbless

    Comment ni Mae — Agosto 15, 2011 @ 11:44 hapon | Tugon

  48. hi,,,hindi ba pwede pumnta ng sunday?taga bicol pa ksi kmi kung ppunta kmi pwede lng weekends,,,balak ksi nmn bumili in bulk maramihan para sa business clothing nmin…dba kmi pwede ng sunday pumnta?tnxu

    Comment ni ais — Nobyembre 4, 2011 @ 3:56 hapon | Tugon

    • hi ais, wala kayong masyadong madatnan kapag sunday kasi yung mga may ari ng tahian wala dun. tapos yung ibang tindahan sarado. atsaka mas ok kapag tuesday kasi yun ang talagang araw ng bagsakan, mas mura at mas maraming tinda.

      Comment ni kengkay — Nobyembre 9, 2011 @ 1:55 hapon | Tugon

  49. hi.tanong ko lang po kung meron pa din b yan sa taytay?uhm bukod sa tela na madameng tinda doon meron din po ba na mga ready made na mga damit na?sabi po ng pinsan ko e ang mga shorts dw dun e P4o o P6o.at mga dress e P1oo lan.and tuesday p dn po b ang magandang arw n bumili?until wt tym po bukas ang tiange sa taytay?and kung anu po b ang tinda sa baclaran at divi e ganun din po s taytay mostly?thanks po.

    Comment ni krissy — Disyembre 17, 2011 @ 9:03 hapon | Tugon

    • hi krissy, parang palengke ang schedule ng tindahan sa taytay. sa umaga pa lang bukas na sila. hanggang gabi. pero yun na nga, tuwing tuesday ang parang bagsakan duon. kapag sabado hindi lahat ng tindahan bukas, at kapag linggo, konti lang ang nagtitinda.at yung mga tinitinda sa divi at baclaran? galing sa taytay din yung iba kaya mas mura sa taytay mamili talaga.

      Comment ni kengkay — Disyembre 18, 2011 @ 12:43 hapon | Tugon

  50. bakit po may kakilala ako, halos puro tela daw po ung tindahan, madami po bang rtw?

    Comment ni madsy — Disyembre 25, 2011 @ 11:31 umaga | Tugon

    • merong mga puro tela ang binebenta, meron ding mga RTW. basta magtanong-tanong lang kayo kung saan yung mga damit. basta sa mga tindahan na may mga nakasabit na mga damit, meron dun.

      Comment ni kengkay — Disyembre 28, 2011 @ 4:09 hapon | Tugon

  51. Nagre-retail ba sila doon? Kung wholesale, mga ilan ang minimum? Salamat po.

    Comment ni Aisa Villamor — Disyembre 27, 2011 @ 3:15 umaga | Tugon

    • yung mga binili ko retail prices lang kasi tig-iisa lang sila. pero siyempre mas makakamura kapag wholes sale, depende sa tindahan e. minimum kalahating dosena, o kaya isang dosena.

      Comment ni kengkay — Disyembre 28, 2011 @ 4:12 hapon | Tugon

  52. Marami pa kayang magagandang tinda ngayong katatapos lang ng pasko? May mga curtains bang mabibili doon? Salamat po uli.

    Comment ni Aisa Villamor — Disyembre 27, 2011 @ 3:31 umaga | Tugon

    • maraming mabibili dun, may kurtina, may bed sheets, may punda ng unan, atbp. pero mas maraming tinda kapag tuesday kasi yung ang special sale day daw nila

      Comment ni kengkay — Disyembre 28, 2011 @ 4:13 hapon | Tugon

  53. Paano po ang papunta sa Taytay Rizal (palengke) Anong byahe ng bus ang dapat sakyan pag galing ako Batangas City or Lipa City or Lucena City??

    Comment ni Faye — Enero 11, 2012 @ 3:44 umaga | Tugon

    • hi faye, pag sa batangas city galing, sakay ka ng cubao o kaya edsa crossing. mula dun may mga sakayan sa galleria na bus going to taytay, pag sa edsa crossing naman hanapin mo yung terminal ng jeep.

      tapos, kapag tuesday bagsakan dun. pero dapat maaga ka pumunta kasi kapag tanghali na ay tira tira na lang daw ang aabutin mo. good luck ha!

      Comment ni kengkay — Enero 11, 2012 @ 7:46 umaga | Tugon

  54. HI, BIGYAN NYO NAMAN P AKO NG EXACT NAME NG SELLER NG WHOLESALE NA DAMIT PARA MAIBAENTA KO DITO SA DVO, ONLINE SHOP DIN..THANK YOU PO..

    Comment ni tanya lalata — Enero 26, 2012 @ 9:56 umaga | Tugon

    • hi tanya, kapag pumunta ka sa taytay, marami ka ng wholesaler dun na makikita. magtanong tanong ka para mas marami kang choices. actually, pati naman yung may tindahan wholesaler din sila e. basta galingan mo tumawad. good luck.

      Comment ni kengkay — Enero 29, 2012 @ 12:36 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers