Kwentong Kengkay

Mayo 7, 2009

halo-halo

Isinalansan sa: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Panlasa,Pinas — kengkay @ 12:24 hapon
Tags:

at kapag super init ng panahon? ano ang inyong naiisip?

mag tampisaw sa dagat? maligo araw at gabi? lumagok ng ice tea o kaya e sago at gulaman ng ilang galon? magpaka-sawa sa ice cream? maglakad ng hubad ;D? o maglakwatsa sa loob ng de aircon ng malls? o mag antay ng ulan?

alam nyo ako ang una kong naiisip kapag sobrang init? eto:

ang walang katapat na halo-halo! grabe, gusto kong mag iwan ng baso sa bawat nagtitinda ng halo halo sa kanto kasi gusto kong malasahan ang kanilang ibat ibang sangkap na talaga naming kakatulo ng laway.

ang paborito kong sangkap: minatamis na saging at kamote, langka, macapuno, ube, leche flan, sago, gulaman o jelly, kaong at ice cream on top — kahit na walang yelo at gatas, hahahaha. at kasabay nyan e yung spanish bread ba o kaya naman kamote cue o kaya banana cue.

pero kapag naubos na ang sangkap e hindi ko na nauubos yung yelo at gatas, oks na ako dun. ang habol ko talaga yung laman :)

hmmmm, tsalap tsalap talaga.

Mga Puna »

  1. buti na lang bago ako nabalik ng dubai e nakapaghalohalo ako twice pa sa Pinas. hehehe. sarap. sarap. sarap! teka ang laki naman nyan, naubos mo yan? haha

    Comment ni dencios — Mayo 7, 2009 @ 12:53 hapon | Tugon

  2. ayos halo halo… sarap!!! kaso maulan na kaya malamig na eh.. baka pwedeng halo halong walang yelo sa tag lamig? hehehe

    Comment ni Lalaine — Mayo 7, 2009 @ 4:06 hapon | Tugon

  3. hahahaha..nakakatakam naman mareng kengkay….miss ko tuloy siya….

    Comment ni blurosebluguy — Mayo 7, 2009 @ 8:01 hapon | Tugon

  4. naaalala ko yung declamation ni bitoy.

    “ang torbetet… blah blah* haha!

    Comment ni foobarph — Mayo 8, 2009 @ 1:51 umaga | Tugon

  5. uy talagang nagchowking ah, hindi ko maenjoy ang halohalo ngayon dahil umuulan, walastik na summer. Sana hindi mainit sa pasko, mukhang bumabaliktad na ang panahon ngayon.

    Comment ni bernardumali — Mayo 8, 2009 @ 4:10 umaga | Tugon

  6. love ko yan pero gusto ko yong shaved ice kasi minsa malalki yong ice eh.

    Comment ni nina — Mayo 8, 2009 @ 7:15 umaga | Tugon

  7. tsalaaap! mainet na naman, wala na si emong makapagganyan mamaya!

    Comment ni joycee — Mayo 8, 2009 @ 8:06 umaga | Tugon

  8. sarap aman nian ako kahit wala ng laman,yelo at gatas..kahit ice cream na lang masaya na ako..ahahaha

    Comment ni azul — Mayo 8, 2009 @ 8:27 umaga | Tugon

  9. wow..tsalap tsalap naman :)

    Comment ni sandijmartin — Mayo 8, 2009 @ 9:54 umaga | Tugon

  10. sarap..naglalaway..

    Comment ni anakngpating — Mayo 8, 2009 @ 10:27 umaga | Tugon

  11. Hmm.. May halo halo din ba sa ibang bansa? Mix-mix ba tawag nila dun? Haha :lol:

    Gusto ko sa halo halo yung maraming leche flan at rice crispies ba yun? Sayang lang at may bagyo dito ngayon, di tuloy ako makapag-halo halo.

    Comment ni Neex — Mayo 8, 2009 @ 11:26 umaga | Tugon

  12. wow nauhaw naman ako dito mommy kengks, ang sarap ng halo halo mo

    Comment ni jodi — Mayo 8, 2009 @ 11:34 umaga | Tugon

  13. xmpre naman, yan ata ang ating PINOY STYLE..wala na talagang sasarap jan, buti nga jan ate..libre yelo.. hehehe.. :) mamumulot ka lang, di mo na kailangan ng ICE CRASHER.. hihi..

    Comment ni walongbote — Mayo 8, 2009 @ 3:06 hapon | Tugon

  14. ui tsarap!!

    hapi moders dey!!
    achut…

    Comment ni aga — Mayo 8, 2009 @ 6:03 hapon | Tugon

  15. yummy! masarap yan halu haluin at lalo na pag paubos na at gatas na lang yung natitira, tapos matamis pa, feel like im in heaven na! haha!

    Comment ni cindyrella — Mayo 9, 2009 @ 1:29 hapon | Tugon

  16. wow ang sarap sarap! bigla ko tuloy naisip magpunta sa malapit na chowking, kaso ang lakas lakas ng ulan lately, parang di summer.

    Comment ni Basti — Mayo 9, 2009 @ 1:48 hapon | Tugon

  17. Halo-halong greetings… Happy Mother’s Day!!!

    Comment ni kotsengkuba — Mayo 9, 2009 @ 6:05 hapon | Tugon

  18. Happy Mom’s day too Raq!

    Comment ni Arlene — Mayo 10, 2009 @ 11:51 umaga | Tugon

  19. happy mother’s day po! :D

    Comment ni gudang — Mayo 10, 2009 @ 1:47 hapon | Tugon

  20. happy mother’s day, mommy kengks. ang regalo ko sa nanay ko noong buhay pa siya ay card at bulaklak… at kinukupit ko ang pambili sa wallet niya sempre. hehe

    Comment ni utakmunggo — Mayo 10, 2009 @ 5:54 hapon | Tugon

  21. saan ba merong masarap na halu-halo dito sa manila? wag lang chowking ha yung iba naman…please visit my blog also Deo’s Web Blog

    Comment ni Deo — Mayo 12, 2009 @ 5:44 umaga | Tugon

  22. [...] shoppingan, dapat may miryendahan. kahit na kulang na pera ko, nagpumilit pa ring mag chowking! halo halo time! muntik na kaming maglakad pauwi, hahaha. buti na lang may naka reserve na pamasahe sa isang bulsa [...]

    Pasa ni shopping sa divisoria « Kwentong Kengkay — Mayo 29, 2009 @ 7:13 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.