alam nyo dati, nung narealize ko na kung gaano kalahaga sa akin ang nanay ko… sempre nung bata pa tayo basta alam lang natin na kailangan natin nanay natin pero kung gaano sila kalaga e medyo matagal tagal pa bago sya talaga pumasok sa kukote natin….
alam nyo kung ano ginagawa ko kapag araw ng mga nanay? kapag uwi ko galing sa eskwela, dadaan ako sa may libertad sa pasay — andun yung mga tindahan ng rosas. depende sa naipon kong baon, yun din ang iuuwi kong bugkos ng rosas para sa kanya. take note ha, sa gabi ako dumadaan kasi sempre malapit na malanta yung mga bulaklak atsara malapit sila magsara atsaka malapit na matapos ang araw ng mga nanay — kaya naman pwede akong tumawad.
oo, nung mga araw na yon e kuripot na rin ako, hehehe. pero dahil hindi alam ng nanay ko kung magkano yung mga rosas, sempre tuwang tuwa na rin sya sa bigay ko. nanay ko sya ano. kapag nanay ka e dapat matuwa ka sa lahat ng inuuwi sa yo ng mga anak mo, wag lang mag uwi ng tunay na sakit ulo
nung nagkatrabaho na ako, sempre mas malaki na ipon ko, aba naman, nag-oorder na ako ng regular meals sa jollibee nun ano. feeling mayaman na ako kapag naka-fastfood kapag lunch time. ang binibigay ko sa nanay ko? imported chocolates naman. five gibs yun dun galing sa aking opismayt na nagbebenta ng kung ano anong anik sa opis. pero sempre, hindi pa rin yon alam ng nanay ko. kaya sarap na sarap sya sa tsokolateng bigay ko.
nung asa thailand ako? nagpapadala ako ng pera kapag mother’s day. actually, kahit naman hindi mother’s day nagpapadala ako ng pera, hehehe. at nung andito na ako sa germany? ay, nagpapadala ako ng regalo nya sa mother’s day pasko pa lang. ang mahal yata ng balikbayan box
pero sempre tumatawag ako. kaya lang ngayon ang gusto na nyang kausapin e ang mga apo nya. ano pa nga ba. magkaron kaya ng lola day, hmmm.
at ang mga little kengkays at si kengkoy parating may regalo din sa akin kapag araw ng mga nanay. sabi ko nga sa kanila kahit na wag bumili, ang gusto ko lang e maging mabait sila sa araw na yon. pero sempre kunyari lang yon, nakakakiliti din yatang alam mong may tinatago silang sikreto sa yo, hehehe. kaya excited ako parati kapag umaga ng araw ng mga nanay.
kayo, ano ang binibigay nyo sa nanay nyo kapag araw nila? share naman.


kengkay happy mother’s day sayo at sa nanay mo at sa lahat ng nanay sa buong mundo! salamat po!
Comment ni prinsesamusang — Mayo 10, 2009 @ 2:14 umaga |
I agree Kengkay. Napakaimportante ng ina sa buhay ng bawat tao. Ako rin, mahal na mahal ko ang Mama. Kaya heto, mas lalo kong nararamdaman ang importansya ng pagiging mother na naging isang mommy na rin ako…
Happy Mother’s Day sa iyo Kengs!
Luvs,
Snow xoxoxo
Comment ni Snow — Mayo 10, 2009 @ 3:37 umaga |
kengkay hapi mudra’s day sayo at sa nanay mo!
sensya na ha hindi pa ako makatawag…nagbubusi busihan pa ako eh,hihihi
Comment ni p0kw4ng — Mayo 10, 2009 @ 4:09 umaga |
happy Nanay Day Kengkay
Comment ni scart — Mayo 10, 2009 @ 4:15 umaga |
HAPPY MOTHER’s DAY! momie kengs and sa nanay mo poh!
Comment ni IKAY — Mayo 10, 2009 @ 6:09 umaga |
ang gift ko sa katapusan pa pag sahod pero tatawag ako mamaya para i greet sya
parang napaaga pala ang post ko about mom’s day at iba na ang new post ko ngayong araw. haha
neweys ms.kengkay HAPPY MOTHER’s DAY sayo! here’s my big huuuuuuuuuuug!
Comment ni dencios — Mayo 10, 2009 @ 6:16 umaga |
hi po! happy mother’s day. naaliw naman ako sa post ninyo. =)
Comment ni Prinsesa ng Drama — Mayo 10, 2009 @ 9:06 umaga |
happy mother’s day, kenks
sobra cool mong nanay
saludo ako sayo
cheers!
Comment ni raft3r — Mayo 10, 2009 @ 9:27 umaga |
Hapi mothers day sayo at sayong nanay..
Comment ni sandijmartin — Mayo 10, 2009 @ 10:33 umaga |
nanay kengs, happy happy mother’s day. Isa ka sa mga nanay nanayan ko dito sa blogosphere. sayang lang at di tayo nagkita sa eb nyo nina KK at malen. All the best Mommy kengs
Comment ni bluepanjeet — Mayo 10, 2009 @ 12:04 hapon |
Happy mother’s day! Late na ko.heheheh!
Comment ni antipatika — Mayo 10, 2009 @ 12:22 hapon |
ang galing mong anak at nanay! happy mother’s day!
Comment ni roni — Mayo 10, 2009 @ 3:03 hapon |
happi mudra’s dey mommy kengkay! ikaw ang nag-iisang mommy kengkay ng bayan lol
Comment ni bernardumali — Mayo 10, 2009 @ 3:22 hapon |
hapi mother’s day sau….at sa nanay mo …at sa lahat ng mga nanay!
Comment ni blurosebluguy — Mayo 10, 2009 @ 4:41 hapon |
araw ng mga nanay, so pahinga tayo;sila linis luto noh! pero di pwede eh, tau pa rin;
buti ka pa me nanay pa kengks kaya make the most of it while andyan pa silĂ ;
Comment ni francesca in france — Mayo 10, 2009 @ 4:51 hapon |
happy mother’s day kengkay!
Comment ni annevdns — Mayo 10, 2009 @ 11:15 hapon |
maligayang araw natin sis!
Comment ni marikenya — Mayo 11, 2009 @ 12:25 umaga |
happy mother’s day mami kengkay hehe..at sa mommy mo..
ako po umuwi ng sabado ng gabi tapos maaga gumising bumili ng 1 pink roses,saka po 1 mini cake pag uwi nibigay ko kay nanay..hehe saka ko sya binati..sarap ng piling kasi natutuwa sya..
Comment ni anakngpating — Mayo 11, 2009 @ 3:54 umaga |
belated happy mother’s day kengkay!
Comment ni empress — Mayo 11, 2009 @ 7:49 umaga |
Belated Happy Nanay’s day!
Comment ni callcenterguy — Mayo 11, 2009 @ 9:17 umaga |
hi ate kenks..happy mothers day po.
Comment ni eli — Mayo 11, 2009 @ 9:55 umaga |
Happy belated mother’s day to you Ms. Kengkay!
Mabuhay po kayo! =) Aliw magbasa ng mga posts nyo.
Comment ni docgelo — Mayo 11, 2009 @ 12:24 hapon |
Ate Kengs… pahabol po… Happy Mother’s Day! =)
Comment ni Lalaine — Mayo 11, 2009 @ 4:32 hapon |
belated happy Nanay’s day ate Kengkay
Comment ni karmi — Mayo 11, 2009 @ 7:17 hapon |
belated happy mother’s day momi kengks
ako laging sulat bigay ko dati sa kanya..kapos pa kasi ako non..nung nagkawork ako lahat ng magandahan ako bibilhin ko para sa kanya..
Comment ni azul — Mayo 12, 2009 @ 1:46 umaga |
belated happy mother’s day ate kengkay.
godbless!
Comment ni Joffred — Mayo 12, 2009 @ 3:51 umaga |
happy mothers day sa lahat.
Comment ni Banxietyy07 — Mayo 12, 2009 @ 6:11 umaga |
happy mother’s day mami kengks!
hindi kasi ako showy kaya hindi ko man lang magawang magporward maski na happy mother’s day quote man lang. pero alam ng mami ko na lahat ng pagsasakripisyo ko ngayon eh para sa kanila ng utol ko.
p.s. nagpapadala rin ako ng pera tuwing mother’s day. at maski na hindi mother’s day. akinse’t katapusan. buwan buwan. hehehe.
Comment ni lio loco — Mayo 12, 2009 @ 9:27 umaga |
[...] kasi nga araw ng mga nanay kaya ang boss dapat e yung mga little kengkays. teka muna, bakit parang mali yata [...]
Pasa ni ang aming nanay’s day « Kwentong Kengkay — Mayo 14, 2009 @ 1:07 hapon |