akalain nyo ba namang araw ng mga nanay e nagtatambling si kengkay?
e kasi nga araw ng mga nanay kaya ang boss dapat e yung mga little kengkays. teka muna, bakit parang mali yata ano?
pero masaya naman. kasi bisperas pa lang ng araw ng mga nanay e nakatanggap na ako ng dalawang bagkus na bulaklak. isa galing kay kengkoy (bigay na daw nya kasi baka daw manguluntoy kapag kinabukasan pa); at dahil nainggit si bunsoy, ayun, pinagpipitas din nya ang mga bulaklak sa aming bakuran, weee
at nung mismong araw na ng mga nanay? ay, breakfast in bed si kengkay. ang sarap ng simula ano. kaso biglang humirit ang mga little kengkays na dahil daw araw ng mga nanay e gusto daw nila akong makapiling. naks, na tats naman ako kaya sabay tango ako.
alam nyo kung ano ang ginawa namin? nag tambling!
ayan, umakyat sa pasikot sikot na mga tali. nyayyy, kakatakot po. at hindi pa lang yan. nag touch and go pa kami. hulihan pa daw kami. as in… parang mga unggoy na nagtatambling, tumatalon at nagpapalipat lipat sa sanga. pero aaminin ko, ang sarap pala, hahaha- alam talaga ng mga bata kung papano mag enjoy ano?
at sempre, nag dinner kami sa isang restaurant sa bundok ng Odenwald. eto ang aking pagkain — super dami, super laki – tiningnan ko pa lang e nabundat na ako. may kasali pa yang french fries at salad.
at ang order ni kengkoy e leberwurst o sa madaling salita e sausage na gawa sa atay na may kasamang sauerkraut. grabe, ang laki din ng portion na yan. kalahati na lang yang napiktyuran ko
eto pang ibang pechurs: click


hahahahah wow exciting at fun pala ang drama nyo ng nanay’s day!
Comment ni blurosebluguy — Mayo 14, 2009 @ 2:31 hapon |
ang sweet naman ng mga kengkay bulilits mo mami kengks. happy mother’s day po!
at ang hirap namang ipronounce ng mga german food jan. (german nga ba?) pwedeng hotdog na lang?
Comment ni lio loco — Mayo 14, 2009 @ 2:47 hapon |
ay inferness gusto ko yang mga foods na yan!
Comment ni p0kw4ng — Mayo 14, 2009 @ 6:19 hapon |
parang ang sarap nung unang fud daming masrums..hehe
at ang swit naman ni dadi kengks at mga little kengks..
Comment ni azul — Mayo 15, 2009 @ 1:07 umaga |
Awww kasweet naman ng mga bebe mo mami kengks!!! Happy mother’s day! Hinde belated kase everyday is mother’s day weee!
Comment ni joycee — Mayo 15, 2009 @ 1:58 umaga |
Huwaw, parang ang sarap-sarap nung may mushrooms. Ano po ang sauce niyan, cream based? Yum…yum…
Btw, belated happy mother’s day kengkay.
Lots of love and kisses,
Snow ^_^
Comment ni Snow — Mayo 15, 2009 @ 2:51 umaga |
mami kengkay happy mothers’s day always hehe..
muka ngang masarap ung may mushrooms..
at ang maglaro ng puro tali parang ang saya kapag nahulog ka hehe..:)
Comment ni anakngpating — Mayo 15, 2009 @ 4:42 umaga |
mommy keng ang sarap naman nun ginutom nanaman ako sa mga pix mo…
blated api maders dey hihi
sweet talaga ni daddy kengkoy and little kengkays
Comment ni naglalambingnacute — Mayo 15, 2009 @ 5:31 umaga |
KENGS, i cànt believe sà portion, gusto ko yàn;
dito sà frànce hunderd gràms làng meàt per portion, kàyà gutom pà rin àko if i eàt sà resto, kàyà i go to eàt àll you càn, lol
Comment ni francesca in france — Mayo 15, 2009 @ 6:03 umaga |
KENGS, i cànt believe sà portion, gusto ko yàn;
dito sà frànce hunderd gràms làng meàt per portion, kàyà gutom pà rin àko if i eàt sà resto, kàyà i go to eàt àll you càn, lol
Comment ni francesca in france — Mayo 15, 2009 @ 6:03 umaga |
haha..para kayong nasa sapot ni spiderman,
sausage gawa sa atay? parang ang sarap naman.. kakagutom
Comment ni sandijmartin — Mayo 15, 2009 @ 6:50 umaga |
Ang saya naman nung sa mga tali. Baka ang aming prinsesa pag laki sa pinyahan makipag laro.hahaha! wala naman ganyan dito. pwera na lang pag naisip ni KK gumawa.hehehe!
Comment ni Antipatika — Mayo 15, 2009 @ 8:54 umaga |
nagutom ako bigla don ate !! harhar. saya naman ng nanay’s day niyo
Comment ni nadine — Mayo 15, 2009 @ 11:10 umaga |
langya, napamura ako ah! paano ba naman ang sarap kumain dito sa site mo
Comment ni payatot — Mayo 15, 2009 @ 1:10 hapon |
annyong! belated happy mother’s day po! nilink ko po kau sa blogroll, ok lang po?! hehe
hmm question po, pwede po ba maglagay ng shoutbox or any commentbox sa wordpress.com blog??
Comment ni chennn — Mayo 15, 2009 @ 1:38 hapon |
wow aliw naman yun! ako din guston kong magtambling tambling dun sa mga lubid. hahaha san ba yun? hehehe belated happy mother’s day to you!
Comment ni piapot — Mayo 16, 2009 @ 2:02 umaga |
paranoid po kasi ako kaya ayaw kong makita ako, hehe, salamat po sa link! aalamin ko pa rin kung panu mglgay ng cbox, harhar.. tenkyu po!
Comment ni chennn — Mayo 16, 2009 @ 3:37 umaga |
ngayon lang ulit ako nadalaw, pero pag dumadalaw ako sinusulit ko naman ang stay… nga pala… hanggang pangarap lang ako sa pagiging car racer… hehehe..
Comment ni taympers — Mayo 18, 2009 @ 4:18 umaga |
ang galing naman ng aleman mo na asawa mo keng.. dai siguro nya ‘fans’ nun!
Comment ni sensoryreplays — Mayo 21, 2009 @ 5:31 umaga |
[...] restawrant sa bundok. paborito namin kasi ang mura ng pagkain pero sangkaterba ang laman ng plato. eto mga kinain namin. sarap po talaga. hati pa nga kami ni powkie e, kasi pareho naming gustong kainin pero kakahiya [...]
Pasa ni powkie meets kengki = EBie « Kwentong Kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 7:55 hapon |
[...] restawrant sa bundok. paborito namin kasi ang mura ng pagkain pero sangkaterba ang laman ng plato. eto mga kinain namin. sarap po talaga. hati pa nga kami ni powkie e, kasi pareho naming gustong kainin pero kakahiya [...]
Pasa ni powkie meets kengki = EB « Kwentong Kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 7:56 hapon |
yey, hapi nanay’s day next year! ayan, una akong bumati sa yo, hahaha!
Comment ni roni — Hunyo 2, 2009 @ 1:17 hapon |