helpfff! hindi ako makakita! magmula ng sabado ng hapon ay bulag na si kengkay.
ewan ko ba, hindi ko makita ang aking salamin sa mata. napansin ko lang na wala na sya nung gusto kong manood ng telebisyon nung kinagabihan. sabi ko, am sure makikita ko ulit yon bukas.
nagkaron na ng search party. pati mga little kengkays umikot na rin ang pwet ng kahahanap. kasi sabi ko kasi kapag nakita nila ay may sorpresa sila sa akin na matatanggap. ang unang tanong ni panganay ko ‘saan mo ba talaga huling inilapag?’ isipin ko daw mabuti para malaman nila kung saan simulang maghahanap.
e ang problema nga, blangko isip ko. hindi ko alam talaga kung saan ko sya iniwan ng huli. hirap ng tumatanda gumaganda talaga, hehehe.
ang kinatatakutan ko, baka dun ko sya iniwan sa gym kung saan nagkaron ng sports festival ang aking grupo nung sabado ng umaga. kung dun ko sya naiwan, e wala ng pag-asa pa akong makakita sya. kundi man sya lansag lansag na dahil sa dami ng tao at sa mga takbuhang nangyari; e naitapon na sigurado yon sa basurahan kasi isa ako sa mga huling umalis dun e. malinis na nung umalis kami. hay buhay.
ayan tuloy, walang nood ng tv; di pwedeng mag drive ng kotse; at akala ng mga kabarangay ko e suplada ako kasi hindi ko sila binabati. hindi ako mananalo nito sa ms friendship 2009 ;D
meron sana akong contact lens, ang problema, tinapon ko na nitong nakaraang linggo lang. kasi minsan ko lang sya gamitin. nanigas na sya sa lalagyan, hahaha. hay buhay… pero maganda rin minsan maging bulag ha. walang masyadong hihinto sa yo sa kalye para makichika kaya parating ang bilis ko makauwi ng bahay kapag may errands ako. dahil hindi ako makapanood ng tv, malapit ko ng maubos yung mga librong nalimutan kong tapusin. at dahil wala akong karapatang mag drive, mayron akong drayber ;D
at sempre patuloy ang paghahanap sa aking salamin. ayaw kong bumili ng bago at namamahalan ako. nakakarita na itong kakuriputan ko, ano ba, hahaha
kung nakita nyo sya, pwedeng pakikalabit ako
p.s. eto pa pala malaking problema, sa darating na huwebes e meron akong ka-EB na susunduin ko sa tren station. papano ko kaya sya makikita kung wala pa rin akong salamin? e kanina lang dami na daw kaway ng kaway sa akin hindi ko daw pinapansin, waaaa. pero sa aking ka-EB, huwag kang mag alala, tatalasan ko ang aking pang amoy ;D



bumili ka na….ayan tuloy marami kang namiss…..
kengkay: minsan masarap yung kakamiss
Comment ni blurosebluguy — Mayo 18, 2009 @ 11:19 umaga |
pati pala contack lens napapabayaan mo na rin mommy kengks..naku mahirap talaga ang tumatanda, hehehehe..joke lang po..alam ko gumaganda ka po
kengkay: hmpf
sige, magpapauto na rin ako
Comment ni payatot — Mayo 18, 2009 @ 1:20 hapon |
Bili ka yong disposable na contacts. Ang contacts kasi kailangan talaga palitan every year kung yong hindi disposable gamit mo kahit hindi mo masyado nagagamit. Atleast pag disposable, tapon na lang tapon at kapag nawala o napunit, palitan mo lang agad. May daily, weekly at monthly na contacts. Lilinisin pa rin yan everyday pero tapon na after one day, one week or one month.
Pagawa ka na ng bagong salamin, ako di pwede ang ganyan dati pero nagpa LASIK na ako kaya hindi na ako bulag. Effective talaga. Pa-ganun ka na rin sa pinas. One day lang tapos na. After six hour malinaw na…
kengkay: uy, lasik ka na rin? si kengkoy nagpaLASEK naman sa pinas. yung kanya 5 mins lang tapos na agad. hindi pa ako pwede kasi 250 lang yung grado ng mata ko e, dapat yata above 300 yung grado. balak ko talaga mag contact lens ulit, pero atsaka na at enjoy ko pa ang pagiging bulag ko
Comment ni nina — Mayo 18, 2009 @ 4:57 hapon |
Life begins at…
sige tulungan ko kayong maghanap!
kengkay: uy salamat, sabi ko may sorpresa pag nahanap, hehe
Comment ni sandijmartin — Mayo 18, 2009 @ 10:46 hapon |
mahirap talaga ang walang salamin mommy kengs no.. ako din medyo nalabo na ang mata pero ayaw pa din bumili ng salamin kuripot din hihi
sana mahanap mo na sya!
kengkay: hati kaya tayo? isang linggo sa yo at isang linggo sa akin para tipid, hahaha
Comment ni naglalambingnacute — Mayo 19, 2009 @ 2:01 umaga |
Hay naku kengs, welcome to the club! I have a 275 and 250 vision but thanks to contact lenses.
kengkay: hahaha, ako naman 175 at 250, hindi ko alam kung aling mata yung mga grado na yan.
Comment ni Snow — Mayo 19, 2009 @ 2:30 umaga |
asan ba un mami san mo nga ba kasi nilagay,..
hmmmm:)
naku talagang pang amoy na lang ang pwede mong gamitin, para sa ka EB mo..
hehe..
kengkay: tunay ka, pang amoy muna ang gagamitin ko
Comment ni anakngpating — Mayo 19, 2009 @ 2:31 umaga |
naku momi kengks itapon na ang kakuriputan at bumili ng salamin..mahirap ang walang mata..hehe
kengkay: ganyan ako ka kuripot e, hahaha
Comment ni azul — Mayo 19, 2009 @ 3:19 umaga |
ms.kengks gamitin ang animalistic instinct – ang pang amoy! meron din akong talent na ganyan! haha
kengkay: eekkk, pano kaya kung nagkita tayong dalawa? baka tayo maamoy nila, hahaha
Comment ni dencios — Mayo 19, 2009 @ 8:13 umaga |
punta ka malibay
optometrist kapatid ni raft3r
sagot ko salamin mo!
=)
kengkay: oy, may sponsor na ako. di bale kakalabitin talaga kita sa sunod na uwi ko. papahanap ko na sa nanay ko ang kapatid mo, hahaha
Comment ni raft3r — Mayo 19, 2009 @ 10:30 umaga |
hello ms. kengkay!
habang ika’y nanawagan sa nwawala mong salamin, ako man ay may panawagan din sa yo at sa’yong masugid na tagasubaybay.
ikalulugod ko po ang iyong pagbisita sa site ko at pagboto sa blog ko sa pagklik ng link na nakapost doon upang ang blog ko ay di naman po mangulelelat sa katuwaan at kaaliw-aliw na paligsahan na filipino blog of the week. salamat po!
docgelo
http://docgelo.wordpress.com
kengkay: huy ano yang gimik na yan ha. sige nga at madalaw
Comment ni docgelo — Mayo 19, 2009 @ 11:23 umaga |
hala! Visit ka na ng optalmologists.. baka di ka na makapag blog. hehe, ginawan ko pa namn ng forum ang mga pinoy bloggers. http://forums.pinoyengine.com
kengkay: uy natapos mo na rin pala ha. madalaw nga
Comment ni PinoyEngine™ — Mayo 19, 2009 @ 1:09 hapon |
mahal naman talaga po ang eyeglasses naun..
haay nagiisip na rin tuloy ako
kung papabago ko ‘tong akin..
weetweew! sana mahanap mo na xa
ate kengkay
go japan! ^__________^v
kengkay: kanina nga nagtingin tingin na ako ng salamin e, type ko yung lacoste o kaya yung joop – kaso hindi sila type ng wallet ko kaya umuwi akong bulag pa rin
Comment ni chennn — Mayo 19, 2009 @ 1:22 hapon |
alam mo kung kelan mo makikita yan? kung kelan hindi mo hinahanap
kengkay: tama ka dyan, kaya nga kunyari hindi ko sya hinahanap, hahaha
Comment ni annevdns — Mayo 19, 2009 @ 2:07 hapon |
nong unang basa ko pa lang eh yun na agad ang naisip ko…papaano na ang papaano??? eh di mula pa lang ngayon eh hindi na ako maliligo para amoy na amoy na ang dapat maamoy,hihihi
Comment ni p0kw4ng — Mayo 19, 2009 @ 5:13 hapon |
[...] kakulitan ko dito sa kamunduhan ng blog. sasalubungin ko sya sa train station kahit na bulag pa rin ako. tatalasan ko na lang ang aking pang amoy, sabi ko nga. at sana sasabihin ko sa kanya na ako lang [...]
Pasa ni para sa gustong bumisita kay kengkay « Kwentong Kengkay — Mayo 21, 2009 @ 8:04 umaga |