meron kaming darating na bisita bukas,isang ka EB, isa sa pinaka-magandang kakulitan ko dito sa kamunduhan ng blog. sasalubungin ko sya sa train station kahit na bulag pa rin ako. tatalasan ko na lang ang aking pang amoy, sabi ko nga. at sana sasabihin ko sa kanya na ako lang ang pinakamagandang babaeng nakatayo sa train station sa mga oras na parating sya at saka sempre, ang pinaka-hambog eheste, hambol pala
naglinis na ng kwarto ang mga little kengkays nung isang linggo pa. pati kamo ang sala sinama. pero sempre, nung isang linggo pa yon, hahaha. mamya si kengkoy naman daw mag lilinis. at si kengkay, ano naman daw nag gagawin ko? dahil ako e isang hospitabol na pinay, bibigyan ko na sya ng konting paalala ![]()
1. ang aming banyo at ang palikuran na para sa mga bisita ay walang kandado. kapag gusto ninyong wag maistorbo sa inyong bisnis e siguraduhing pagsabihan ang mga bata o kaya naman e gumawa ng ingay para alam na may tao sa loob. yung tipong ehem ehem o kaya naman ingayan yung pag-babasa
2. e sa totoong buhay lang, lahat ng kwarto sa bahay namin e walang kandado
wala kayong maitatago kung ganon, hahaha
3. may mga bagay na naghihintay sa inyo sa buong kabahayan. katulad na lang sa mga carpet, kung akala ninyong pwede kayong maglakad ng diretso e mali ang inyong akala. kasi minsan e may mga perlas ng silanganan na nagtatago dun tulad ng mga jolens, beads, buhangin at kung ano ano pang maliit na bagay na hindi nakikita ng bulag na si kengkay. mas mabuting magdala ng sariling tsinelas pambahay o kung wala naman e pwede ko kayong pahiramin.
4. at sempre, bago umupo kung saan saan, siguraduhin muna na silya o upuan ang hahantunan ng inyong pwet. pwedeng may mga laruan o kaya naman e pagkain kayong ma-lagpakan. di bale, may washing machine naman at may dryer sa basement kung kulang ang dala ninyong damit.
5. at yung makikita ninyong mga syringes sa aming banyo? huwag pansinin, mga laruan lamang iyon.
6. huwag inumin ang mga makikintab na bote na inyong masasalubong, mga experimento lang yon ng mga little kengkays. baka mabilaukan kayo sa jolens na kahalo dun.
7. magtanong muna kung gusto ninyong gamitin ang mga kulay rosas na shampoo, sabon at losyon. baka masigawan tayo ng mga little kengkays at ma-kick out kayo sa kulay rosas na kwarto.
8. kung gusto ninyong maging mabait sa inyo ang mga little kengkays? edi magdala ng pasalubong at sempre, ihanda ang inyong mga muscles dahil siguradong magpapakarga sila sa inyo.
9. at ang pinakahuli at pinaka importante sa lahat — kayo ay inaasahang tutulong sa gawang bahay, mag bebisit, at mautusan. weeeee
simple lang naman di ba? o sinong gustong bumisita sa amin?
eto ang orig version nyan: CLICK
P.S. hindi alam ni pokwang e may nauna nang bumisita sa amin at nag aantay na sa kanya sa pink na kwarto. abangan ang susunod na kabanata.



nasa Pinas pa ba kayo? hehehe. may domain na pala ako atekengks.
http://coffeehearts.net
Comment ni gracey — Mayo 21, 2009 @ 10:19 umaga |
ang kulit
sagot ko nga salamin mo
pa-check up ka na sa kapatid ko
hehe
btw, dalaw ka
may kwentong malibay ako
have fun sa eb!
pakilala moko sa kanya, ha
Comment ni raft3r — Mayo 21, 2009 @ 12:48 hapon |
mali pa url ko sa 1st comment
hehe
Comment ni raft3r — Mayo 21, 2009 @ 12:49 hapon |
mommy kengks, nalimutan mo ata ipaalala na gamitin ang tabo sa banyo..waaaaaaaaaaaaaa
Comment ni payatot — Mayo 21, 2009 @ 12:49 hapon |
naku pahingi muna pamasahe kengs, ang layo ng alemanya! hehehe…
Comment ni Snow — Mayo 22, 2009 @ 1:16 umaga |
haha.. nakakatuwa ang blog mo..
sana po ay maging friends tayo..
pati po sa friendster iadd mo po ako.. bisita ka rin sa blog ko..kahit ang simula nun ay mejo sawi
Comment ni topherspeak — Mayo 22, 2009 @ 3:41 umaga |
haha.. nakakatuwa ang blog mo..
sana po ay maging friends tayo..
pati po sa friendster iadd mo po ako.. bisita ka rin sa blog ko..kahit ang simula nun ay mejo sawi
http://topherspeak.wordpress.com
Comment ni topherspeak — Mayo 22, 2009 @ 3:41 umaga |
Kaabang abang ang pagdalaw na ito ni Ate Powkie wee
Comment ni joycee — Mayo 22, 2009 @ 3:33 hapon |
kulit kulit ng mga little kengkays mo talaga
Comment ni iris — Mayo 23, 2009 @ 8:16 umaga |
nyaaahaha ankulet
ng lil kengkays :p
Comment ni chennn — Mayo 23, 2009 @ 9:43 umaga |
nakakatuwa. gusto ko makita ang mga babies mo
Comment ni dencios — Mayo 24, 2009 @ 12:13 hapon |
Bat d nangsasama yan c ate pokwang e nkaplanu pla bumisita. Waaah!
Comment ni Eyna — Mayo 25, 2009 @ 3:37 hapon |
Ibang pokwang pala. Erase erase.
Comment ni Eyna — Mayo 25, 2009 @ 3:45 hapon |
[...] alam naming kami na nga ang dapat na magkita ayan na sya, si super powkie! di ba sabi ko nga kapag may bisita dito sa amin ay dapat handang gawin ang lahat o ayan, unang unang gawain nya? makipag laro sa mga little kengkays. nangamote sya sa sungka, [...]
Pasa ni powkie meets kengki = EBie « Kwentong Kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 7:55 hapon |
[...] alam naming kami na nga ang dapat na magkita ayan na sya, si super powkie! di ba sabi ko nga kapag may bisita dito sa amin ay dapat handang gawin ang lahat o ayan, unang unang gawain nya? makipag laro sa mga little kengkays. nangamote sya sa sungka, [...]
Pasa ni powkie meets kengki = EB « Kwentong Kengkay — Hunyo 1, 2009 @ 7:56 hapon |