kapag may tropeyo ang isang tao, di ba super proud sya? sempre naman iba yata ang feeling ng may panalo.
yung iba nga halos araw araw e pinupunasan. yung iba naman nakatago sa de-susing aparador. yung iba naman naka display sa sarili nilang silid. yung iba naman may walk in closet para sa kanilang tropeyo.
ako walang tropeyong maipagmamalaki kundi ang aking dalawang tropeyong parang trumpo kung mangulit, ang aking mga little kengkays. hehe. pero si kengkoy? nakow… ewan ko ba, nagkalat ang tropeyo niyan.
dati nga kasi syang car racer di ba? sumasali sa lahat ng pabilisan. bumili ng mga piyesa ng kanyang kotse at sya din mismo ang nag aareglo ng kanyang kotse. halos araw araw e asa ilalim sya ng kotse at nagkukutingting. at sempre kapag may race e kung saan saan din sya nakakarating. hila hila nya ang kanyang camping gears. kasi dati di pa uso nun ang bahay na asa sasakyan, kung ano man tawag dun :)

yan ang sampol ng mga tropeyo ni kengkoy nung isa pa syang car racer. marami syang ganyan. umabot na sa dalawang daan. yung iba kung saan saan na nagkalat. yung iba asa karton. yung iba lalagyan na ng ballpen. yung iba lalagyan ng jolens ng mga little kengkay. yung iba ginawa ko ng vase. yung iba nilagyan ko ng mga kandila. yung iba tinapon na kasi may kalawang na.
at kasali dyan, may mga news clippings din sya. may mga fan mails din. may mga photo ops. sa totoo lang, ang sarap basahin sana, kaso mo sempre iba na ang amoy, hehe. sabi ko itago nya at baka magkainteres ang mga little kengkays sa mga istorya nya sa buhay.
sempre ang pangarap ni kengkoy e isa sa mga anak namin e magkainteres sa car racing. ano sa tingin ninyo? ang mukhang may interes e ang aming si bunsoy. gustong gusto nya ang mabilis. meron syang sariling de motor na motorsiklo at kung magpatakbo sya e akala mo naman kung sinong sanggano ng kalye. sempre ako naman, oks lang. basta ba alam nya ang gusto nya at sempre, mag ingat silang mag ama. dahil kapag may nangyari e pag-umpugin ko sila, hehehe