finally, sa hinaba-haba ng utuan namin sa blag at sa telepono e nagkita-kits na rin — si powkie at si kengki. dyaraaan. dahil nga bulag si kengkay e ilang beses na palang kumaway kaway siya e hindi ko pa rin sya mapansin, hehehe. mabuti na lang e makatawag pansin ang itsura naming dalawa kaya alam naming kami na nga ang dapat na magkita

ayan na sya, si super powkie!
di ba sabi ko nga kapag may bisita dito sa amin ay dapat handang gawin ang lahat

seryus, natatalo kasi sa sungka
pagkatapos namin syang pamahingahin ng isang minuto, kasama pa dun yung sungka championship ha — dinala namin sya sa isa sa mga paborito naming restawrant sa bundok. paborito namin kasi ang mura ng pagkain pero sangkaterba ang laman ng plato. eto mga kinain namin. sarap po talaga. hati pa nga kami ni powkie e, kasi pareho naming gustong kainin pero kakahiya naman kung sabay.

seryus na naman, gutom na kasi e
at dahil nabundat, nag strolling muna kami sa bundok. kunyari lang yon, kasi ang tunay na puntirya e posing posing. ayan, kita nyo ang mga propesyonal na photographers?

laban kayo sa mga paparazzis?
at sempre, dinala namin ang aming bisita sa kastilyong buhangin sa kapitbahay. baka kasi may natutulog na prinsipe e sa kanyang halik lang magising, hehehe

ang prinsesa powkie
okay, unang araw pa lang yan. sa sunod na post ko ay ang aming lakwatsa sa heidelberg at sa rizal park ng alemanya. sempre naman, may rizal park dito ano.


Nakanaman si Powkie! Buti naman nag-meet na kayo. Aabangan ko ang mga susunod pang kwento sa Meet n Greet na ‘yan. = D
Comment ni The Gasoline Dude — Hunyo 1, 2009 @ 9:54 hapon |
wow talagang sa Alemanya yan ah..
galing sa sungka ng lil kengkay
ano po yung dinodrowing nila dun?
Comment ni jason — Hunyo 1, 2009 @ 10:59 hapon |
para hindi mainip ang mga kids sa restaurant e nagbibitbit si nanay kengkay ng papel at crayola
yun lang yun
Comment ni kengkay — Hunyo 2, 2009 @ 4:49 hapon |
napadpad at nakibasa
Comment ni peachkins — Hunyo 2, 2009 @ 1:01 umaga |
Huwaw ka-inggit naman talaga ako sa mga naka-EB. Tayong 2 hindi pa nagme-meet!
Hi Kengs, kumusta ka na? ^_^
Comment ni Snow — Hunyo 2, 2009 @ 2:19 umaga |
kahit nasan ka talaga momi kengks laging may ka-eb..yan ang sikat!
hehe
Comment ni azul — Hunyo 2, 2009 @ 2:44 umaga |
wow ang galing naman… ang dating sa net lang nagtatagpo nagkakatagpo na rin sa personal…
kainggit…
Comment ni yhen — Hunyo 2, 2009 @ 2:48 umaga |
hehe aantayin ko naman ang EB natin mommy wait mo ang isisigaw ko one of this days sa bahay ko hane hehe..
baka sakaling makasama ka hehe..
wow sungka sana makalaro ko rin sila hehe..
may rizal park andun ba si jose rizal mommy..
Comment ni anakngpating — Hunyo 2, 2009 @ 3:05 umaga |
galing aman momie kengks,,,,,,
tc po
sana tayo din may e.b
Comment ni simplefula09 — Hunyo 2, 2009 @ 3:34 umaga |
kakaibang adventure nanaman yan hihi. sungka! nakakamiss tuloy laruen XD
Comment ni nadine — Hunyo 2, 2009 @ 5:49 umaga |
ang saya naman
Comment ni sandi — Hunyo 2, 2009 @ 8:45 umaga |
kengkay..sasabihin ko ulit…salamat ng marami..enjoy ako sa company ng buong pamilya..sana may kasunod pa ulit,hihihi sa pinas naman!
hugs at kisses sa buong pamilya!
Comment ni p0kw4ng — Hunyo 2, 2009 @ 10:26 umaga |
eb lang ng eb
hehe
astig yun pix, ha
parang super excited sya
hehe
Comment ni raft3r — Hunyo 2, 2009 @ 10:27 umaga |
iba na talaga ang sikat ah! sana mapadpad ako ng alemanya one of these days…..
Comment ni blurosebluguy — Hunyo 2, 2009 @ 11:39 umaga |
naks naman at sa ALEMANYA talaga. eh sosyalan naman pala ang laban. hahaha! asan na ang kasunod???
Comment ni Prinsipe ng Pangarap! — Hunyo 2, 2009 @ 11:52 umaga |
wahaha, natalo si powkie sa sungka! mas magaling mag-kandirit ang little kengkay, hahaha!
Comment ni roni — Hunyo 2, 2009 @ 1:14 hapon |
Uwe na kayo ulet dito para Grand EB naman weee…
Comment ni joycee — Hunyo 2, 2009 @ 2:24 hapon |
Di ko pa na-try mg meet and greet chorva. Sana me maka-meet din ako. Pisbol tayu dito sa kanto.
)
Comment ni jiMboy — Hunyo 3, 2009 @ 3:05 umaga |
okey, mamyang hapon. gusto kong sauce e yung maanghang
Comment ni kengkay — Hunyo 3, 2009 @ 10:01 umaga |
mami kengs..kelan mo padala plane tiket ko?hehe
Comment ni flamindevil — Hunyo 3, 2009 @ 10:21 umaga |
[...] Older » [...]
Pasa ni sa heidelberg naman « Kwentong Kengkay — Hunyo 3, 2009 @ 10:29 umaga |
[...] park sa alemanya nakakahiya mang aminin, kung hindi pa dumating dito si pokwang e hindi ko pa mabibisita si lolo jose. e halos kabitbahay ko lang naman sya dito. kaya naman [...]
Pasa ni rizal park sa alemanya « Kwentong Kengkay — Hunyo 4, 2009 @ 12:53 hapon |
[...] namin sa restaurant naman. dun sa pinuntahan namin ni pokwang nung nagliwaliw sya dito sa amin. kaso mo naman, mura nga yung pagkain; taob naman kami sa inumin. alam nyo naman, kasali sa mga [...]
Pasa ni fingerfood « Kwentong Kengkay — Hunyo 22, 2009 @ 4:27 hapon |