ngayon ay botohan sa alemanya.
dumating sa smail post yung kani-kanilang mga papel kung saan sila boboto at andun na rin yung listahan ng mg kandidato mga dalawang linggo bago magbotohan. kaya naman ngayong umaga, namarkahan na ni kengkoy yung kanyang listahan para ihulog na lang at pumirma sa botohan. madaling natapos.

ang listahan
yun na nga lang, kapag may nakitang kakilala e sempre, chikahan muna. at ang topic? sempre hindi tungkol sa halalan. kundi tungkol sa buhay buhay, tungkol sa panahon, tungkol sa kapitbahay
teka nga pala, hindi porke halalan dito e mapupuno na ng posters ang bawat pader. hindi po. meron po silang tinatayong mga poster walls na kung saan dun pwede mag paskil ng kanilang mga pechurs. at dun lang talaga sila nagpapaskil. kasi bawat paskil dito e dapat may tatak ng city hall. at hindi rin sila magastos sa mga pinamimigay na kung ano anong papel, basta nagpapadala lang sila sa mga bahay bahay tapos na yun. karamihan na e sa mga dyaryo at mga circulars na lang nag eemote.

ang mga kandidato
at meeting di avance? wala pa akong naririnig na ganyan. iba ang drama dito. grillfest o barbecuehan. parang piesta ng mga kanya kanyang partido. at sempre, binibili yung mga binabarbecue at yung gusto nilang inumin. hindi libre, hehehe. pinupuntahan naman sila ng kahit na hindi nila kapartido kasi sempre, gustong gusto nilang kumain ng barbecue dito e. sarap naman kasi lalo na kapag summer time.
at ang botohan e sa mga eskwelahan din, mula umaga hanggang gabi. pero isang classroom lang ang ginagamit. e kasi naman ibibigay na lang yung boto at pipirma di ba? ganun lang kabilis.

sa botohan
at pagkatapos ng botohan? kinagabihan e alam na nila agad kung sino ang nanalo. simple lang di ba? e bakit nga naman nila papahirapan sarili nila. e gusto na nilang umuwi ng bahay.
sana maging ganyan din sa pinas ano?


mukhang malabo yata sa pinas ang ganyan mami kengks.
–sya nga pala wlaa pa akong update dun sa friend mo.
medyo ngarag kasi ako ngayon. meron na bang naging update mula dun sa iba pang tumutulong maghanap? ingat jan sa alemanya mami kengks
Comment ni joshmarie — Hunyo 7, 2009 @ 4:36 hapon |
na update ko yung post ko about jimmy lim. nailibing na sya sa tulong ng mga kaibigan pero until now e hindi pa rin alam kung asan ang pamilya nya. kakalungkot ano?
http://kwentongkengkay.com/2009/05/23/kilala-ninyo-si-jimmy-castillo-lim/
Comment ni kengkay — Hunyo 8, 2009 @ 3:33 hapon |
tama si joshmarie, napakaimposible mangyari ang ganyan dito sa pinas.. sa dami ba naman ng mga mandaraya… tsk.
Comment ni Basti — Hunyo 7, 2009 @ 6:59 hapon |
hmmm kahapon ang botohan dito sa italya nagsimula na rin…pero ayon sa aking kaibigan…kokonti lang daw ang bomoto….di tulad sa atin masaya …maraming tao at parang piyesta!
Comment ni blurosebluguy — Hunyo 7, 2009 @ 7:53 hapon |
todày sundày botohàn din,dito here sà frànce, pero di pà àko cit ng frànce kàyà ligtàs àko, hehe.
Pero si lolo, got some 20flyers to reàd, he didnt even look.
He is fed up of election, they dont solve ànyhting dàw nàmàn.
Comment ni francesca in france — Hunyo 7, 2009 @ 10:36 hapon |
kung ganiyan ang botohan satin di sana hassle O_O at wala pa patayan at patayan ng kuryente. Hahahah.
Comment ni nadine — Hunyo 7, 2009 @ 10:51 hapon |
parang mghuhulog ka lng ng sulat ang botohan no? hehe
sa pilipinas? ahh mtagal pang mgyayari yan.
Comment ni Joffred — Hunyo 8, 2009 @ 2:37 umaga |
asteeg! iba talaga pag mature na yung demokrasya sa isang bansa — hindi na automatic na nagdududa ang electorate na may pandarayang magaganap (gaya dito satin. hehe)
sinong party po binoto mo, mareng kengks? CDU, SPD, FDP, Die Linke, The Greens?
Comment ni taroogs — Hunyo 8, 2009 @ 4:41 umaga |
pinay pa si ako
sa tingin ko si kengkoy nag CDU e, pero am not really sure
Comment ni kengkay — Hunyo 8, 2009 @ 10:40 umaga |
hello po…
i would like to invite you to join PEBA contest.
kindly visit http://pinoyexpatsblogawards.com/
and click the guidelines tab for more information…
salamat po….
Comment ni A-Z-E-L — Hunyo 8, 2009 @ 4:51 umaga |
oo nga ms kengkay mukang mas maganda yung ganyang way ng botohan… mas simple mas maganda.
sa Pinas kasi kumplikado, palibhasa kumplikado din ang sistema hehe…
at isa marami kasi matatalino dito sa Pinas kaya ayawa patalo… hehe
Comment ni yhen — Hunyo 8, 2009 @ 9:16 umaga |
sa amen sa bayan ng marilao nalalaman din agad kinagabihan. ewan ko alng sa ibang bayan
Comment ni dencios — Hunyo 8, 2009 @ 9:26 umaga |
aba, kitams, may pag-asa ngang maging maayos. ayan na nga at ang marilao e matino pala.
p.s. alam mo bang tambayan naman yang marilao nung college? dyan kami sa palengke ng marilao nag-aalmusal, hehehe
Comment ni kengkay — Hunyo 8, 2009 @ 10:42 umaga |
wow… ang ganda nga kung ganun ano? organized at wala ng emote-emote pa. very practical. di pa ganun kagastos.
siguro mga 1000 years from now, baka pwede nang maging ganun ang botohan dito sa pinas. hehehe…
Comment ni siangelnawalangpakpak — Hunyo 8, 2009 @ 12:23 hapon |
ibang klase nakakatuwa at nakakainggit naman talaga. hindi pa talaga tayo ganun kaorganize at kacivilize pagdating sa ganitong mga bagay.
Comment ni prinsesamusang — Hunyo 8, 2009 @ 10:56 hapon |
Sana naman maging ganito sa Pinas. Oh well.
Comment ni Snow — Hunyo 9, 2009 @ 4:06 umaga |
haaay… nkakainggit nman jn.. sana ganyan ka-disiplinado ang mga tao d2.. sa bagay, mas-mature nman kc ang gobyerno nila. kung baga sa bata, ang pinas, nasa puberty stage pa rin. malayo n rin ang narating nilang mga aleman.. mula sa pagiging katutubo at barbaro noong unang panahon. hanggang s Nazi era. at ngaung modernong panahon…. sana lang, di magtagal ng ilang daang taon bago mag-mature ang pilipinas. sana nman di n tyo palaging nka-sandal kay Uncle Sam. kung ang South Korea nga, mahirap na bansa din nung 1980′s.. ang Dubai, fishing village lng mga 50 yrs ago.. Gnun din nmn halos ang Singapore. Sana nmn, bago ako mamatay, maranasan kong maunlad din ang Pilipinas. I want it all to happen in my lifetime! wacha think?
Comment ni musicparadox — Hunyo 11, 2009 @ 4:57 umaga |
haaay… nkakainggit nman jn.. sana ganyan ka-disiplinado ang mga tao d2.. sa bagay, mas-mature nman kc ang gobyerno nila. kung baga sa bata, ang pinas, nasa puberty stage pa rin. malayo n rin ang narating nilang mga aleman.. mula sa pagiging katutubo at barbaro noong unang panahon. hanggang s Nazi era. at ngaung modernong panahon…. sana lang, di magtagal ng ilang daang taon bago mag-mature ang pilipinas. sana nman di n tyo palaging nka-sandal kay Uncle Sam. kung ang South Korea nga, mahirap na bansa din nung 1980′s.. ang Dubai, fishing village lng mga 50 yrs ago.. Gnun din nmn halos ang Singapore. Sana nmn, bago ako mamatay, maranasan kong maunlad din ang Pilipinas. I want it all to happen in my lifetime! wacha think? haaay!
Comment ni musicparadox — Hunyo 11, 2009 @ 4:57 umaga |