kahit na matagal na ako dito sa alemanya e hindi pa ako nakaka-attend ng kahit na anong pinoy piesta dito sa alemanya. kasi medyo mahiyain ako sa mga ganyan e. sa mga nakikita ko kasi parati silang naka-gown o kaya naka-terno; e naiinsecure ako kasi wala akong ganon
pero dahil merong nangulit sa akin at nagkwento na marami daw pagkaing pinoy na mabibili dun, aba, sama na ako agad. basta kainan e hindi ako naiinsecure sempre.
at sa totoo lang, sa dami ng makikita at mabibili at makakain at maaamoy at machichika at kung ano ano pa… super nag enjoy po kaming lahat. ang mga little kengkays nung naamoy pa lang ang barbecue e gusto na lang dun na tumambay. naka limang sticks silang dalawa na may kanin na kasama.
ako naman? hirap mag desisyon. nakichika muna ako sa mga nagtitinda, nagtanong tanong, naki usyoso. nag sisig muna,nag longganisa, nag barbecue, nag puto, nag halo halo… tapos nag take home ng siopao at bumili ng hikaw. inis nga ako kasi gusto ko pa sanang mag take home ng dinuguan at ng bistek kaso mo e hinatak na ako ni kengkoy. mas masarap daw kapag ako nagluto. hmpf, inuto pa ako. e alam ko namang hindi ako marunong magluto ng ganun, waaa
anyway, ayan ang mga pechurs. enjoy!

dito ginawa ang selebrasyon

longganisa, sisig at longganisa for take home

mangga, kaso galing pakistan

barbecue pinoy style at san miguel beer, ayun asa box

binagoongang gulay, daing, dinuguan

hopia

itlog na pula, balut at chicharon

meron ding nagtitinda ng real estate

invited din ang goldilocks

siopao, mami, sapin sapin

ang presyo, bow

walis

san mig

ang barong

may halo halo din

hotdog na may balot, at ang tinapay na may palamang niyog. ano nga tawag dun?

may EB rin sempre
ang bagong lutong nanay at tatay na kung hindi ako inimbita sa fiesta na ito ay ang dami kong na miss. salamat sa pagimbita dear lilay.
andito ang iba pang pechurs: click


shempre kengs naghoard nako ng itlog na pula, tocino at longganisa thanks sa pictures, sa sunday ulit kita kits ninang =P
Comment ni lilaybulilay — Hunyo 16, 2009 @ 11:47 umaga |
ang saya naman pala dyan…ako noong sunday nakiusyuso din dito sa roma….kinain ko…..kanin, adobo manok, longganisa, bola-bola, lechon, lumpiang prito, hopia at halu-halo hehehehhe…id nga masyadong marami nabundat lang naman…aba at guest pa namin si tsokoleyt at kempee de leon…… saya ….saya……kahit nabilad sa araw…hahahahahaha…kami pala ni revsiopao nagkita doon at nakiusyuso….sa mga may tfc -europe…aba at nainterview pa siya ha…tungkol daw sa kalayaan….ako…dakilang alalay nya …tagakuha ng piktyur….ok lang….hehhehehehehehe
Comment ni blurosebluguy — Hunyo 16, 2009 @ 12:47 hapon |
Ay ang saya, nakakatuwa naman at kahit na malayo na kayo sa Pinas eh sineselbreyt pa din ang pagiging Pinoy..
Comment ni joycee — Hunyo 16, 2009 @ 3:29 hapon |
ay heyt yu kengkay!! yan ang namimiss ko dito sa hamburg…walang ganyan dito hindi tulad sa Milan na every sunday eh marami kang makikitang mga ganyang food!
naglalaway ako habang nititingnan ang mga petyurs! huhuhuhu
Comment ni p0kw4ng — Hunyo 16, 2009 @ 4:51 hapon |
huwawawawawaw parang nasa pinas lang mommy ang galing hehe..
sana naki piesta rin kami hehe..
ang saya..
Comment ni anakngpating — Hunyo 17, 2009 @ 3:57 umaga |
pan de coco. ansaya huh, kainggit. gusto ko yung walis tambo!
Comment ni roni — Hunyo 17, 2009 @ 5:21 umaga |
wow may pandecoco nadin jan… ang galing ah… galing po ba lahat sa pinas yan o ginawa na jan?
Comment ni yhen — Hunyo 17, 2009 @ 9:42 umaga |
wow daming pagkain. naubos kaya yun? may program ba?
Comment ni bernardumali — Hunyo 17, 2009 @ 9:43 umaga |
mabuhay ang mga pinoy sa alemanya!
Comment ni dencios — Hunyo 17, 2009 @ 9:53 umaga |
pan de coco ang tawag sa tinapay na may niyog. May “balot” din pala dyan?
Haha.. ang lakas kumain ng little kengks’..haha
Comment ni sandi — Hunyo 17, 2009 @ 10:42 hapon |
nagulat ako sa real estate? san mga binebenta nyang lupa? sa pinas ba? kase fiesta Filipina yan di ba? hihi
Make or Break
Comment ni pehpot — Hunyo 18, 2009 @ 1:13 umaga |