Kwentong Kengkay

Hunyo 17, 2009

beware: traffic robbery modus operandi

Isinalansan sa: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 1:22 umaga
Tags: ,

Nakuha ko sa facebook na nanggaling naman sa text message na nakumpirma din ng ibang kaibigan…

May bagong modus operandi na naman ang mga maiitim na budhi na gumagala sa lansangan. Totoo man o hindi, basta alam natin na dapat mag ingat sa ganitong mga sitwasyon. Maging alerto tayo.

Beware of EDSA TRAFFIC ROBBERY GANG. Babala sa tinatawag na EDSA traffic robbery gang.

Lock your car doors. Do no open your windows. Do not get out of your vehicle to shoo away teens who sit on top of your carhood. Happens evening rush hour traffic between EDSA and Pioneer St. and EDSA and Shaw Blvd. Please pass. Thank you. – True or no, be careful.”

Isarang mabuti at i-lock ang mga pinto ng sasakyan. Iwasan o huwag bubuksan ang mga bintana. Iwasan o huwag lumabas sa inyong mga sasakyan para sawayin ang mga batang uupo sa harapan ng inyong kotse. Nangyayari ito tuwing rush hour sa pagitan ng EDSA at kalye ng Pioneer at ng EDSA at Shaw Blvd.

Ipaalam sa lahat ng tao. Kung totoo man o hindi, mag ingat tayo.

At may dagdag pa na nangyari din daw ito sa may Osmena Road. Dati ko ng naririnig naman sa may Coastal Road na may nagkukunwaring aksidente tapos kapag bababa yung driver e holdap pala.

At dahil nga sumasabay sa rush hour, minsan sa pagmamadali e hindi na tayo nakakapag-isip isep ng todo. Minsan kasi ang gusto na lang makauwi agad. Kaya talasan ang pakiramdam.

Ang masasabi ko lang sa ganitong mga bagay, kapag hindi maganda ang pakiramdam ninyo sa mga sitwasyon na sa harap ninyo — mas mabuting tumawag ng pulis at ipaalam ang mga pangyayari. Lahat naman tayo ay halos may dalang celpon, di ba?

Ingat lang po!

Mga Puna »

  1. yup, kaunting ingat lang talaga ms kengkay… we never know…

    atska one thing pala, wen we go out or kahit asan man tayo magpunta it helps if we pray for our protection and safety para di tayo napapahamak… ;-)

    Comment ni yhen — Hunyo 19, 2009 @ 1:00 umaga | Tugon

  2. ingat na lang talaga sa lahat! hay dahil sa mga kasamaan na yan magiging suplada at mapanghinala ka na lang talaga e.

    Comment ni hitokirihoshi_kawaii — Hunyo 19, 2009 @ 7:26 umaga | Tugon

  3. tama… tatandaan ko lahat to.
    kahit nagjejep lang ako at walang kotse. masmarami pa ngang modus sa jeep diba?

    yung mga hugot-hikaw nakow!!! kasama mapapatid yung earlids ay earlobes pala

    nay kengks salamat sa pagabati sa aking birthday ha!!! thank you tank you pa kiss po nay

    Comment ni jason — Hunyo 19, 2009 @ 11:23 umaga | Tugon

  4. dyan ako palaging dumadaan sa pioneer at shaw blvd., may mga traffic enforcer dyan at pulis pero meron din mga batang pagala gala ;) kungdi may daladalang sulat na ibibigay sayo, naglilinis ng sapatos ng mga nakasakay sa jeep, naglilinis ng salamin ng jeep kapag maulan…sari saring ang nakikita ko dun.

    Tama, dapat maingat talaga at palaging nakalock ang ating sasakyan at nakasara ang bintana.. minsan kasi yung iba ay nandudura pa (excuse me po)

    Comment ni sandi — Hunyo 19, 2009 @ 1:10 hapon | Tugon

  5. Naku naku, sa panahon naten ngayon dapat lagi ingat talaga. Andami talaga manloloko hay :(

    Comment ni joycee — Hunyo 19, 2009 @ 2:14 hapon | Tugon

  6. Share ko lang din yung nakita ko dati mga 8 years ago pa. May isang bata biglang binuksan yung taxi sabay kuha sa cellphone nung pasahero. Ang bilis. Shocked kame lahat. Ganun ganun nalang ba magnakaw ngayon? or first time ko lang makaakita ng ninanakawan? Hehe

    Comment ni Jason — Hunyo 20, 2009 @ 9:23 umaga | Tugon

  7. ang hirap din kasi hindi maawa minsan pag may nakitang aksidente sa daan, tapos wala tumutulong.

    Comment ni Jason — Hunyo 20, 2009 @ 9:25 umaga | Tugon

  8. sa hirap ng buhay, lahat kapit na sa patalim

    on a lighter note, happy father’s day ke kengkoy!!!

    Comment ni raft3r — Hunyo 20, 2009 @ 12:54 hapon | Tugon

  9. hala anu ba yun… kung anu ano na naiisip nila para lang kumita ng pera.. eh ang sasama pa! hay naku… ingat n lang po at salamat po sa paalala. =)

    Comment ni Lalaine — Hunyo 20, 2009 @ 5:29 hapon | Tugon

  10. or take them a photo, tyak, takbuhan na yan, palayo!

    Comment ni francesca in france — Hunyo 20, 2009 @ 6:37 hapon | Tugon

  11. Happy fathers day po kay Sir Kengkoy.!!!

    regards

    Comment ni jason — Hunyo 21, 2009 @ 6:01 umaga | Tugon

  12. nakakatakot na talaga ngaun ang dami ng halang ang bituka at balunbalunan… pabata-ng pabata pa ang mga sangkot… ang hirap ng magtiwala…

    Comment ni joyo — Hunyo 21, 2009 @ 6:43 umaga | Tugon

  13. pabati din po muna kay daddy kengkoy mami..happy fathers day po..

    nakakatakot na po talaga ang panahon ngayon..
    kaya doble2ingat ang kailangan..

    buti na lang wala pa kong four wheels hehe..

    Comment ni anakngpating — Hunyo 21, 2009 @ 9:56 umaga | Tugon

  14. maswerte aku dahil di pa ku nahoholdap. nadukutan lang twice. tanga ko talaga hahaha~

    Comment ni jiMboy — Hunyo 22, 2009 @ 3:02 umaga | Tugon

  15. hindi mawawala ang holdapan dahil sa kahirapan.

    Comment ni Elias — Hunyo 22, 2009 @ 3:38 umaga | Tugon

  16. ate kengks, totoo po yun. nakakita ako once sa edsa eh. at tama, sa edsa guadalupe, bago dumating sa may sakayan ng mga bus.

    the taxi was about 4 or 5 cars ahead of me, on the inner lane. shempre traffic, tapos napansin ko nung medyo hindi na gumagalaw yung lane niya kasi nakahinto siya. tapos kita ko may mga bata (siguro around 10-13 yrs old) na hinarang siya harap tapos yung isa nasa may drivers’ side. bukas yung door, at parang may kinukuha from the inside.

    kala ko nung una kinokotongan lang nila yung driver. siguro nga ninanakawan na. or, hinoholdup. ayun. so so simula noon, i always always made sure my doors are looked. kung may mamamalimos man, hindi ko pinapansin.

    Comment ni iris — Hunyo 29, 2009 @ 4:15 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.