atsaka na yung pechurs ng fingerfood dahil may chika akong iba.
nagpunta kami ng consulate ng pilipinas sa frankfurt nung isang linggo. napadaan kami dito sa higanteng babaing kumakaway. kita nyo sya?

sa frankfurt
kung hindi pa kami naligaw sa consulate, hindi pa namin mababasa itong nakapaskel na ito: announcement para sa selebrasyon ng berdey ni gat jose rizal. binasa ko kay kengkoy, gusto ko kasi pumunta kaso naman puno na ang schedule namin sa mismong sabado na yon…

ang announcement tungkol sa berdey ni rizal
aba, anong saya ko nung sabihin nya na pupunta daw kami! yipeee. sempre naman, ngayon ko lang nalaman na parati pala nilang pinaghahandaan ang berdey ni rizal lalo pa at meron ngang jose rizal park dito sa alemanya. bakit kaya hindi sya masyadong alam ng ibang tao? sa internet nga hindi ko sya nakita e. sana sa sunod mas laganap ang balita tungkol dito.

ang bandila
ayan na nga. kahit super busy at may dalawang ka-date na nung araw na yon e punta pa rin kami sa joze rizal park sa alemanya. isang tingin pa lang e alam na naming puno na ang parking. ang daming tao. at ayun na nga at nakawagayway na ang ating bandila.

longganisa, pansit at lumpia ang handa
at dahil hindi kami kumain ng tanghalian, diretso kami agad sa kainan. ang sarap agad ng nakita ko. si kengkoy nakakita agad ng kakainin nya; mantalang ang mga little kengkays e naghanap ng barbecue na paborito nila. dahil wala, masaya na rin sila sa manok nilang order.

pwede magtake home ng hopiang mungo at baboy
at may matamis din. nalimutan ko nga mag take home e, hayyss

dinuguan
ang una kong nakita at nagustuhan ay ang dinuguan. masarap talaga sya. bakit kaya kaya nilang magluto ng masarap ng dinuguan mantalang ako hindi

yan ang aming kinain
kanya-kanyang plato na po ang pamilya ni kengkay. katabi namin ay mga halo halong pinoy/aleman pamilya din. ang nakakatuwa e marunong magsalita ng tagalog yung mga aleman. ngek, mas malalim pa nga sila magtagalog kesa sa akin no. ang unang tanong nila sa akin e kung marunong ba daw magtagalog mga anak ko. sabi ko naman, sempre. tuwa naman sila kasi dapat lang daw na marunong din magtagalog kahit na asa alemanya sila.

may matamis din, kasama sa mga cakes yung kutsinta
kita nyong ubos agad yung cassava cake? kaya kutsinta na lang ang kinain ko.

simula na ng ceremony
bago magsimula ang ceremony, talagang pinatigil yung pagtitinda. kasi daw dapat lahat magparticipate sa program.

simula na ng programa
sa totoo lang, ang daming tao. at lahat sila nakatayo habang matapos ang buong programa.

nag alay din ng bulaklak
kasama sempre ang pag aalay ng bulaklak. sila ang mga knights of rizal dito sa alemanya.

kodakan
ayan, kodakan.
mahaba pa sana ang programa. meron pang cultural show na gustong gustong makita ng mga little kengkays kaso mo kailangan na naming pumunta dun sa aming ka-date e. na miss tuloy nila ang makita ang tinikling. gusto daw kasing nilang matuto nun. pramis ko sa sunod na uwi nila sa maynila, bibilhan ko sila ng bamboos. sinong marunong magtinikling at maturuan ang mga little kengkays? taas ang mga kamay!


wow..exciting naman pala ang celebration…..at dmi ng food..kakagutom!
Comment ni blurosebluguy — Hunyo 24, 2009 @ 8:13 hapon |
wow! happy na, birthday pa ni parang pepe ah. hehe daming handa!
sarap ng dinuguan. >drooling<
tama ang mga aleman, kahit nasa ibang bansa ka hindi mo tlga dpat kalimutan ang sarili mong wika.
Comment ni Joffred — Hunyo 24, 2009 @ 9:38 hapon |
sarap ng dinuguan..hu hu hu..namiss ko tuloy ang dinuguan sa bacolod..ahe he he..
magkabertdey kami ni rizal…sana ako indi rin bariliN!ha ha ha
Comment ni Maldito — Hunyo 24, 2009 @ 11:49 hapon |
yep^
magkaka bertdey kaming tatlo nila rizal
tsaka ni maldito’
bat ang daming pagkain???
sino gumastos sa handaan yung mga kamag -anak ni rizal dyan? diba may naiwan pa syang relatives ??
Comment ni jason — Hunyo 25, 2009 @ 1:13 umaga |
bakit kaya ganun na lang ang paglaganap ni rizal sa buong mundo, kahit ata saan ka magpunta meron syang rebulto…
Comment ni jodi — Hunyo 25, 2009 @ 3:04 umaga |
Ang sosyal naman talaga ni rizal, hanggang alemanya nagbe-berthday!
Comment ni Snow — Hunyo 25, 2009 @ 4:08 umaga |
hmp bakit hindi man lang naibulong ni lolo jose na may celebration pala sya nong niyakap ko sya??? bakit??
Comment ni p0kw4ng — Hunyo 25, 2009 @ 11:13 umaga |
bat ang daming hopia
nakaka panglaway naman
yan GABUNDOK na hopia
mga hopia come to jason!!!
Comment ni jason — Hunyo 25, 2009 @ 11:11 hapon |
ay bongga pala ang celebration jan ni jose…nakakatuwa aman..yung dinuguan mukhang masarap talaga..grabe nagugutom na ko..
Comment ni azul — Hunyo 26, 2009 @ 3:45 umaga |
nakakatuwang isipin na sa alemanya kung saan naglage si rizal noon, malaki pala ang pagpapahalaga nila sa pambansang bayani natin. swells up my pride of being a pinoy! happy bertdei pambansang chickboy! hehehe.
Comment ni lio loco — Hunyo 26, 2009 @ 4:33 umaga |
saya-saya naman! sarap ng dinuguan at hopia. hmmm
buti ganyan ang reception diyan kay rizal. sumalangit nawa! iba talaga ang feeling kapag kinilala ang kapwa Pinoy mo sa ibang bansa.
mabuhay!
Comment ni hitokirihoshi — Hunyo 26, 2009 @ 6:51 umaga |
ang daming pagkain…nagutom ako..
mabuhay si rizal ///
Comment ni anakngpating — Hunyo 26, 2009 @ 9:13 umaga |
uy, ang sarap naman ng mga pagkain.. haha kumpleto may hopia pa.
ang galing!
teka, almusal muna ako
Comment ni sandi — Hunyo 26, 2009 @ 9:56 hapon |
ang sarap ng pagkain nanlaki mata ko…
Comment ni joyo — Hunyo 29, 2009 @ 8:53 umaga |
hehehe nakakagutom naman po. buti pa si rizal may birthday party at ang daming handa
Comment ni Nortehanon — Hunyo 29, 2009 @ 2:09 hapon |
nakakatuwa talaga tuwing ina-acknowledge ng ibang bansa ang mga naging kontribusyon ng lahing pilipino sa mundo.
mabuhay ang mga dati at bagong bayani!
Comment ni taroogs — Hunyo 30, 2009 @ 5:54 umaga |
ang galing naman at hanggang dyan eh may celebration ng bda ni rizal
.
Comment ni Lalaine — Hunyo 30, 2009 @ 9:11 umaga |
happy bday hero kong Rizal.. in fairness ang galing naman dyan sa alemanya… talgang may celebration pa! nakakataba ng puso .. ang sarap talaga maging pilipino
at mommy keng mas nakakataba yan dinuguan.. hmmm na miss ko tuloy magluto nyan
Comment ni naglalambingnacute — Hunyo 30, 2009 @ 10:16 umaga |
Buti pa sa Alemanya, bongga ang birthday party ni Lolo Pepe. Sarap ng food!
Comment ni Salve — Hulyo 3, 2009 @ 1:52 hapon |
grabe di ko alam na may ganito.. pero at least malapit naman kayo dyan sa park, pero para sa longanisa at dinuguan eh dadayunhin ko na yan…:) ganon eh..
Comment ni Toni — Hulyo 12, 2009 @ 3:38 hapon |
happy bday hero kong Rizal.. in fairness ang galing naman dyan sa alemanya
Comment ni cimonk — Mayo 20, 2010 @ 10:04 umaga |