Kwentong Kengkay

Hunyo 11, 2009

anong maitutulong natin sa bansa?

Filed under: Pinas — kengkay @ 7:32 hapon
Tags:

happy independence day, mahal kong pinas!

ngayon ang tanong ko, anong mga bagay bagay sa tingin ninyo ang pwede nating maitulong para sa pagsulong ng ating bansa? mga maliliit na bagay na malaki ang pakinabang ng bansa? hindi mahirap kundi madali. pero sempre, kayo ang dapat magdesisyon, at si kengkay ganito ang nakita at ginagawa:

- bumili ng mga gamit na gawang pinas. alam ninyo naman kung saan pwedeng makakita ng mura pero de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di ba?

- bisitahin ang pinas. kung kayo ay asa abroad, balikan ang pinas. madaming sulok sa ating bansa na magandang bisitahin. sa totoo lang, mas maganda pa rin ang beaches ng boracay at bohol kesa sa mga napuntahan ko na sa espanya, sa italya o sa pransya.

- bayong ang gamit ko kapag namimili ako dito sa alemanya. maraming pwedeng ilagay, matibay pa.

- ipagmalaki ang pinas. kapag may nagtatanong sa inyong mga dayuhan ng tungkol sa pinas, aminin na may mga bagay na hindi maganda sa bayan pero mas maraming maganda sa ating bansa. totoo namang mas maraming ipagmamalaki sa pinas, di ba?

- bumili ng pasalubong na galing pinas. kakaiba daw ang mga native products natin, at walang kaparis kaya naman gustong gusto nilang makatanggap nito. pero ang paborito kong pasalubong e yung mga t-shirts na may mga litrato ng mga lugar sa pinas, kasi magiging walking advertisement yung may suot.

- huwag kalimutan ang ating kultura, ang ating tradisyon, ang ating salita at kung sino talaga tayo. sa aking mga anak at pati na kay kengkoy, kinukwento ko ang pinas. natikman na nila ang halos lahat ng pagkaing pinoy, paborito nila ang pandesal at si jollibee. marami silang alam na tagalog na salita sa umaga pa lang e nagaalis na sila ng ‘muta’. marunong silang gumalang– ang tawag ni bunso sa kanyang nakatatandang kapatid ay ‘ate’, marunong silang gumamit ng tabo, marunong silang mag sungka at magjackstone at kung ano ano pa.

- huwag mawalan ng pag-asa. basta’t may buhay, may pag-asa :D

- ipagdasal natin ang ating bansa. naniniwala ako sa tulong ng Maykapal ay magiging matino rin ang takbo sa ating gobyerno.

- at oo, kung may pagkakataon na may boses ka para ayusin ang gusot sa ating bansa, magsalita. at kung may blog, isulat.

- nga pala, yung mga taga alemanya, bisitahin ang rizal park sa wilhemshaven.

kayo may maidadagdag ba sa aking listahan?

nga pala, berdey din ni kengkoy ngayon :D

Hunyo 10, 2009

piestahan sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 10:40 umaga

unang una, maraming salamat sa mga napilitang pumansin sa akin at nagiwan ng pagbati. dun sa mga nalimutan bumati, pwede pa rin :)

alam nyo ba na hindi lang pinas ang mahilig sa piestahan kundi pati na rin dito sa alemanya? halos yata lahat ng araw na pwedeng gawing piesta e gagawan nila ng paraan para maging piesta.

hindi lamang mga piesta ng patron at ng mga santo ang celebrated dito kundi pati na rin kapag simula at pagtatapos ng winter, spring, summer or fall; may piesta. kapag may ani, may piesta. kapag anibersaryo ng mga clubs, may piesta. ah basta, kanya-kanya silang gawa ng piesta. at hindi lamang isang araw ang celebrasyon, kundi minsan e buong linggo o isang buwan! tingnan nyo na lang yung octoberfest, di ba?

nitong nakaraang weekend e piesta nung sports club kung saan nagtatambling si kengkay at ang mga little kengkays. sempre, punta kami. hindi libre ang pagkain at inumin, dapat bilhin. pero dahil malilibre si kengkay sa gawang bahay, edi enjoy :D
(may karugtong…)

Hunyo 9, 2009

pansinin nyo ako

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 5:48 umaga
Tags:

kasi berdey ko ngayon, heheheeh

ilang taon na ako? click

hindi ako nahiyang ipaalam ang aking edad kasi naman proud naman ako sa mga taon na nadagdag sa akin. kasi sa mga nadagdag na numero e may mga masayang bagay na binalik-balikan ako. at may mga pangyayaring hindi ko malilimutan. at sempre, ang dami kong natutunan.

tulad lang….

masarap pala ang may asawa. pero totoo ang mga naririnig ko dati na sa pag-aasawa, walang pwedeng maitago — lahat ng amoy, lahat ng kilos, lahat ng ingay, ah basta lahat! at ang pinakamasarap dun? yun! yun na na yun, heheh… yung parati kang may kasama sa hirap at sa ginhawa.

masarap pala ang magka-anak. nakakabaliw minsan pero mas marami ang sarap. iba ang pakiramdam ng may tumatawag sa yong ‘nanay’. iba ang pakiramdam ng may tumakbo sa yo na makikita mo sa mata nila na ikaw lang ang makakapagbigay ng lunas at sempre lalo na kapag may band aid kang dala… hay

masarap pala ang gulay. ngek, alam nyo bang ang tagal bago ko ninamnam ang mga gulay? kundi pa ko nabuntis at naisip kong mabuti ang gulay para sa mga anak ko e hindi ko titikman ang gulay. pero ngayon e sarap na sarap na ako sa gulay.

at eto matagal ko ng alam, pero uulitin ko — masarap na may nagmamahal at may minamahal. tulad ng pamilya, ka pamilya, kapuso, kaibigan, kapitbahay, kablag ;D

may berdey party sa sabado. stehparty (steh – stand) ang tawag nila kasi walang upuan daw, hehe. kung sino makakarating dito, deretso lang sa hardin at andun ang debut ni kengkay.

Hunyo 7, 2009

botohan sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 3:20 hapon
Tags: ,

ngayon ay botohan sa alemanya.

dumating sa smail post yung kani-kanilang mga papel kung saan sila boboto at andun na rin yung listahan ng mg kandidato mga dalawang linggo bago magbotohan. kaya naman ngayong umaga, namarkahan na ni kengkoy yung kanyang listahan para ihulog na lang at pumirma sa botohan. madaling natapos.
(may karugtong…)

Hunyo 5, 2009

manila, manila

Filed under: Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 3:30 hapon
Tags:

i keep coming back to manila…

hay, peram nga ng mikropono at feel na feel kong kumanta ngayong araw na to. masama na nga tingin sa akin ng mga little kengkays e. pero sigurado ako kapag binigyan nyo ko ng mikropono mas mabilis pa silang ngangawa ng kanta. may dugong karaoke eheste pinoy yata sila ano.

e bakit naman daw ako biglang napa emote ng tungkol sa maynila? kasi nagbubura ako ng mga pechurs sa aking digicam na hindi ko alam kung sino ang kumuha. pero nung tiningnan ko sila ulit, napansin kong sa maynila kuha ang mga pechurs na yun. sa tingin ko e mga little kengkays ang nagkodakan ng todo nung asa pinas kami e. ang hindi nila alam e ang mga pechurs nila e nagtural na natural na pinas!

eksampol na lang e itong kotse na to. swak na swak pa sya dun sa mga signages na doble doble pa kamo ha – please dont block the driveway na nga dun pa mismo nagpark sa tapat ng signage. pinoy na pinoy di ba?
(may karugtong…)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers