Kwentong Kengkay

Hulyo 31, 2009

kapag ayaw mo kumain…

Filed under: Kwentong Kengkay,Pasaway — kengkay @ 7:03 umaga

di ba kapag ayaw mo kumain, dapat wag mag- order.

o kaya naman, mag sabi na agad na hindi ka kakain.

o kaya naman sabihin mo lang kung ano ang kaya mo kainin.

o kaya naman sabihin mo lang kung ano ang gusto mong kainin.

o kaya naman mag eksyus ka na kapag oras na ng kainan.

o kaya naman, ipa-abot mo sa ibang tao na may gusto nun.

o kaya naman, ipabalot mo para sa mga taong mas nangangailangan nun.

hindi yung…. binigyan ka ng pagkain. tinanggap mo naman.
(may karugtong…)

Hulyo 29, 2009

dirty ice cream

Filed under: Kwentong Bulilit,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 6:50 umaga
Tags:

kapag nakakarinig ako ng tililing ni mamang sorbetero, parang gustong tumulo ng luha ko. naks naman, napakadrama daw ng dating, hahaha

kasi naman, yang mamang sorbetero na yan e kasali sa pang araw araw na buhay ko sa pasay ano nung aking kabataan. kapag naririnig ko yang tililing na yan e feeling ko ang sarap na ng buhay ko. inaantay antay ko yan.

lalo na kapag walang pasok, bago magtanghaling tapat e maririnig ko na ang tililing. nagtatakbuhan na kaming palabas ng bahay — minsan kapag may malaking natira sa baon e nagdadala ko ng sarili kong baso kasi mas maraming ice cream ang pwedeng ilagay dun.

pero kapag konti lang pera ko e yung pinipili ko e yung matamis na apa. ayaw ko nung orange na apa dahil hindi sya matamis, hehe. o kaya naman kapag oras ng merienda e pinapalaman sya sa tinapay.
(may karugtong…)

Hulyo 27, 2009

beniya honpo

Filed under: Masarap sa Pinas — kengkay @ 2:03 umaga
Tags: ,

basta sa hanapan ng masasarap na kainan na hindi mahal pero busog at authentic — kahit na nakapikit ako e papayag akong sumama dun sa isang matalik na kaibigan ko.

alam nya kasi kung saan makakahanap ng tunay na pagkain na gawang instik, gawang hapon, gawang korea, at kung ano ano pang may kakaibang espesyal na luto. alam din nya kung saan mahahanap yung very affordable lamang. yun nga lang, ma sorpresa ka lang sa kung saan saang sulok ka nya dadalhin kasi talagang asa sulok sulok ng mundo talaga ang mga iyon. parang nag te-treasure hunting baga.

at ang mas masarap dun, masaya ang mga bulate kapag narating na ang mga kainan kasi talaga namang ang sarap po. ang tunay na pampasarap e yung hindi mabigat sa bulsa ang bayaran.

katulad nitong beniya honpo restaurant. kapag pinuntahan mo sya, akala mo kung ano lang sya. pero kapag pumasok ka sa loob, wala lang din, ganon lang, hahahaha. kapag umorder ka na, dun na ang excitement.
(may karugtong…)

Hulyo 24, 2009

mushroom burger

Filed under: Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 12:05 umaga
Tags: ,
mushrooom burger sa west avenue

mushrooom burger sa west avenue

ay, hindi ko alam na may mushroom burger na pala sa may west avenue sa quezon city? ang kaso mo naman katapat sya ngĀ  jollibee. lugi naman yata si nanay kengkay kapag ganyan.

sempre mas malakas ang hatak ng jollibee, eheste, mas malakas ang hatak ng mga little kengkays pala para makapasok ng jollibee :) papano naman si ako?

imagine, hindi na pala kailangang umakyat ng tagaytay para lang makatikim ng mushroom burger ano? yun na nga lang, kapag hindi ka taga quezon city, ibang klaseng paglalakbay din ang mararanasan mo bago ka makakagat ng isa. kaya parang okay na rin yung byahe pa-tagaytay dahil sabay family outing na rin. at least dun malinis ang hangin, pwedeng mag picnic, pwedeng mag horseback riding — habang amoy na amoy ang mushroom burger.

o baka naman may delivery na rin ang mushroom burger sa west avenue? o baka naman may iba pang branch sila sa metro manila? kung sino may alam paki bulong naman!

alam nyo feeling ko kapag kumakain ng mushroom burger? feeling ko bumabalik ako sa high school days ko. at sa college days ko. bumabalik-balik ang mga masasayang araw kasama ang mga makukulit na barkada ko. kasama na rin dun yung mga kaboyprenan, hehehe

dyan kami kumakain kapag tumatakas kami sa opis e. o kaya naman kapag gustong mag emote lang. at sempre, kapag wala kaming masyadong pera. na halos parati, hahahaha

Hulyo 21, 2009

good morning towel

Filed under: Kwentong Kengkoy,Pinas — kengkay @ 1:20 umaga
Tags:

good morning towel

good morning towel

am sure kilala nyo ang good morning towels.

kulay puti sya. hindi sya bath towel. kasi maliit lang sya. pero mas malaki sya sa bimpo.

tapos parating may kasaling chinese karakters yung good morning na tatak nya. kasi naman, translation lang din yon.

yung mga nilalako sa kalsada. yung mga nakasalansan sa mga sidewalk. yung mga nakabarandal sa mga palengke.

sikat na sikat yan sa mga parating nasa ilalim ng araw. para pampahid ng pawis, para pang lagay sa likod at mawala ang pawis.

yung mga mamang busy sa construction sites, yung mga nanay na may mga anak na bulinggit, yung mga tambay sa kanto, yung mga nagiinuman sa kanto, ung mga nag kukutuhan sa hagdanan, yung mga nag a-outing… alam nyo bang si kengkoy e nagpabili din ng good morning towels?

nainggit, hehe. bili ako sa libertad, pasay. kinse ang isang tuwalya. ngek, ang mahal pala nun. tinawaran ko pa ha kasi ang unang bigay e bente isa e.

ayun, sabit sabit na rin nya ang good morning towels nya sa balikat kapag asa pinas kami. feeling pogi na rin sya. nainggit naman ang mga little kengkays. bili na naman ako sa palengke sa malibay, pasay. kinse rin isa. ayun, tatlo silang may good morning towels.

ayaw naman maglagay ng tuwalya sa likod nila. kasi daw hindi naman daw sila beybis. atsaka hindi daw komportable. sabi ko antay lang kayo, pag nasanay kayo – hahanap-hanapin ninyo ang good morning towels ninyo :D

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers