kakainggit talaga ang mga bata ano? lalo na tong mga little kengkays.
sa likod lang ng bahay namin e meron na silang sarili nilang palaruan. mantalang kami dati sa luneta park lang kami nakakakita ng playground. sa likod bahay namin yung duyan na gawa sa sako ng bigas at tinali sa sanga ng puno, yun ang meron kami. agawan parati. away-away. nagkakapikunan. sumbungan sa mga magulang. galit galit.
mabuti pa mga little kengkays, kanilang kanila. pero sempre may away din, may pikunan, may galit galit — kasali yata yon sa magkapatid.

kita nyo na sila?
ayan silang dalawa. ang kanilang sariling palaruan. swerte nila ano?

at nagduyan na nga
kahit anong gawin nila pwede. kahit na anong experimento, pero eto ang paborito nilang dalawa.

a wan
dalawang duyan na nga ang kinabit e nagpipilit pa rin silang magduyan sa iisa. ang sweet ano?

a tu
pero mukhang enjoy naman sila di ba? basta lang kapit ng mabuti.

a tu
minsan ako pa nagtatakot kasi ang lakas minsan ng pagduyan nila. pero sa kanila, wala yon. hindi kaya sila nahihilo?

a tri
ako kasi aaminin ko, hindi ko na kayang magduyan. nahihilo na ako. kaya naman, sa padulasan na lang ako nakikipaglaro. mabuti na lang kasya pa ako


ang saya naman pwede bang makitira jan…
Comment ni dhyoy — Hulyo 2, 2009 @ 9:54 umaga |
haha. kakatuwa naman. pansin ko ang bilis lumaki ng mga babies mo..
Comment ni dencios — Hulyo 2, 2009 @ 12:35 hapon |
sarap naman ng buhay ng little kengkays paduyan-duyan lang hahahahahhahahaha..ang cute nila ….
pagnapadaan ako sa alemanya..pwede rin pong akong magduyan hahahahahha
Comment ni blurosebluguy — Hulyo 2, 2009 @ 2:30 hapon |
cute talaga ng mga little kengs’ at ang swerte pa may sariling palaruan..
Comment ni sandi — Hulyo 2, 2009 @ 9:21 hapon |
ang galing naman. sarap maging bata – na may sariling playground. sweet pa nang magkapatid.
Comment ni ging — Hulyo 3, 2009 @ 12:42 umaga |
ang cutie tlga nila. :p
Comment ni Joffred — Hulyo 3, 2009 @ 3:50 umaga |
iba tlga pag bata paduyan-duyan lang,pro pti rin namn ngayon mtanda… dumuduyan na sumi-seesaw pa,lols
Comment ni hari ng sablay — Hulyo 3, 2009 @ 8:47 umaga |
kapatid!! magdiwang tayo! aprubado na ang automated election d2 s pinas!! sa wakas! tiyak n mababawasan ang dayaan! kung hindi man, 95% ng resulta ng election ay tiyak n walang pandaraya!
yes!
Comment ni Hotdogboi — Hulyo 3, 2009 @ 11:17 umaga |
sweet! gusto ko talaga ng bebe sister!!
Comment ni joycee — Hulyo 3, 2009 @ 1:50 hapon |
hay ang sarap maging bata,no ba balita sayo kengs?super busy ba?
Comment ni lilaybulilay — Hulyo 4, 2009 @ 3:57 umaga |
huwaw! hangkukulet ang hangkukyut naman ng mga little kengkays. parang gusto ko na rin tuloi magkaanak. pero hindi ko pa gustong mag-asawa. takot sa commitment? huhlolz!
Comment ni lio loco — Hulyo 5, 2009 @ 2:11 umaga |
ate kengkay ang sweet ng mga anak mo.
Comment ni bernardumali — Hulyo 5, 2009 @ 2:53 umaga |
Masarap talagang maging bata kengs! Hay, kaya heto madalas batang isip…hehehe… ^_^
Comment ni Snow — Hulyo 5, 2009 @ 10:22 umaga |
weee. kewl! ang saya naman ng me gnyan. ^_^
k2miss mgng bata.wew
Comment ni joni — Hulyo 5, 2009 @ 1:07 hapon |
ang saya! pag umuuwi ako sa bahay namin sa bataan, nakakapagduyan pa rin ako. may hammock talaga at nagpalagay ako nung gawa sa gulong ng kotse. para old skool. hahaha.
Comment ni alphasensei — Hulyo 6, 2009 @ 5:35 umaga |
ang sweet ang cute hehe..
kakatuwa naalala ko rin yung duyan na sako lang haha..agawan din kami ng mga pinsan ko hehe..
Comment ni anakngpating — Hulyo 6, 2009 @ 1:35 hapon |
mamikeng, ganda ng mga shots mo sa mag-ate. pag pina-print mo yan…mga after ten years siguro pag nakita ulit yan ng magkapatid tiyak mami-miss nila yan.
Comment ni MARU — Hulyo 9, 2009 @ 11:03 umaga |
wohw! pangarap kong magkaswing
di naman pwede xe walang paglalagyan dito sa lugar namin.. ayayay..
ang luwang ng playground! astig!
Comment ni chennn — Hulyo 12, 2009 @ 2:56 hapon |
ang cool naman kengkay nako patingin kami ng photos ng bago mong bahay ha!
Comment ni prinsesamusang — Hulyo 13, 2009 @ 10:39 umaga |
ang cutee talaga ng mga kids mo. lalo na yung pic na nagshashare pa sila sa iisang duyan. ang sweet! =)
Comment ni siangelnawalangpakpak — Hulyo 13, 2009 @ 1:08 hapon |
nakakatuwa mga little girls mo, ate kengks. ang sweet! ito na ba yung bago niyong bahay?
Comment ni iris — Hulyo 14, 2009 @ 1:46 hapon |