
mushrooom burger sa west avenue
ay, hindi ko alam na may mushroom burger na pala sa may west avenue sa quezon city? ang kaso mo naman katapat sya ng jollibee. lugi naman yata si nanay kengkay kapag ganyan.
sempre mas malakas ang hatak ng jollibee, eheste, mas malakas ang hatak ng mga little kengkays pala para makapasok ng jollibee
papano naman si ako?
imagine, hindi na pala kailangang umakyat ng tagaytay para lang makatikim ng mushroom burger ano? yun na nga lang, kapag hindi ka taga quezon city, ibang klaseng paglalakbay din ang mararanasan mo bago ka makakagat ng isa. kaya parang okay na rin yung byahe pa-tagaytay dahil sabay family outing na rin. at least dun malinis ang hangin, pwedeng mag picnic, pwedeng mag horseback riding — habang amoy na amoy ang mushroom burger.
o baka naman may delivery na rin ang mushroom burger sa west avenue? o baka naman may iba pang branch sila sa metro manila? kung sino may alam paki bulong naman!
alam nyo feeling ko kapag kumakain ng mushroom burger? feeling ko bumabalik ako sa high school days ko. at sa college days ko. bumabalik-balik ang mga masasayang araw kasama ang mga makukulit na barkada ko. kasama na rin dun yung mga kaboyprenan, hehehe
dyan kami kumakain kapag tumatakas kami sa opis e. o kaya naman kapag gustong mag emote lang. at sempre, kapag wala kaming masyadong pera. na halos parati, hahahaha



Mommy Kengks, dyan lang ako sa malapit dyan sa mushroom burger madalas magtambay kapag nasa city ako hehehe
Comment ni Nortehanon — Hulyo 24, 2009 @ 1:33 umaga |
mommy kengs dito ka na ba uli sa pinas???
nagutom ako dun sa description mo na habang nasa
tagaytay may naamoy na mushroom burger
Comment ni naglalambingnacute — Hulyo 24, 2009 @ 1:39 umaga |
nakakagutom naman po yan. sana magkaron din dito sa south.
Comment ni Jason — Hulyo 24, 2009 @ 9:56 umaga |
oo nga Jason. nakakagutom ang mushroom burger!!
Comment ni jason — Hulyo 25, 2009 @ 7:59 umaga |
ngek, akala ko kinausap mo sarili mo e
Comment ni kengkay — Hulyo 25, 2009 @ 8:50 umaga
@katukayo, gusto ko din ng mushroom burger with bacon and cheese! ayos!
@kengkay, parang kambal na david garcia jr hehe, napapanood nyo po ba yun?
Comment ni Jason — Hulyo 25, 2009 @ 3:46 hapon
hehehe..
ansaya naman ng mushroom burger..
may mga memories pang nakakabit.
hehe..
sarap nga siguro nyan^^,
lage ako nadadaan dyan pero diko pa natry. hehehe
Comment ni junice — Hulyo 24, 2009 @ 10:52 umaga |
try natin jhunice..
one time punta ko dyan
Comment ni jason — Hulyo 25, 2009 @ 8:03 umaga |
cge cge^^,
Comment ni junice — Hulyo 25, 2009 @ 9:40 umaga
wow..ms. kengs’ sarap naman nyan! Hindi pa ako nakakapunta dyan. Mukhang masarap ‘yan masubukan nga
Comment ni sandi — Hulyo 24, 2009 @ 11:48 hapon |
masarap po din
yung mushroom sa spaghetti
at mushroom sa mushroom soup.
Sa west avenue yan!!
malapit sa Saint Vincent School!!
Comment ni jason — Hulyo 25, 2009 @ 8:00 umaga |
nakakita ako ng mushroom burger sa olongapo last month kaso nawirduhan ako eh hindi ko maimagine kasi nga meat eater ako diba LOL
Comment ni prinsesamusang — Hulyo 25, 2009 @ 8:26 umaga |
madame kengkays di po ito related sa entry mo.
agaw pansin lang po..dalaw kapo sa bagong e bahay ko…suportahan nyo ako..hehehe
pero masarap nga yang mushroom burger na yan..twice pa lang ako nakakain nyan…wahahaha
Comment ni boi — Hulyo 25, 2009 @ 10:07 umaga |
http://alaehvhoi.wordpress.com/
nakalimutan..watta
Comment ni boi — Hulyo 25, 2009 @ 10:09 umaga |
aba! meron na pala nyan sa kyusi? ang alam ko kasi dati ay sa tagaytay lang siya. siguro papayag ang mga mini-you mo na pumasok sa mushroom burger kung andun din yung 7 dwarves (na nakaupo dun sa mushrooms na niluto)
Comment ni taroogs — Hulyo 25, 2009 @ 2:11 hapon |
masarap pa yan? sana makakain din ako nyan. nakikipasyal lang ako. pwede bang maki exlink sau? tnx
Comment ni Chimmie — Hulyo 25, 2009 @ 3:42 hapon |
hey nice post..lets exchange links
Comment ni unksenna — Hulyo 26, 2009 @ 12:51 umaga |
dapat compromise, buy ka muna ng mushroom burger then pasok Jollibee, oh ‘di ba? everybody happy?
Comment ni Jim — Hulyo 26, 2009 @ 1:32 umaga |
omg, dinadayo itong mushroom burger sa tagaytay! glad to know na may ganito na pala sa west av.
Comment ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd — Hulyo 26, 2009 @ 5:22 umaga |
meron pa pala nyan sa maynila
akala ko yun last stire standing nila ay sa tagaytay na
pero masarap dyan!
ang bango pa sa loob ng tindahan
hehe
Comment ni raft3r — Hulyo 26, 2009 @ 9:47 umaga |
store pala hindi stire
hehe
Comment ni raft3r — Hulyo 26, 2009 @ 9:48 umaga |
gutom na ko. sana meron dito nyan sa makati
Comment ni bernardumali — Hulyo 26, 2009 @ 10:07 umaga |
kung di lang umuulan ngayon, susugod ako sa west ave para dyan sa mushroom burger na yan. nag-crave bigla ako dahil sa post mo ms. kengkay. (nanisi pa, lol)… may araw din yan.. bukas malamang sa hindi. hehehe… kakagutom. peborit ko pa naman topic lamang tyan!
Comment ni docgelo — Hulyo 26, 2009 @ 10:34 umaga |
Di pa ata ako nakakatikim nyang mushroom burger.. Nakaka-gutom tuloy. Haha
Comment ni Ampness! — Hulyo 26, 2009 @ 12:20 hapon |
hmmm di pa din ako nakakatikim ng mushroom burger..
magkahiwalay lagi
mushroom lang
di kaya burger lang..
pero pag burger steak.. hmm pede na.. toinks..
padaan..
Comment ni shynyrd — Hulyo 27, 2009 @ 1:34 umaga |