Kwentong Kengkay

Hulyo 16, 2009

berri berri

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 3:21 umaga
Tags: ,

naisip ko lang naman. pwede kayang mangyari na sa mga sumunod na panahon e matanggap din ng mupa sa pinas ang magkaron ng berries? alam ko ang aratiles e berries din, at sempre may strawberries din sa bagyo pero alam nyo yun, yung parang ganito e….

berries

berries

(may karugtong…)

Hulyo 11, 2009

lipat bahay

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 3:13 umaga

ngek, inaagiw na pala itong ebahay ko.

ang tagal kong hindi nadalaw. ang tagal ko ding hindi nagdadalaw sa mga kablag ko.

pasensya na. medyo naglilipat bahay ang pamilya ni kengkay e.

hindi ko na alam kung ano uunahin ko. kaya napagiwanan ang pagbablag.

pero kapag may oras na, ibubulong ko sa inyo kung saan kami naglipat.

exciting pong talaga ;D

Hulyo 2, 2009

iduyan mo

Filed under: Kwentong Bulilit — kengkay @ 9:50 umaga
Tags: ,

kakainggit talaga ang mga bata ano? lalo na tong mga little kengkays.

sa likod lang ng bahay namin e meron na silang sarili nilang palaruan. mantalang kami dati sa luneta park lang kami nakakakita ng playground. sa likod bahay namin yung duyan na gawa sa sako ng bigas at tinali sa sanga ng puno, yun ang meron kami. agawan parati. away-away. nagkakapikunan. sumbungan sa mga magulang. galit galit.

mabuti pa mga little kengkays, kanilang kanila. pero sempre may away din, may pikunan, may galit galit — kasali yata yon sa magkapatid.

kita nyo na sila?

kita nyo na sila?

(may karugtong…)

Naunang Pahina

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers