kapag mahiyain ka, sa tingin mo makakapag commute ka ng matino?
makakarating ka sa patutunguhan mo ng matino?
e di ba bawat sakay mo ng dyip, ng bus, ng sidecar, ng trisikel kahit nga ng taksi e… baba ba ka?
papano kung mahiyain ka. papano ka papara?
langya.
samahan pa ng mga sasakyan na sobrang lakas yung stereo nila.
nung mga sasakyan na maiingay ang mga pasahero dahil sabay sabay na nagdadakdakan, kundi man sa mga katabi nila e sa mga celpon nila.
nung mga potpot, pitpit, beep beep sa kalye.
nung mga naglalako sa kalye. ng mga gumagawa sa kalye. at kapag may bata pang umiiyak?
nakow! kung nagkaron ka man ng lakas loob at napa-para ka ng mahina, e walang makakarinig sa yo.
kapag mahinhin ang para mo e baka sa sunod na bayan ka na bumaba.
kung sabayan mo naman ng padyak e baka akalain e may pinapatay ka lang na insekto.
kailangan kasi pag pumara ka e yung tipong ‘saklolo’ ang sinisigaw mo.
malakas at mariiing paraaaaaa!
may ibang super hinhin ang nagagawa na lang e magdabog dahil ang layo na ng binabaan nila. yung iba naman minumura yung drayber. pero anong magagawa e dapat ngang matuto tayo sumigaw ng para na talagang titigil yung nagmamaneho. at dapat may timing para dun mismo sa harap kung san gusto nating bumaba huminto yung drayber.
si kengkay? ay kinakausap ko na yung mga katabi ko at inuuto iiniengganyo ko na sabayan ko sa pagsigaw ng madiing paaaraaa. parang chorus line baga
sabay sabay tayo — ah wan, ah tu, ah tri — paaaaraaaaaaa!
ganun lang yon, hahahaha.
sempre wag kalimutang magpasalamat dahil kakailanganin mo ulit ang chorus line na yon.



paraaaaaaaaaaaa
hahaha galing ng teknik ni mommy keng hihi
ako man nahihirapan din pumara kasi mahiyain din ako
pero pag lalampas nako wala ng hiya hiya
isang malakas na PARAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
Comment ni naglalambingnacute — Agosto 4, 2009 @ 7:50 umaga |
nakakawala talaga ng hiya pag naisip mo kung gaano kalayo ang lalakarin mo, hehe
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:40 umaga |
PARAAAAAAAAAAA!!!! Nailagay na rin pala kita sa links ko…
Comment ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD — Agosto 4, 2009 @ 8:23 umaga |
ekk, ako ang lumampas ng di kita nalilink, sige consider it done
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga |
hehe..
ako para talaga kung para ayoko kasi lumagpas at mag lakad ng malayo hehe..lalo na pag madaming dalahin at mabigat hehe..:)
Comment ni anakngpating — Agosto 4, 2009 @ 8:49 umaga |
ay yun naman ang masakit, bigat ng dala tapos mega lakad pa, waaa
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga |
sabi nga sa jeep:
‘ang sitsit ay sa aso
ang para ay sa tao.’
ayus mami kengks. :p
eto pa,
‘chicks na white cover,
pang-alis ng hangover.’
Comment ni flamindevil — Agosto 4, 2009 @ 10:25 umaga |
basta driver, sweet lover – yun ang pamatay dun, hahaha
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:41 umaga |
kamusta? ngayon lang ulit ako nakapag ikot.
Ako, eto favorite ko:
“Wag ka bukaka, baka tayo mabangga”
heheheh! winner yan
Comment ni Antipatika — Agosto 6, 2009 @ 12:55 hapon
pag ako pumarang may kasamang tiger look haha
Comment ni dencios — Agosto 4, 2009 @ 12:58 hapon |
aba, at para kanino naman daw yung tiger look na yun, ha?
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:42 umaga |
aku magaleng aku pumara.. hihi nalagay na keta sa links ku. tnx.
Comment ni Chimmie — Agosto 4, 2009 @ 2:40 hapon |
aba, nagtaas ang kamay ng magaling pumara.
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:42 umaga |
1,2,3
paraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
naku ako kahet maliit talagang nilalakasan ko para marinig ng drayber!
Comment ni joycee — Agosto 4, 2009 @ 4:13 hapon |
minsan kung sino pa maliit yun ang malakas boses, di ba
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:44 umaga |
Eh kamusta naman yung mga jeepney driver dito sa amin na ubod ng bingi. Nakakinis na minsan pero iniisip ko na lang na baka pagod na si manong at ang isip eh andun na sa uulamin niya mamaya.
Comment ni bebeninadoodles — Agosto 4, 2009 @ 8:55 hapon |
hahaha, alam ko yang sinasabi mo. lalo na pag oras ng tanghalian o kaya ng hapunan, ang gusto na lang nina mamang drayber e makarating sa hapag kainan at wala ng marinig
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 12:45 umaga |
nyahahaha…
tama tama! dapat tyempuhan mo din ang pagpara!
depende rin kasi sa bilis ng patakbo ng nagmamaneho..
baka pag binigla mo ang pagpara, baka mapunta kayong lahat sa harap! har har!
dapat tamang tyempo at lakas ng loob sa pagpara!
hehehehehe
Comment ni junice — Agosto 5, 2009 @ 1:41 umaga |
kapag biglang preno ay nagkakaron ng espasyo yung mga nakaupong pangkalahati lang ng pasahe ang bayad, ehehe
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:39 umaga |
hi momi kengks!sori now lang ako nakadalaw..tagal kong di nakabalik dito..nakakamiss tuloi..
at astig pala ang style mo ng pag para..ako naman naiinis sa siopauQ pag pumapara.napakahina kasi ng boses sarap kulutin ng dila..ahahay
Comment ni azul — Agosto 5, 2009 @ 2:56 umaga |
turuan mo kumatok sa bubong kung mahina boses, hahaha
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:39 umaga |
kaya ako, dun ako umuupo sa malapit sa driver para di ko na kelangan sumigaw. hahha!
Comment ni Jason — Agosto 5, 2009 @ 4:01 umaga |
ay oo nga ano, hmmm, magandang tip yan
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:40 umaga |
Napadaan lang po! Pumara saglit at bumaba sa blog mo! Nice one! Add kita sa link ko.
http://dormboy.wordpress.com
Comment ni Dorm Boy — Agosto 5, 2009 @ 5:51 umaga |
malakas ka rin ba pumara? hehehe – sige add din kita
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:40 umaga |
pag yung mga patok na dyip na byaheng marikina ang masakyan mo, siguradong di ka maririnig pero ayos ang mga yun, malakas ang sound pero pag kelangan mo ng pumara, push the button para huminto
Comment ni Mars / Kulot — Agosto 5, 2009 @ 5:58 umaga |
ay oo nga, may mga ibang biyahe ng dyip na push the button, o kaya naman ring the bell
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:43 umaga |
Magaya nga strategy mo mommy Kengkay next time. Hehehe
Ako nga sumisigaw talaga ako magnagpapara eh. Pero minsan ang nakakainis eh narinig ka na ngang pumara, hindi parin humihinto yung jeep.
Comment ni Ampness! — Agosto 5, 2009 @ 6:27 umaga |
kapag ganon naman e sabayan mo na ng padyak!
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:56 umaga |
bohahaha. nako eto nga problema ko dati kasi mahiyain ako. hehe e ngayon di na ko masyado nagjijip pero pag sasakay ako sisiguraduhin ko lagi na sisigaw talaga!
Comment ni nadine — Agosto 5, 2009 @ 6:45 umaga |
nawawala ang hiya basta lang makapag para ano!
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:57 umaga |
Ako papaswit nang malakas, kasi pag sigaw, baka pumiyok ang tono ko hehe. Nauso nuon yung buzzer o ‘blinker’ sa may dashboard ng drayber… wala na.
Halu, napasyal lang, nakatabi kasi kita ng comment sa isang ka-blog. Bakit kaya ekako nagdisapir din ang mga avatar ni kengkay paris ng sa akin.
Comment ni homebodyhubby — Agosto 5, 2009 @ 12:15 hapon |
ay, nawala na pala yung blinker at buzzer? baka selected metropolis na lang, hehe
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:59 umaga |
nyahaha
nakakamiss mag-commute
malakas din akong pumara, eh
at dahil maginoo ako (ata)
pati yun mga miss na mahiyain na bababa, ako ang pumapara para sa kanila
;P
Comment ni raft3r — Agosto 5, 2009 @ 12:38 hapon |
ay, baka nakasama ka na rin dati sa chorus line ko? hahaha
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 5:59 umaga |
aw, may eksena naman, natarayan ako ng isang pasaherong malaking mama
NEXT TIME MISS, SAY IT LOUD..
Eh hello, ang lakas ng ulan, at may pagkabingi yata talaga si Manong..
Malakas kaya boses ko.
Di ko na lang binalikan si MAMA, dahil laki wankata nya eh. togoinks..
Comment ni shynyrd — Agosto 5, 2009 @ 1:43 hapon |
ngek, inglisero si mamang malaki katawan, huwaw!
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:00 umaga |
katuwa ka talaga ate.. ako malayo pa sinasabi ko na agad na “mama para lang po sa may ____(kung saan ako baba)” hehe.. para hindi na ako makalimutan eh uulitin ko kapag malapit na ako bumaba. =)
Comment ni Lalaine — Agosto 5, 2009 @ 5:04 hapon |
ganyan din ako sa mga konduktor naman ng bus, ilang ulit ko sasabihan, kaya minsan sa asar nila e kunyari di na nila ako naririnig, waaaa
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:01 umaga |
hello mami kengks. musta po?
nakow, problema ko dati ang pagpara.
kapag malapit nako lagi akong kinakabahan. bingi kasi lagi ang napapatapt sakin na driver. hahhaa. lagi akong lumalampas.
Comment ni JOSHMARIE — Agosto 5, 2009 @ 11:21 hapon |
hahaha, ako kinakabahan din ako lalo na kapag malelate na ako o kaya kapag gabi na. kaya kailangan ko parati ng chorus line sa pagpara
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:02 umaga |
haaay naku, brings back memories ng biyahe namin around Metro Manila. Nightmare! mula sa bastos na taxi driver at sa sinabi mo’ng style ng mga jeepney driver. mahirap pero minsan enjoy, nakaka-miss din, mantakin mo?! nami-miss mo rin ang ‘organized’ chaos, i.e., commuting around Manila… uyy, baba na ako… PARAAAAAAA…
Comment ni Jim — Agosto 6, 2009 @ 2:07 umaga |
di ba sa thailand naman, dun sa mga probinsya nya, e sigaw din ang pagpara? wala rin silang buzzer e
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:03 umaga |
sa jeep po malakas boses ko
madalas ko ginagawa
katok sa kisame, tapos
ma sa tabi lang po
para
ang haba no?
di pa pumapalya yan mommy kengks
hehehe
Comment ni jason — Agosto 6, 2009 @ 3:46 umaga |
ay minsan kasi mataray yung drayber at sasabihing – baka ho mabutas yung bubong ng dyip, hehehe
Comment ni kengkay — Agosto 6, 2009 @ 6:04 umaga |
paraaaaaa!
ayun, kapag talagang hindi marinig at lumalayo na ako sa babaan ko, medyo tumataas na ang boses ko..
Comment ni sandi — Agosto 6, 2009 @ 10:30 umaga |